Advertisement

Friday, December 31, 2010

New Year's Eve

Dear insansapinas,
Happy New Year to All. 


grapes - check
orange- check
clementine- check
apple-check
pineapple-check
banana- check
strawberry -check


Hindi na ako bumili ng pitong prutas na bilog. Para hindi barya ang dumating. Umulan sana ng dolyar. 


polka dotted blouse-check
coins- check


okay so i am ready for the new year. No firecrackers, no fountain. no bawang, kahit Boy bawang. Last year may mga teeners na nag-attempt magpaputok sa may tabi namin. Huli sila kung di sila nagtatago sa mga puno. Kung ako tinanong, magmamakapili ako. Ituturo ko sila. 


We have our noche buena which I already ate for dinner. Hindi ako nagbreakfast at lunch. 
source:  http://www.pe.com/localnews/inland/stories/PE_News_Local_S_chicken07.42f3b8c.html


Fried  Chicken. My mother could have raised a howl. No chicken during New Year please, yan ang palagi niyang request. Isang kahig daw at isang tuka. Arghh.



Ayaw ko naman ng steak. Meron pang left over last Christmas na nakafreezer pa. Regalo sa amin ng kapatid ko. Siguro di sila "nakapagpatay" ng baka dahil bagyo sa Boston. May nakafoil pa na hamon sa freezer. Beterano pa rin ng last New Year. 


Nagluto naman ang kapatid ko. Nilagang mais at saka mashed potato. 


For the first time may bisita siya. Hmmm babae. Hmm Maganda siya. Hmmm, may pamilya na siguro. Kaklase raw niya sa Philippine Science High School. 


So maghihintay ako ng pagbagsak ng bola sa New York at exactly 12:00 ng hatinggabi.



In the meantime, iniinterpret ko ang aking dream. Nasa loob daw ako ng tunnel. Pagdating ko sa dulo, sarado. Sinemento. Hinila raw ako ng isang babaeng nakatayo sa kanan ko at dinala ako sa isa pang Exit.


Pfffft, gising ako. 


Pinaysaamerika

1 comment:

Arvin U. de la Peña said...

wow, okey ang mga prutas......marami pong salamat sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo..........isang malaking karangalan sa akin iyon.............thank you again.....