Advertisement

Saturday, January 01, 2011

Predictions for 2011

Dear insansapinas,
Ring, ring.


Me: Hilew
Friend: Happy New Year
Me: Happ, sandali bago kita batiin, nakapolka dot ka ba?
Friend: oo
Me: Good. Kumain ka ba ng ubas kagabi?
Friend: oo
Me: Good. Naglagay ka ba ng coins sa bulsa?
Friend: Okay, happy new year. Ngayon sasabihin ko na ang mga predictions ko for 2011.

Malabo ang crystal ball ko kaya itong salamin na lang ang pinagtiyagaan ko.

1. May pagbabago sa Cabinet ng gobyerno
Apat na  Cabinet ang ilalagay sa Malacanan -isa para sa Balay; isa para sa Leyte; isa para lalagyan ng alak ng Isang Cabinet member at isa para taguan ng mga EOs. Minamadali na ng mga karpintero para ihabol sa pagbukas ng opisina sa Monday.


Isa pang closet ang gagawin para naman taguan ng mga Cabinet member na maraming whoops at palpak. Naghahanap sila ng malaking espasyo para hindi magsiksikan sa loob. Isang cabinet member lang kasi, PUNO na. Tapos meron pang isang MAI dalang Pogi. May ilalagay din silang radar sa itaas para hindi na makita ang ginagawa nila. Under the radar kung baga,


2. Bagong Kaso kay Willie Revillame ng ABS CBN
Isang kaso ang isasampa kay Willie pagkatapos ng kasong forgery. Ngayon naman ay aakusahan nila si Willie na impostor ni Willie Revillame ng Wowowee. Naniniwala sila na nawala na si Willie ng mawala ang programa at ang Willie ngayon ay isang IMPOSTOR lamang.


3. Maraming piggery ang itatayo at babaha ng baboy sa Pilipinas, Kay Ganda Koh dahil gagastusin na ng mga congressmen ang malaking pork barrel nila. Ang Coconut Palace ay magkakaroon din ng piggery dahil  pati Bise ay meron na ring pork barrel.


4. Maraming seminars ang magaganap dahil sa laki ng intel funds na ibinigay sa mga government units at para madagdagan ang "intelligence "  ng mga tao na nasa gobyerno na  ang butanding at ang blue-naped- parrot ay hindi endemic sa Pilipinas kay Ganda Koh at ang abstraction at downsizing ay hindi magkapareho lalo na ang cropping for lack of space.


Ang pera ay hindi rin end to the means  kung hindi means to the end kung kaya hindi ito ginagamit na mapa kung hindi ginagamit para bumili ng GPS at mapa. Even a fifth grade pupil knows that.






5.  Magkakaroon ng sequel ang Dalaw. Tatawagin itong Dalaw Daw kung saan ipaliliwanag kung ano talaga ang istorya ng Dalaw 1. Pati si PNoy kasi naguluhan kaya naghain ng rekomendasyon si Honasan para ito imbestigahan at maliwanagan. :)






6. Ang elevator shoes ay magiging popular. 
Eendorse ito ni Ogie Alcasid, Jules Ledesma at i-rerequire ni Major Major Venus Raj sa gustong makipagdate sa kaniya. Tatawagin itong OGEE.


7. Ikakasal sina Hayden Kho at Vicky Belo pagkatapos na magkaroon sila ng prenup ala Victor Consunji at Maggie Wilson. :)
Magiging official na pangalan ni Vicky Belo ay Vicky Belo Kho. kaniyang kaniya na talaga. sweet.

8. Babagsak na ang mga gossip talk show dahil magbabasa na lang ang mga tao sa twitter. Marami tuloy ang magsasabi ng peke ang twitter account pag sila ay nasa hot water na.

9. Mabubunyag na maraming nalugi sa producers ng MMFF dahil hakot lang pala ang mga nanood ng pelikula. Ito ang magiging finding ni Honasan sa fact finding board na pangungunahan niya. 

Pinaysaamerika

No comments: