Advertisement

Saturday, December 11, 2010

Shalani's Billboard Benched

Dear insansapinas,

Si Kris Aquino raw ang dahilan kaya hindi matutuloy ang billboard ni Shalani as endorser ng BENCH. Kalurkey na naman ang balitang  ito.
Pinagkaila ni Kris ang bintang.

Sa presscon sa Cebu kahapon para sa pelikula pa rin niyang Dalaw sinagot ni Kris Aquino ang issue na malaki ang galit niya sa ex-girlfriend ng kapatid niyang (P-Noy) na si Shalani SoledadBench dahil umano’y kinausap niya ang may-ari ng Bench na si Mr. Ben Chan. at siya raw ang salarin kung bakit hindi na matutuloy na itaas sa mga kalsada ang billboard nito for “Was shocked- may issue that I was stopping Ben Chan from putting Shalani sa billboards,” unang tweet ni Kris nang marinig nga ang issue sa mga reporter sa Cebu.
 “#1 I’m not under contract w/ Bench. #2 I don’t have a share in Bench ownership. And #3 shalani hasn’t done me any harm, in fact I’m very appreciative of her effort to help Noy’s campaign & I wish her well w/ her new show. Please - wag manira na walang basehan!” sagot niya na ipinost niya rin sa kanyang Twitter account.
May kasama pa raw taray si Kris sa pagsagot sa mga tanong sa Cebu press.
At ang verdict sa kanya ng isang member of the press after the presscon doon sa Cebu : “Kris is very entertaining in front of everybody but if kayo lang she shuts you down,” say ng isa pa na nagkaroon ng one on one interview sa TV host/actress.

Pinagkaila rin ni Ben Chan na endorser si Shalani ng BENCH.
Humahaba ba ang ilong? Pinocchio?



"Sa'n yun nalaman, nobody knows! Nagtataka rin nga kami kung saan nalaman nung... Kung saan man yun lumabas," saad niya.

Hindi raw nila kinukuhang endorser si Shalani.

"Hindi pa naman naisip kasi, you know," sabi ni Mr. Ben.

Hintayin natin ang pagtatalak ng manager ni Shalani Soledad. Si Lolit Solis. Showbiz na showbiz talaga.


Hindi maipagkaila ng isang myembro ng student council ng malacanan na pinag-iinitan na siya dahil sa kapalpakan niya. Blind item lang kasi siya palagi. 



Paano raw kasi, sumbong ng mga miron, natunugan nitong si opisyal na seryosong minamatyagan ng mga powers to be ang kanyang performance dahil marami na rin itong kapalpakan bukod pa sa batid din niya na maraming naglalaway sa kanyang puwesto kaya ang siste, nagpapa-impress ito sa kanyang mga bossing nitong mga nakaraang araw.

Kung pabalat-bunga o sinsero si opisyal sa kanyang pagbabagong-buhay sa trabaho ay panahon lamang ang makakapagsabi, pero sa ngayon, all-eyes ang mga miron sa bawat kilos ni opisyal na ilang beses na naging kontrobersyal dahil sa pagiging wild nito sa mga private affairs na kanyang dinadaluhan.



Batuhan ng mga billboards.

Pinaysaamerika 

No comments: