Advertisement

Saturday, December 04, 2010

Appointment

Dear insansapinas,


Pagkaalis ng aking tsikiting gubat, kinansela ko ang isa kong appointment sa doctor. Wala Lang. Pahinga muna. Ganito talaga ang may health issue . Minsan pag nasapok ka ng depression at nakatapak ka ng dumi na nagigi kang dramatic star, gusto mo lang talagang huwag gumalaw. Yon bang pa-emote-emote. oink


Pagkatapos magpagulong-gulong sa aking bed at maghilik sa couch habang nanood ng TV ng dalawang araw, tinawagan ko rin yong ospital kung saan ako nirerefer ng aking oncologist.


Med Sec: How may I help you?
Me: I was asked by my onco to make an appointment with your Center.
Med Sec: Can I get your number and I call you back.
Me: OKE


Ring ring
Yon palang kaibigan ko. Yadayadayadayads. Yong asawa raw ng kasama niya, ganoon din ang sakit at binigyan lang ng dalawang taon. Naoperahan na raw at iba pang alternative treatments. Ngiii.


Pagkatapos kung ibaba ang phone, tawag galing sa ospital.


Med sec: We have two specialists who can see you. One is available on Dec. 28 yet. Are you in a hurry?


Susme, parang gusto kong sabihin. Ah hindi. Hindi ako nagmamadali. Roll eyes.  


Med Sec: Do you have the results of the laboratory tests and other medical records?


Me: My doctor said that they are all available in the system since it is same hospital in a different location.


Med Sec: So you would like to get the soonest date available?
Anong gusto niya maghintay pa ako ng PASKO? KULEEEEET.


Batuhan na ng mga prescription pads.


Pinaysaamerika

No comments: