Advertisement

Friday, October 23, 2009

Para mama, Lampas na ako

 Dear insansapinas,
Nang ako ay istudyante pa, inis na inis ako pag lumalampas ang dyip sa bababaan ko. Ang lakas ng sigaw ko noon PARA MAMA, LAMPAS NA AKO...tapos bababa ako na bubulong-bulong.

(photo from wiki)

Itong eruplano hindi puwedeng sabihing lampas na siya sa airport.


MINNEAPOLIS - Two Northwest Airlines pilots failed to make radio contact with ground controllers for more than an hour and overflew their Minneapolis destination by 150 miles before discovering the mistake and turning around.
The plane landed safely Wednesday evening, apparently without passengers realizing that anything had been amiss. No one was hurt.

Sabi nila, baka nakatulog daw yong dalawang piloto. Imagine mo yon, nakasakay ka sa eruplano na tulog ang  mga "drivers".

Noong palitan kami ng aking husband pagtravel (bicoastal) kami...nakatira siya sa East at ako nakatira sa California, nagkaroon din ako ng problema sa airline na ito. Imagine pagtake off namin, balik kaagad kami sa airport. Sabi nila may sunog daw sa buntot. Sus!

Natagalan kami bago nakaalis ulit kaya ang connecting flight ko sa Minnessota ay nakaalis na.Kaya chance passenger kami lahat para sa next flights na ilang lang ang puwedeng i-accommosate.

Dito ko nagamit ang advantage ng may pangalang "Merkano". Ang mga buwakanang ground personnel ng airline ay inuuna ang mga kababayan nila. Kaya kung ang pangalan mo ay Asian, Indian at iba pang lahi, manigas kang maghintay.

Ako tinawag pagkatapos nang dalawang oras akong nakalupasay sa floor ng airport.Nagulat pa yong babae na hindi pala ako Puti kung di pangalan ko lang. Balak pang bawiin pero tumakbo na ako papunta sa pinto.

Tseh nila.

Minsan naman, nanggaling ako sa SF nang stranded kami ng mahigit na sampung oras dahil walang makitang piloto. Sus. Bakit nagschedule pa sila nang flight kung walang magda"drive".


Wala pang matinong makausap sa counter na dinadaan na lang sa pagkasuplada ang pag-iwas sa mga sagot. 


Sabi maghintay sa isang boarding gate. Iyong boarding gate na iyon ay malayo doon sa counter nila kaya pag-magtatanong ka ulit ay lalakad ka nang napakalayo na tatamarin ka na lang lalo, may dala kang mabigat. Ipapanalangin mong madapa sana sila.



Pinaysaamerika

3 comments:

Lee said...

hahahaha ako maiiwan dahil native na native ang pangalan ko, baka nga mapagkamalang di pala tao yun at bagahe lang hahahaha.

naalala ko tuloy yung babaeng nakasakay ko, bagong salta daw sa manila, that was at my teen pa, nung pumara sya lahat ng pasahero pati driver nagulat, lumampas yata at sumigaw ng BREEEEEEEEEEEEEEEEEK!

yun pala break, yun daw ang tawag sa kanila pag pumapara, santisima, mun tik pako tuloy magka nerbyos breeeeeekdawn sa taong yun.

cathy said...

hahaha, iba-iba talaga ang mga lenguahe.

Cio said...

hahaha

natawa ako sa kwento. LOL!

ang malas mo naman sa mga flight na yan mam cathy. buti na lang e sa ilang beses ko na din sumakay sa eroplano ay hindi pa nangyari mga yan. yun nga lang dito kasi sa dubai medyo maleleyt ka talaga pagsakay sa eroplano kasi kamo, pag magtatawag na sila bago sumakay(sa erpleyn) ay sasakay ka pa ulit ng parang mini bus papuntang eroplano mo (ganun ang kasalukuyang sistema dito, malayo ang lobby sa mismong eroplano kaya dapat extra maaga ka kasi maiiwan ng bus), so mangyayari ay naleleyt lagi ng mga 5-15min sa eroplano. pero surprisingly nag-aantay naman ang connecting flight kahit late ang plane maski isa't-kalahati/dalawang oras na.