Advertisement

Sunday, October 04, 2009

Kanya-kanyang Gimik

Dear insansapinas,
Ewan ko bakit kailangan pang mgpafashion show para sa mga biktima ng ONDOY. Baka pagkatapos i-account ang kinita at ginastos, baka sentimo na lang ang matira.

Hohum




Ibigay na lang na pera.


Kagaya rin ng mga biglang sulputan na mga concert kuno nang nananahimik na mga Banda Rito at Banda Roon. I-dodonate din daw ang proceeds. Siyempre pagkatapos i-deduct ang mga gastos. May matira pa kaya?


Kaya ko ito nasabi dahil taun-taon noon sa pinapasukan kong non-profit corporation, mayroon kaming fund raising. Ang gastos namin sa venue at sa mga promotion ay napakalaki. Kaya lang kumikita yon dahil sa mga auction na ididonate ng mga taong
gustong makatulong o kaya ay gustong magdispatsa ng mga gamit nilang ayaw na nila.


O kaya pati ang lunch o dinner sa isang celebrity ay in-oauction. Minsan may nakita akong resulta ng auction na ang laki ng ibinayad para lang makalunch ang isang sikat na negosyante/financial advisor.


Nang matrace ko ang tseke, sa sarliling kumpanya rin pala niya galing. Ahoy. Subtle promotion.




Tseh.


Pinaysaamerika



No comments: