Advertisement

Wednesday, October 28, 2009

Ticket for not Speaking English

Dear insansapinas,



Iba-ibang states, iba-iba ang batas at ang implementation. Noong nag-apply ako ng driver's license sa California, English ang mga questions. Hindi ko alam kong meron silang Spanish version or Chinese version. Noong practical, English din ang mga instructions so kung hindi ka marunong ng English, di ka papasa. Noong nabangga kami ng van na ang nagdadrive ay Hispanic, na napag-alaman namin later na walang insurance at ang kaniyang driver's license ay peke, maingat kaming tumabi sa sasakyan ng mga drivers na ito na hindi naiintindihan ang mga road signs at instructions.

Noon kasi hindi required ang submission ng anumang papel na nagpapakita ng immigration status.  Saka noon marami na ang nagbebenta ng pekeng green card at driver's license.



Ang babaeng natikitan ay nandito na noong 1980 pa pero hindi pa siya nagsasalita ng English na karamihan ay inoofer sa mga community colleges at ng mga non-profit institutions as second language. Ang iba ayaw lang talagang magsalita.


Kung ayaw naman ng police authorities na maakusahan ng racial discrimination, alisin nila sa kanilang listahan ang violation ng hindi pagsalita ng English. 


Pinaysaamerika

No comments: