Advertisement
Monday, October 05, 2009
David Letterman and sex in the workplace Part 2
Dear insanspinas,
Ito ang pagpapatulot ng aking kuwento kaugnay ng balitang may sexual relations si David Letterman sa kanyang mga staff n hindi ikinataas ng aking kilay na pinagtiyagaan kong ipatatoo. Ching.
Gubat 2A
Nasabi kong Gubat 2a dahil sa kumpanya kung saan buking ang big boss ko (tingnan ang una kong kuwento) ko ng kaniyang palenkera at mahaderang asawa sa kanyang illicit affair sa pinakilala niyang flight stewardees.
Kung napapansin ninyong bakit wala akong kaamor-amor doon sa pinagtaksilan kasi sobra ang sama ng ugali niya mula nang sila ay naging "successful n negosyante mula sa pagtitinda sa palengke. Ang rough edges nila ay mahirap pakinisin kahit na lagyan mo ng make-up, sabuyan ng pabango at damitan ng mga designer na damit. Ugaling baboy pa rin.Kulang na lang ang sabihin sa mga empleyado na, magkano ka ba?
Pero hindi sila ang kuwento ko ngayon. Yon aming secretary-receptionist na labingwalong taong gulang.
Maganda siya. Walang panama si Cristine Reyes kahit hindi siya naghintay sa tuktok ng bahay para hintayin ang kaniyang herong si Richard G. (wala bang camera).
Nag-aaral pa siya at kapos din sa kaniyang tuition fee. Pati mga damit niya ay bili lang sa Divi at Barclay (Baclaran). Pero mabait siya at sweet.
Hindi ako nakatiis sa kumpaniyang iyon at ako ay nagpaalam. Ang aming marketing manager ay inimbita ako sa isang overnight sa isang resort kasama ang aking assistant, yong secretary at isa pang staff. Despedida raw.
Overnight nga kaya sumapit ang gabi. Nawala ang marketing manager at secretary. Dapat kasama ko siya aming cottage ng mga babae.Kinabukasan, maganda ang suot na damit ni Secretary. May bago rin siyang kuwintas.
Bago ako umalis, kinausap ko siya. Hirap nga raw siya sa pag-aaral niya at hindi naman siya kasing talino ng iba na maaring magtapos on scholarship. Kaya naghanap siya ng magpapaaral sa kaniya. Hindi siya Iskolar ng bayan kung hindi Iskolar ni Boss.
Gubat 3
Triny ko ang academe. Ang aking paniniwala ay dahil mas mataas ang pinag-aralan ng mga nasa unibersidad, mas mataas ang morality index nila. I WAS WRONG, Virginia.
Dalawa kaming sabay na natanggap sa dalawang universities. Isa sa araw at isa sa gabi. Muntik-muntikanang hindi ako makuha sa parehong university noong dalawang dean na nag-interview sa akin. Siguro kasi napakasimple ko. Simple raw oh. Walang make-up at mahaba ang damit. May asawa pa. Di ba nga nagpakasal ako nang kapapasok ko lang sa College. Pareho palang mga pabling ang mga dean na iyon. Sumalangit nawa ang kaluluwa. Pagdating naman kasi sa Presidente, pasado naman ako sa interview kaya kahit hindi nila gusto, kuha pa rin ako. In the meantime, naging kaibigan ko ang mga kasabay kong nahire.
Yong isang faculty, ang ganda ng kaniyang schedule. Pagkatapos madalas pa absent. Pero mabait siya sa akin kasi bagito pa ako sa academe at minsan hinihiram niya ang aking libro kapag nagmamadali siyang pumunta sa university para mameet niya ang mga istudyante niya. Hindi ko alam government employee rin pala siya at nagmomoonlighting siya sa oras ng kaniyang opisina.
Masayahin siyang tao at minsan kinuwento niya sa akin ang kaniyang sekreto. Nakikipagdate raw siya sa dean kaya AYOS ang schedule niya. hindi kagaya sa akin na marami ng istudyante, late pa ang oras. SUS.
Doon naman sa kaniyang opisina ay malambing din siya sa boss niya kaya pwede siyang lumabas anytime.
By the way, may asawa rin siya. Pero Day, ang kaniyang damit ay talagang seksi at ang kaniyang sapatos ay yong tipo na pagnagalit ka sa lalaki at ginamit mo yon sa ulo, butas ang bumbunan.
Matindi ba ang kaniyang pangangailangan? hindi naman. may hinuhulugan lang siyang bahay at lupa at ang suweldo ng asawa niya ay hindi sapat.
Hindi ko siya hinusgahan, insan dahil hindi naman ako, huwes. In fact, magkaibigan pa rin kami pero my lips are sealed.
Itutuloy.
Pinaysaamerika

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment