Advertisement

Wednesday, September 07, 2011

Buwaya sa Katihan


Dear insansapinas,


Naniniwala ang mga nakahuli kay "Lolong" ang pinakamalaking buwaya na mayroon pang mga buwaya sa lugar na iyon. Sabi nga nila posibleng asawa raw ng nahuli at ang mga anak nito. 


Matapos mahuli ang ‘giant’ croc: Paghahanap sa iba pang buwaya 

Ipagpapatuloy ng lokal na pamahalaan ng Bunawan sa Agusan del Sur ang paghahanap sa mga buwaya sa latian sa kanilang lugar matapos mahuli kamakailan ang isang saltwater crocodile na may habang 21 talampakan.
Hinihinala ni Bunawan Mayor Edwin Cox Elorde na marami pang buwaya ang maaaring naninirahan sa Agusan marsh.
Bakit pa sila maghahanap, marami sa katihan. Nasa Congress, nasa kampo ng mga heneral at opisina ng mga corrupt na officials.



 Kung asawa naman ang hinahanap, baka ito ay nasa clinic ni Belo at nagpapabanat ng mukha o nagpapatangos ng ilong.


Pinaysaamerika 

No comments: