Advertisement
Wednesday, October 21, 2009
How it is to live with ghosts-Halloween Stories
Dear insansapinas,
Noon nagtataka ako kung anong nahihita noong mga ghost hunters kasi hindi naman sila nagchacharge doon sa mga kliyente nilang gustong malaman kung may multo nga sa kanilang bahay.
Yon pala inaalok nila sa mga TV network ang kanilang video.Sa panonood ko naman wala naman akong makita o marinig na nagpapatunay na multo. Sabi nila merong narerecord sa kanilang mga equipment. Wala namang kasama sa kanila na "sensitive" na kahit walang equipment ang lakas magparamdam ng mga nasa ibang dimension.
Sabi ko sainyo "sensitive " ako. hindi yong sensitive na magtatampo o magagalt pag may narining akong di ko gusto at di ko na babatiin yong tao hanggang pumuti an gbuhok niya malagas o pumuti. (ah may mga occasion palana ganoon ako ako. guilty. pag ako nagtampo, manikluhod ka man, di kita papansinin. Toink).
Sensitive ako sa mga ingay,galaw at amoy sa ibang dimension.
Ang macoconclude ko ay di yong bahay ang haunted, ako ang sinusundan. AHHHHHH.
Yong bahay sa SF, wala raw doong multo hanggang dumating ako. Ibig mong sabihin, bitbit ko Dito sa bahay ng kapatid ko, wala naman siyang nararamdaman, pero ako, paboritong ginigising ng mga ingay. Hindi ingay ah na naghihila ng kadena o something, kundi nanggigising. Wall to wall carpeting ang bahay so hindi maririnig.
Noong isang madaling araw, kumatok na naman. Di ko na pinansin. Hindi naman nanggaling sa pinto kung hidi sa wall. Istorbo.
May nahulog sa carpet. Ang lakas naman ng bagsak eh dapat, walang sound yon kasi ang kapal ng carpeting namin. Yong tipong lulubog ang paa mo pag bagong vacuum.
Yong plastic bottle ng gamot ko na nakapatong sa gitna ng maliit na cabinet (wala pang 2 feet ang taas) ay nahulog. Wala namang hangin. Wala namang lindol para yon gumalaw mula sa gitna at kusang mahulog sa carpet. At ang lakas ng ingay. Talang nagpapansin. TSEH.
Nonng isang gabi, nanonood ako ng TV sa living room. Sarado ang ilaw pero yong ilaw sa kitchen ay nakabukas. Madilim kasi sa hallway papunta sa bathroom.
Bukas, sindi ang ilaw. Dalawang fluorescent lights yon. Di ko sinara. Inisip ko na baka mapupundi na ang isang bulb at papapalitan ko bukas.
Kinabukasan, okay naman. Di naman siya bukas, sara. Talagang gusto lang maglaro.
Okay naman sa akin ang mga paramdam niya o nila. Hindi ko alam kung sino siya. Ayaw magpakilala. Ang alam ko kasi marami.
Mabuti na lang di na ako kagaya noon na matatakutin.
Doon sa bahay namain sa Queson City, mayroon doong nagpaparamdam. Minsan tulog na ang mga kapatid ko, nakahiga kami sa bunk bed, kuwarto ng mga girls nang marealize ko na ako na lang pala ang gising.
Ang aming kumot noon ay manipis lang dahil mainit naman, tama lang na huwag matulog nang nakabilad ang katawan.
Naramdaman ko na nagfofloat ang kumot. Nakikita ko na ang paa ko. Ngiiiii. Hinawakan ko ang dulo at nagtalukbong ako. Tseh.
Itutuloy para sa mga multong nakakatakot.
Pinaysaamerika

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
hindi ba mam cathy na poltergeist na ang mga ito? nakakatakot na kaya ang mga ganyan. sabagay kung hindi ka naman sinasakatan ay ok lang. nyay! ayoko, matatakot talaga ako kapag ka ganyan. Lugi ka na kasi sila ang daming kayang gawin paano kung hagisan ako ng kutsilyo sa puso? waaa!
dencio
ang poltergiest yong mga violent spirits. maiingay sila at nananakot.
yon namang sa akin ay siguro playful lang o gusto lang magpapansin.
Post a Comment