Advertisement

Sunday, December 12, 2010

Birthday, Buffet and BarbeCue

Dear insansapinas,

I am hungry but I got no appetite. Dahil sa aking diabetes, hindi ako puwedeng magutom. Pero noon pa naman in my fast life, can't afford to miss one meal. Kung kasama mo ako sa island at wala tayong makain, at nakita mong may   hawak akong punji stick at tinutusok kita, magdasal ka na. bwaahahaha.

Pero tinawagan ko ang kaibigan kong may birthday kahit na mahilig yong magkuwento ng mga hinahanda niya sa birthday niya.  Magiging violation ng aming Memorandum of Agreement, section ek ekk verseikulo ek ek na Never forget to greet each other during birthdays, pag kinalimutan ko.


Sa San Francisco noon, pag birthday niya o ako, punta kami sa buffet. Para kaming mga Cirque du Soliel clowns na nagbabalanse ng dalawang malalaking plato puno ng pagkain. Ubos naman namin kasi pababayarin ka pag hindi mo inubos. Burp.



Mahilig lang naman ako noon sa Japanese food at seafood. Hindi ako mahilig sa karne, puti man o red.

Naging vegetarian kasi ako kaya medyo iwas ako sa mga pinatay na mga hayup para kainin. Ang seafood naman, hindi pinapatay. Nakakalimot lang silang huminga pag sila ay inahon na sa tubig. less violent. less murderous.


Naitsismis tuloy ako ng aking mga househelps noon sa Pilipinas kay Gandah koh na masyado raw matipid dahil sa mga recipe na may karne, kailangang halihawin mo pa ang buong kawali para mahanap mo ang kaunting sahog na karne. Minsang nagluto sila ng ginisang monggo. Mas marami ang ampalaya kaysa sa karne kaya noong nakakita sila ng isang pirasong karne, akala nila buto ng ampalaya. mwahahaha.


Balik tayo sa kaibigan ko. Hindi raw sila lalabas ng kaniyang mister. 
Meron daw siyang DALAW. Hindi yong pelikula ni Kris Aquino. Yong dalaw na nagiging baliw ang mga babae. Toinkk. (disclaimer, hindi ako binayaran para ipromote ang pelikula).



Pinagbabarbecue na lang niya ang mister niya. Sabi ko ingat sila kasi baka masunog ang bahay nila, kagaya noong nabasa ko sa isang State. Hindi kasi gawa sa konkreto ang mga bahay dito. 

Isa pa, rason niya, "Ang daming pagkain sa buffet at nakakahiya namang mag-extend ng oras para lahat matikman." In short wala siyang pera. Ganoon lang kasimple yon. Consuelo de bobo ko naman, "Anyway mas masarap kumain sa bahay sa harap ng TV ng nakataas pa ang paa." O di va Friends forever.

Nang napunta ako rito sa East Coast, panay karne ang pagkain namin. Hindi ako nagbibiro na nagdidildil kami ng kapatid ko ng steak. Mura kasi sa commissary. Maagang nagretire sa military ang kapatid ko. Para ako makabili ng gulay, kailangang pang magbiyahe kami ng malayo as in magbabaon ako ng isang dosenang tubig sa SUV. (exag na ito). Acshually nasa ikalawang bundok lang. Ay nakakatuwang tingnan ang mga veggies. Parang gusto kong hakutin lahat yong mga kilala kong mga gulay kagaya ng ampalaya, sitaw, talbos ng kamote etsetera etsetera.


Dito kasi sa grocery sa amin, magkakaroon na ako ng muscle ni Popeye, kakain ng spinach. Tooot tooot.



Pinaysaamerika

No comments: