Advertisement

Tuesday, October 06, 2009

Life Under the Sin City of Las Vegas and Madventures in the Philippines Part 2

Dear insansapinas,


Para maintndihan ang entry kong ito, kailangan balikan ang part 1 kung saan, inilathala ko ang article tungkol sa
community sa sikat na Las Vegas sa ilalim ng lupa na ginawang flood channel in case magkaroon ng flash flood.
Kaya nga ang sabi ko kahit na gaano ka kagaling ang urban planning ang squatting ay hindi pa rin maiiwasan.


Ang mga nakatira dito ay pamilya, magkasintahan, nag-iisa...nawalan ng bahay, nawalan ng trabaho, nalulong sa droga at sa pagsusugal. Nabubuhay sila sa paghahalukay ng mga basura (OO, Virginia, marami ring scavengers dito sa Tate), pagpapalimos at paghahustle. May mga 700 ang nakatira sa flood channel na ito.


Madventures

Kagabi pagkatapos ng Dancing with the Stars, nanood ako ng Madventures sa Travel Channel. Ano ang Madventures?

Ayon kay wiki, ito siya.
It is an originally Finnish travel documentary television series that features taboo practices found in the most off-the-beaten-path destinations on earth. The cult hit show concentrates on so-called backpacking instead of tourist attractions. It is presented by Riku Rantala (born July 20, 1974, Helsinki, Finland), and Tuomas "Tunna" Milonoff (born February 26, 1974, Helsinki, Finland), the show's director and cameraman, travel around the world exploring different cultures.

Ang feature noong Lunes ay ang Pilipinas. Ipinakita ang mg prisnoerong sumasayaw, ang mga ipinapako sa krus sa Cutud, Pampanga at ang pagkain ng buhay na malaking uod sa Palawan.

Bagama't alam ko nang may nakatira sa mga sementeryo sa Pilipinas, interesado pa rin akong panoorin ang ipinakita ng dalawang backpackers. Natulog sila sa ibabaw ng nitso kasama ang mga taong nakatira doon sa sementeryo. Mga buhay at patay. Nagkulambo sila par di kagatin ng lamok pero pinasok pa rin sila nang mga gumagapang na mga ipis. Ngii.
 Bilib sila sa mga Pilipino na kahit sa kahirapan ay natutuuto pa ring tumawa at humanap ng kaligayahan. 


Ang kanilang nainterview ay ang unang pamilyang tumira sa sementeryo, labinlimang taon na ang nakakaraan. Ngayon ay may tatlong daan na sila kasama na ang mga anak na pinanganak doon.


Ang mga tao na nakatira sa sementeryo ay mahirap dahil sila ay walang pinagkakakitaan o di sapat ang kanilang kinikita. Ang kaibahan nila sa mga nakatira sa flood channels sa Las Vegas ay hindi sila mga durugista o kaya ay mg may kasong criminal kaya hindi sila makatira sa itaas ng Las Vegas.


Napansin din ng mg backpackers na sina Riku at Tunna na mahilig din ang mga Pinoy sa pustahan o sugal.


Kung sa Las Vegas ay casino ang umuubos sa pera ng mga tao, sa Pinas naman ay ang pustahan sa labanan ng mga gagamba o anumang hayup ang kanilang mapaglalaban. 


Si Riku ay nakisali rin sa penitensiya sa Pampanga noong Mahal na Araw ngunit hanggang retrato lang sila sa mga ipinapako sa krus.


Marahil sa dami ng nakikita nilang iba't ibang kultura marami silang maituturo sa mga makitid na utak ng ibang Pinoy na ang akala nila ang paghihirap at pagbabaha ay sa Pilipinas lang nagaganap at ang kanilang mga ideya ang makakasolve ng problema.


Pinaysaamerika

No comments: