Advertisement

Wednesday, December 29, 2010

Doctors on a Holiday, Cat's Hair and Young Shoplifters

Dear insansapinas,

Sugod kami ng kapatid ko sa doctor. On our way to the medical center, nadaanan namin ang isang maliit na memorial park. Parang mga Filipino rin ang mga Puti. Nag-ooffer sila sa mga namatay na kamag-anak. Sa karamihan ng memorial stones, may maliliit na Christmas trees. May Christmas wreaths. May bulaklak at toys siguro. The living did not forget the dead  during the holidays.

Wala ang aking regular na primary physician. Nakaholiday. Isang doctor na Indian ang siyang tumingin sa akin. International na ang aking doctor. Russian, Italian, Pakistani, Indian, Hispanic, Irish  at Chinese. Pero walang mga pasyente sa reception area. Nakaholiday din siguro. Sakit lang nga siguro ang di naghoholiday.


Isang pasyente pa ang dumating at tumayo sa malapit sa akin. Nakaitim na jacket siya. Puno ng balahibo ng pusa. Mahanap nga ang pusang yan para mapangaralan at mapagsabihang magbago ng shampoo. Tseh. Gusto kong padaanan ng lint remover ang jacket noong babae. 


Isang medical staff naman ang lumabas. Gusto ko namang habulin ng plantsa.  Gusot-gusot yong blue niyang smock. Buti naman nakapagsuklay. Haynaku ang mga Pinoy, inaalmirol (spray starch) pa ang kanilang mga smock. Hindi papasok ang mga yan kung hindi napalantsa ang uniporme at winashing machine ang kanilang sapatos.

Tinawag ako sa loob. Kailangan ng urine specimen. Sus, pag sa bahay, halos walang isang oras pumupunta ako sa restroom. Ngayon ang tagal kong nakatingkayad walang lumalabas. (Huwag mag-imagine, sasampalin ko kayo). Kulang na lang, kumuha pa ako ng isang specimen bottle na nakatambak sa box sa restroom (may cellophane naman) punuin ng tubig mula sa sink at inumin para may lumabas. Tseh. Gross. Pweh.

Pagkagaling sa doctor, tuloy kami sa ospital. Akala ng kapatid ko may catscan ako bago ang aking operation. Pero blood works muna. Tapos punta na kami sa pharmacy. Itinawag ng doctor ang aking bagong prescription at pipick-upin namin. 

Hindi pa raw ready. So niyaya ako ng kapatid ko sa paborito naming pasyalan--library. Kasusoli lang namin ng mga NY Best Sellers na novel nina David Baldacci, James Patterson at Kathy Reichs (Bones). May bago si John Grisham. Whoa at si J. Patterson. 


Holiday din ang library. Half day lang daw. Aghhh. Balik sa mall. Habang naghihintay ay nag-order ako ng Quarter Pounder sa Mc Donald's na nasa loob ng mall. Last na kain ko ng MD sa San Fran, kailangan gumamit ako ng magnifier para makita ko yong Cheeseburger. Toinkkk. Ano kaniyo cholesterol at carbo? Gusto ko namang kumain ng burger sandwich, kasi wala akong appetite para sa kanin.


Balik ang aking kapatid sa pharmacy. Nakaupo pa rin ako sa MD. May dumaang lalaki, ngumiti, kumaway. 
Isip ko ako ba ang kinakawayan noon? Tingin ako sa likod ko. May wall. Ako nga. Hindi naman siya George Lopez. nwehehe.


Matagal bumalik ang kapatid ko. May batang babae na patingin-tingin sa mga bling bling. May isa pang babae rin. Biglang parang may nagBLING sa utak ko. Aha. Hinanap ko ang surveillance camera. Iisa. Pag tumayo ang bata in-between sa movable shelves, hindi mapapansin ang pagkuha niya ng bling bling at pagtago sa kaniyang jacket. 


Biglang may babaeng tumayo sa harapan ko. Hindi ko na tuloy nasundan ang teen-ager kung saan pumunta. Marami namang mga plain clothesmen na store detective.May kausap yong babae. Katsila ang usapan nila ng kausap niya sa cell phone. 


May nakatayong lalaki malapit sa kaniya. Lumapit pa ng mas malapit. Lintek, sila pala ang nag-uusap sa cell phone. Hindi na lang magharap. Tseh.


Pinaysaamerika

No comments: