Advertisement

Wednesday, October 21, 2009

Ang Katok sa Pinto sa Baguio Teachers' Camp-Halloween Stories


Dear insansapinas,
Ilang beses ang grupo naming nagpunta sa Baguio Teachers' Camp pag summer. Tuwing pupunta kami doon ay may kuwento ng multo.


Isang summer, pumunta kami ng grupo ko para magkaroon kami ng working seminar paggawa ng sylabus. Actually, gawa na namin yon, discussion na lang ang ginawa namin at sa gabi ay libre ang mga kasamahan kong lumabas habang ang iba ay nagbabaraha o kaya scrabble. Bonding namin yon at paimpress na solid kami sa aming College.


Isang gabi, ang mga grupo ng boys ay lumabas para maggoodtime habang kaming mga babae ay nag-uubusan ng barya paglalaro ng forty-one. Alas dose na wala pa ang mga boys kaya tulog na kami. Total alam naman naming dala nila ang susi sa main door. Sila naman ay magkakasama sa isang kuwarto except yong isa na kasama ang pamilya niya. May sarili silang kuwarto.



That time , solo namin ang building na yon kasi kaaalis lang noong isang grupo. 


Kinabukasan, kuwento sila.

Itong palang mga boys ay naiwan ang kanilang susi sa excitement. Hindi naman sila puwedeng kumatok dahil hindi namin mariring. Isang oras daw silang nambabato ng bintana namin, walang gumigising. Yong isa nga raw ay umakyat pa ng dustpout para gisingin kami, wala rin. Habang abala ang iba sa paghanap kung paano nila kami magigising, yong isang kasamahan namin ay naramdaman na nagclick yong pinto. Binuksan siya noong naiwang kasamahan naming lalaki na kasama ang pamilya.



Tamang-tama dumating yong buong pamilya para sumalo sa breakfast. Sabi namin, buti na lang gising pa sila at binuksan nila ang pinto.


Sabi noong lalaki, tulog na raw sila kaya lang may malakas na kumatok sa pinto nila.Binuksan niya walang tao. Sinara niya ulit at muli na namang kumatok. Lumabas daw siya ng kuwarto para hanapin kung sino ang kumakatok at bakit ito nagtatago. Papunta siya sa hallway ng marinig niya ang mga boys na kumakatok naman doon sa ibaba, kaya bumaba siya at binuksan ang pinto.


Sinabi namin na baka yong katok ng mga boys ang narinig niya. Sabi niya hindi. Malakas ang katok sa pinto nila at ang katok sa ibaba ay hindi maririnig kung hindi lalabas ng hallway.


Noong gabing yon, nag-abang kami ng multo. Ahohoy. Ninuninu


Pinaysaamerika




No comments: