Dear insansapinas,
The Power of Ghostbusters compels you. (Biglang paulan ng holy water using a water sprinkler).
Ang daming ghosts sa PNP. Kailangan nila ng ghostbuster. Akala ko ghost purchases lang, pati pala mga pensioners, ghosts din. Tinamaan ng lintik, billion ang napupunta sa mga multong buhay.
P1B spent for PNP ‘ghost pensioners’—Robredo
Mero n ding ghost repairs: SUS. Ito na naman mga generals na nahuling maraming dalang euro dollars?
'Euro general' to face probe on 'anomalous' repair of armored vehicles
Malulurkey ang ghost busters nito sa daming billion na involved.
Katatapos ko lang ng isang novel kung saan ang bidang babae ay nakikita ang mga kamamatay lang. Idinidiscuss niya kung paanong mas inaakala niyang curse ang "ability to see dead people, dahil minsan na-iistalk siya ng mga ayaw pang pumunta sa light.
Para bang ghost whisperer ni Jenifer Love Hewitt. Mahirap pa pag evil ang mga spirits na nagiistalk.
Itong sa PNP talagang evil sila dahil kawawa naman ang mga sundalong ang liliit ng suweldo samantalang ang mga GHOSTS na ito ay bilyon ang pinagpapasasaan.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment