Advertisement

Thursday, October 22, 2009

Ang Aking Tatay na di ko Tatay-Halloween Stories


Dear insansapinas,
Kung multo at multo lang naman ang pag-uusapan, mas maraming kuwento ang aking mother.
Hindi siya katulad ko na I-talk-to-dead-people. Siya lang ang ay I-can-see-dead people.


Ilang beses niyang nakita ang aking father matapos na siyang mamatay. Pero nang una niyang makita ang aking father ay buhay pa siya. Nope, hindi siya ang doppelganger na sinasabi ng iba.


Baby pa ako noon at nagtatrabaho ang daddy ko ng pm shift kaya lampas alas dose na ng gabi kung siya ay umuwi.


Ang sabi nila (kapitbahay namin), yong bahay daw namin ay daanan ng mga engkanto at iba pa. Huwag ninyo akong tanungin, wala pa akong kamalay-malay noon.


Isang madaling-araw, nagising ang mother ko na may nagbukas ng pinto sa kusina. Doon pumapasok ang aking father instead na sa balkonahe namin.


Ang gamit namin noon ay petromax kasi ang koryente ay hanggang alas dose lang. So ang mga aswang siguro naglalabasan pag wala ng koryente. ngek ngek ngek.


Ang gamit naming moskitero (hindi yong musketeers ni king Arthur) kung hindi yong mosquito net para di kami kagatin ng lamok ay malaking pampamilya.


Eniwey, hinintay ng aking mother ang pagpasok ng aking father mula sa kitchen.


Narinig niya ang yabag pero hindi siya lumabas sa kulambo. Napansin niya na kumulimlim ang petromax. Nakita niya na nakatayo ang aking ama sa paanan ng kulambo. Ang nakikita lang niya ay ang pantalon nito hanggang baywang.


Tumuloy ito sa salas. Kaya inisip niya na baka may gagawin pa o kaya maghuhubad ng sapatos.


Nakatulog siyang kaunti nang marinig niyang bumukas na naman ang pinto sa may kusina. Tapos nakita niya ang father ko na pumasok.


Tinanong niya kung saan siya pumunta. Sagot naman ng aking ama na sa trabaho. Ang bilis mo naman, sabi ng aking mother.


Sinabi niya na nakita na niyang dumating siya at pumunta ng salas. So akala niya lumabas ulit at kababalik lang.


Sabi naman ng aking father, kararating lang niya.


Sabi ng mother ko eh sino yong nakita kong nakatayo sa may kulambo?


Pinaysaamerika

2 comments:

Lee said...

mam eto check mo kung makapasok kana, sorry, naka hide pala yung profile ko kaya dmo mapasok.
eto ang binabasa ko kahapon nung talangkain itong gamit kong proxy.

cathy said...

ayan nakapasok na ako.nalink na kita.