Advertisement
Wednesday, September 21, 2011
It was a long day
Dear insansapinas,
photocredit
It was a long day for me. I got two appointments today. Take that, Mr. President. I was busy that I could not have met a beauty queen for just a few minutes in a VIP room in an airport. Masyado akong fantasyadora. O baka may tumapilok sa akin at ako ay mag PLANK bigla. Tseh.
I got two requests for blood tests. (plural kasi dami). Dapat nga tatlo pero nawala yata sa mail yong request noong isa ko pang doctor, kaya ang dala ko lang ay yong sa internal medicine specialist at oncologist. Kaya tuwang tuwa na naman ang mga bampira. Dahil siguro sa aking FASTING,(bawal ang kumain at uminom) iba ang papel na nahugot ko. Hindi request for blood test kung hindi listahan ng mga recipe ng aking paboritong Filipino food. Yong dalawang phlebotomists sa laboratory ay tinawagan na ang doctor ko kung anong shit I mean sheet yong natanggap nila. Buti na lang nakita ko at nacorrect ko ang mali. Yon pa namang naka-assign sa akin ay di na ako kailangang tusukin para makuhaan ng dugo. Dunggulin lang ako baka nanginginig pang dumaloy ang dugo sa akin.
Ang bad ko talaga, nang-insulto na naman ako. Pak pak. Ayan sinampal ko na ang sarili ko.
Alas nuwebe pa lang tapos na ang blood-letting. Gutom na ako. Nanginginig pa ako nang kinain ko yong baon kong Lund choc para hindi ako magkaroon ng low blood sugar level.
Pero ang susunod kong appointment ay alas dose pa. Kahit hindi ako nag-aalmusal, nagyaya akong magbreakfast kami ng kapatid ko. Nag-call in sick siya para samahan ako sa aking mga appointments. Tinanong ako kung saan ko gusto. Naalala ko, ang tagal ko na nga palang di nakakain sa Denny's (may kuwento ako diyan) pero mas malayo kaysa IHOP kaya sa IHOP na lang kami para makakain ng pancakes.
Nornally, hindi ako kumakain sa fastfood kahit sa SF. May paborito akong Chinese Restaurant doon o kaya yong turo-turong Pinoy na masarap ang luto, marami pa ang laman ng isang order. Yong isa kong tenant doon bumibili, tapos inilalagay sa kaserola na para bang siya ang nagluto. Akala ko pa naman ang galing magluto. Ang Taksil. TSEH.
So order kami, Breakfast Sampler. May dalawang fried eggs, dalawang sausages, meatloaf at dalawang pancakes. Kala ko pa naman malaking serving. Sa suggest ko pa naman sanang hati na lang kami ng kapatid ko dahil baka di ko maubos.
Tokneneng, nang dumating, yong dalawang itlog ay napakaliit. Dahil sa sunny side up, kasinlaki lang ng mata ko yong pula (yellow) ng itlog). Siguro naapektuhan ng RH bill ang mga manok na nangitlog. BWaahaha.
Paborito ng kapatid ko pancakes. Siya ang nagluluto ng pancakes sa bahay. Yong maliliit. Ako pag nagluto, ang lalaki para bang bibingka. Kinain ko yong isang pancake. Walang lasa. Nakita ko kapatid ko namimili ng syrup, merong cherry, bluberry at regular. Nakalimutan ko palang lagyan ng syrup. Tagal na rin kasi akong di kumain ng pancakes. Carbo, nagiging blood sugar.
Ten o clock tapos na kaming kumain. Dalawang oras pa ang papatayin. Wala naman akong baril. Cornyko na naman. Suggest ng kapatid ko sa paborito naming lugar. SA LIBRARY. wheee. Kahit na may naghihintay sa aking 16 na libro sa bahay para mabasa.
Sarado ang library. Ang bukas niya ay ala-una pa. Kaya pala, merong flea market sa parking area ng library. Sarap ng mga tomatillo. ACID. Walang masyadong farm produce hindi kagaya ng flea market sa San Francisco, kulang na lang dalhin ang Ilocos sa Civic Union o kaya sa Mission Street at Daly City pag flea market days. Merong bagoong, merong saluyot, ampalaya, may balut, at iba pa.
Nakabili lang ako ng okra sa flea market, radish at isang maliit na pumpkin. Reretratuhin ko pag sinipag ako. Ang ganda niya. Baka manalo sa Miss World. *wink* Wag lang tatanungin.
Wala pang alas once. Sabi ko punta kami sa aking hair stylist. Koreana siya. Nang dumating ako, kahit meron siyang customer, ginupitan niya ako. Akala ko ako ang kukuwento ng mga nangyari sa buhay ko sa tagal kong hindi nagpagupit. Kulang na lang bumaha sa pag-iyak niya. Iniwanan na raw siya ng kapartner niya sa beauty parlor, dala ang kaniyang mga customer. Ang aswang. Pati ako pinaghinalaan niya na nadala na rin. Tapos nakita niya ang aking bangs na ako ang gumugupit. Nahinto siya sa pag-iyak. "Now I believe you, your bangs are ugly."
Pinintasan pa ng bruha.
Alas once na. Drive na ang kapatid ko sa next appointment. Hindi epektibo ang GPS. Sinungaling. Naligaw kami. Buti na lang marami kaming sobrang oras.
Nakita rin namin ang doctor's clinic.Paparada na sana kami nang unahan kami ng isang driver. Hanep Jaguar. Bumaba ang driver, matandang babae. Hindi naman doctor. Pasyente. Impressive din ang mga kotse ng doctor kasi kung mumura lang (cheap) impression ng pasyente, walang kalibreng doctor, walang pasyente.
Pag mamahalin naman ang car, wala pa aking nakitang nakaPORSCHE, BMW usually o Mercedes.(mga kagalang-galang na sasakyan) sobrang magcharge.
Yong doctor ko ay humble. Nakapaskel lang naman sa walls ng office ang laminated na magazine na nagsasabing one of the top doctors siya sa DC. Pag pasok mo kita mo agad, pag-alis mo yong laminated na picture at balita ang maggoodbye saiyo. Parang nagsasabing, may karapatan akong maningil ng mahal sainyo. Pero in fairness, mabait yong doctor na naka-assign sa akin, nag-eexplain at okay naman ang bayad kumpara doon sa aking previous specialist. Pero butas pa rin ang aking pitaka. Pinag-isipan ko kung gagastos ako ng ganoon kalaki. Worth ba? It just enhances the quality of my life. Puwede kayang umupo sa Quiapo?
Pagdating ko sa bahay, kinuha ko ang phone. Hilew, can I make an appointment with Dr. _____. Walang available for a week. Ganiyan sila dito. In demand.
Pinaysaamerika

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment