Advertisement

Sunday, December 12, 2010

Misis nagwala, binugbog ang mistress ng asawa-naks parang tabloid

Dear insansapinas,
Hindi ko binablog ito dahil tsismosa ako. (walang kokontra). Pero may mga kaibigan kasi ako na violent din ang reaction sa mistress ng kanilang mister.



Nabasa ko sa mga comments na baka ang makasuhan pa ay ang misis dahil sa pananakit at pagmumura sa babae.


May kaibigan ako noon na talagang dinala ang damit ng kaniyang mister sa harapan ng bahay kung saan nagsasama ang mag-lovers. Tapos sinigaan niya habang pinalalabas niya ang kaniyang asawa.
Hindi naman lumabas. Ano baliw? Baka siya mabarbecue.


May kaibigan naman ako na siya naman ang nasa kabilang ibayo, ibig sabihin siya ang mistress. Pero hindi sila nagsasasama at ang kanilang relasyon ay mas bordering to platonic. Bordering ha.
Ang misis ni mister ang nanghaharass sa aking kaibigan. Araw-araw ay tinatawagan siya sa phone at nagmumura.


Sinabi na ng kaibigan ko na sabihan ang asawa niyag layuan siya. (Kulang na lang na kumanta siya ng Tukso, layuan mo ako).


Sa aking sariling eksperyensiya, yong mistress pa ni JB ang mataray sa phone. Pero noong sumugod siya sa bahay bigla siyang naging mabait. Nakita niya siguro yong malalaki kong karayom na panusok.
Pero ganoon siya kalakas ng loob dahil Filipino lang raw ako. Pero ang Filipinong ito ang mas kalmado pa pag-estima sa kaniya kahit na gusto niyang buhatin at ihulog sa hagdan. 



Obserbasyon ko lang. Ang mga babae anuman ang lahi ay naniniwala na iiwan ng lalaki ang asawa para pakasalan sila. Merong mga kasong ganoon pero karaniwan, emote lang nila yon. Oinkk.


Pinaysaamerika

No comments: