Advertisement
Saturday, December 25, 2010
Catfish for Media Noche and Smoke Alarm for Jingle Bells in DC
Dear insansapinas,
As early as Friday, I was stuck in the phone. Relatives and friends had been calling to greet me Merry Christmas.
As I had written in my previous blog, I was busy preparing for the noche buena--by selecting from the menu printed from the computer what to order. Kung pwede nga lang ipadeliver sa computer, gagawin pa niya but then the resto is just a 2 minute drive. May GPS pag nilakad mo.
I chose sweetwater catfish lightly breaded with cornmeal with sweet soul jalapeno and remoulade (whatever) sauces. Translation. HITO. mwahahaha Complete meal ito. May corn, may salad at bread.
Huwag kayong maghanap ng retrato kasi hindi pa lumalalamig, binanatan ko na. Ang hito dito ay hindi kagaya diyan na itim at flat ang nguso. Dito ay silver ang kulay (siyempre Merkano eh), pero meron din siyang whiskers. Siguro kamag-anak ng pusa sa lupa. Meow.
Diyan ang luto sa hito ay ginataan, inihaw o kaya ay pinirito. Dito wala ka nang makikitang ebidensiya na siya ay hito dahil pinaghati-hati na siya, Ang mga Puti ay hindi kumakain ng mga isda na may ulo at may buntot at ang mata ay nakatitig saiyo kaya ginagawa na nilang fillet sa store pa lang.
Sa SF noon,bumibili ako ng buhay na isda(pumapalag pa at nandidilat ang mga na parang pinagiguilty ka). Bibili nga ako ng buhay pero ipapa-"murder" ko naman sa mga taong nakaassign sa fish section na nagbibigay ng serbisyo sa bumimili ng mga isda sa pamamagitan ng pagkaliskis, paghiwa at minsan ay pagprito ng isdang binili, buhay, frozen o naghihingalo. Kaya lang problema, karamihan sa mga taong ito ay hindi sila makaintindi ng English kaya kung minsan ang isda ay kulang na lang malasog sa dami ng hiwa dahil binilang nila kung ilang beses mong pinakita kung paano hatiin. Hindi nila alam, repeat na yong sumunod. Para masolve ang problem, nagprovide ang store management ng mga retrato kung anong gusto mong gawin sa isda. Ituturo mo na lang.
Sa LA, sa isang grocery doon na pag-aari daw ng isang controversial na politician sa Pilipinas Kay Ganda Koh, ang mga nagsisilbi sa fish section ay mga Filipino. Habang kinaliskisan, kumakanta pa sila. Hindi dahil required pero baka nga naman sila madiscover. Pero friendly sila at masayang kausap habang kinakatay ang bangus o kinaliskisan ang tilapia.
Ang luto ko sa catfish ay sinigang sa miso. Kala mo marunong magluto. toinkkkk. palo ng siyanse. Tinuro lang sa akin ng naging tenant ka na matanda. Sarap.
Huminto lang akong magluto noong sinigang na catfish ng isang kaibigang lalaki ng aking kabalay ay may magdadala ng dalang hito at mga ingredients at doon daw siya kakain. Ano siya sinusuwerte. Mukha ba akong Cook?
Yong order ng kapatid ko ay Baby Back Ribs. Ang ganda ng description eh.Hand-rubbed with tongue tingling secret spices. Alang hiya, translation, nilamas ng kamay...yada yada...Sarap nga. Tapos kamot pa yong cook. sa kaniyang... (pero in fwerness naman ang mga nasa kitchen dito nakasuot ng non-latex gloves not unless may binulong ang waiter na hindi ka magaling magTIP. Humanda ka.
Smoke Alarm
Saturday, na-alarm ang kapatid ko, wala palang bukas na store. Normally meron. Pero ngayon wala. Balak pa naman sana naming umorder na naman. So hanap siya nang maluluto. Pinakita sa akin, longanisa. Oke. Hirap lutuin noon. hichichic
Pasok ako sa kuwarto, kasi kausap ko ang aking ex-hubby na tumawag at ginigreet ako ng Merry Christmas. Naguilty naman ako at tumawag siya at ako ay busy nakikipagdaldalan sa kaibigan ko sa Pinas na magbabakasyon sa Bicol kung saan nakatira ang kaniyang fiancee. Tinatanong ako kung anong pagkain ang hahanapin niya at saan sila puwedeng mamasyal. Sabi ko ipaubaya mo saiyong fiancee, alam niya. Sabi ko maghanap siya ng kinunot na pating o page.
So magkausap kami ni ex at sabi maglolongdrive siya papunta sa San Fran para dalawin ang kaniyang step grandma. Kita mo buhay pa ang step grandma niya na mahigit ng 90. Nameet ko na yon noong meet the parents and relatives. Sa bahay nila kumain kami ng cranberry pie na binake niya at uminom ng cranberry juice. Kala ko meryenda, yon pala yon na ang lunch nila. Pagdating ko sa bahay namin lamon ako na parang hindi kumain ng isandaang taon. Hindi naman dahil matipid siya pero ganoon talaga sila eh. Hindi kagaya natin na hindi pagkain yan kung walang kanin at ulam.
So balik tayo sa smoke alarm. Habang nag-uusap kami panay ang ingay ng smoke alarm. Tanong niya kung nagluluto ako. Sabi ko, brother ko. Tanong niya, what is he cooking? Why the alarm does not stop. Sabi ko lechon. hahaha. Kulit niya, what's lechon?
Sagot ko, that's the whole pig barbecued in a big stick. Like lechong mawnok? Tanong niya. Yon naalala niya pinakain ko sa kaniya. Kasi doon siya nagdiarrhea. hohohoho
Yon pala piniprito ng kapatid ko yong garlic bread. Hindi mabuksan ang pinto sa patio para lumabas ang smoke. Nakacentralized heating kami.
Siyangapala, ang regalo niya sa akin ay isang pack ng DVD ni Ellery Queen. Sikat na sleuth yata noon. Kasi halos lahat ng novels at DVD ng mga CSI, Law and Order ay napanood ko na. Pati nga yong Sherlock Holmes na luma, pinagtiyagaan kong panoorin.
Ang regalo ko sa kaniya? Coin counter. O di va, pag hulog mo, magbibilang yong lalagyan kaya alam mo kung magkano na ang coins doon. Hindi ito yong model na maykasamang lapis at papel para isulat mo ang halaga ng inihuhulog mo. Ploinkkk
Wala akong mairegalong high tech dahil three times a week may mga UPS delivery akong natatanggap na order niya. Nang makita ko ang nasa box ng regalo ko, for ages six and above. Above six year old naman siya ha. Ploinkkk. Cheap ko. Pero huwag ninyong isnabin, kung minsan kasi naiipon ang mga coins sa bulsa ng jacket. Walang mapaglagyan. Kagaya nang minsan nagtataka ako bakit tabingi ang lakad ko, hindi naman tabingi ang daan. Yon pala isang kilong coins na ang nasa bulsa ng jacket ko sa kaliwa. Yong kanan ay mga dollar bills.
Pinaysaamerika

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
paborito ko rin ang isda na iyan..ang tawag dito sa amin ay PANTAK........masarap iyan lutuin na may gata ng niyog...............
ay talaga, lahat ng pagkain pag may gata ng niyog masarap.
Tapos yong sapal ng niyog, lagyan mo ng asukal, lutuin, meron ka ng meryenda.
O kaya yong sobrang gatsa, gawin mong pang hot oil.
pag naarawan ka, amoy kang latik.
nwahaha
Post a Comment