Advertisement

Thursday, December 09, 2010

Balikbayan Won the 740 million- Balato naman

Dear insansapinas,

Wow naman, isa palang taga New York na Pinoy ang nanalo ng 740 million na lotto sa Pilipinas, Kay Ganda Koh.


Uhmmmm. May patakaran bang hindi puwedeng manalo ang balikbayan? Baka naman dual citizen siya. Pero ang sigurado ko sa US niya dadalhin ang pera. Anak ng hwe, pagkatapos naming mgagpadala ng libo-libong remittance, isang bank transfer lang, mahigit na 17 million ang nawala sa banko ng Pilipinas Kay Gandah Koh. Pero di bale umaapaw naman ng liquidity ang banking system ng Pinas dahil sa hot money kaya nga tumaas ang inflation natin. Bakit di napapansin? Kasi nakatutuok sa mga love life ng Presidente at sa mga kapalpakan ng Student Council ng Malacanan. bwahaha.



Bago ito ay may isang lola na nagclaim na apo niya ang nanalo pero hindi niya naman maipakita ang winning ticket.

Kawawa naman ang matanda. Umasa pang maging multi milyonaryo.


Pinaysaamerika

No comments: