Advertisement

Sunday, October 29, 2006

Think of all the beauty still left around you and be happy.

Karugtong pa rin ito ng adventure ni Pinaysaamerika sa Virginia, mahilig kasi siyang magsabi ng Yes Virginia.

Pagkatapos naming magdrive ng ilang milya, pahinga naman. Isang pahingahan itong visitor center. Acshually may tindahan dito ng mga souvenirs. Mga libro tungkol sa ibon na makikita sa park. Wala naman akong nakita kung hindi uwak.

Naalala ko tuloy ang aking probins sa Pinas kung saan maraming uwak lalo na sa may beach na maraming patay na isdang inanod ng alon.

May mga t-shirt na kamamahal, para lang malaman na galing ka sa Park. Di na oy. Kaya lang di ako nagreklamo, baka sabihin, o sige ikabit mo ang 20 dollars mo sa iyong t-shirt at lagyan mo ng I've been to Shenandoah Park.

May isang log book doon kung saan puwede mong isulat kung anong hayup na ang iyong nakita sa park. Kaya pala yong isang insik na babae, habol-habol yong isang uod na maitim na nakita niyang gumagapang na mabilis pasilong sa kotse nilang nakaparada. Para ko pang nakita yong uod na sumisigaw ng HELP, HELP.
May nakasulat doon na cuterpilar (sulat bata). Isa naman ay dear (deer) siguro o ang kaniyang mahal. Haaay. malolokah ako. Pag labas ko naghanap ulit ako ng kahit anong insekto para lang naman may maisulat ako.

Tumingin ako kahit sa mga natutuyong kahoy at dahon. May nakita akong kaisa-isang grasshopper. Ano nga ba ang grasshopper sa Tagalog. Hindi yong green ha na malaki. Ah tipaklong. Anak ng tipaklong naman, talagang makakalimutin na nga ako. Ang magsabing ulyanin na ako, pipitserahan ko.

Ang nakita ko ay maliit lang at kakulay ng tuyong dahon at kahoy. Kailangang sipain ko ang mga tuyong dahon para siya gumalaw at tumalon. Para akong sira ulong sigaw ng sigaw ng Talon, habang nakaamba ang aking camera. Mukhang tanga? sinabi mo.

Sa harap pala ng visitor's center ay ang magandang view ng malalim na bangin.



Hindi ako lumapit kaya piniktyuran ko na lang ang mga taong nandoon sa malapit sa bangin. Kumanta pa ako ng THE HILLS ARE ALIVE WITH THE .... Pwede naman akong maupo sa bangko sa ilalim ng puno. Parang the bangko under the mango tree sa aming probins kung saan kukuyakoy kami pag mainit ang panahon pero malakas ang hangin at minsan bigla na lang "blag",may nahulog na palang hilaw na mangga. Haay sarap. Ang puno sa picture ay mukha lang puno ng sampaloc pero hindi. Ewan ko ba kung anong puno yan.

Ito ang poplar trees. Hindi popular. Poplar.



Ang tatayog tapos wala ng dahon sa baba, lahat nasa itaas na. Kapag tumingala ka, makikita mo ay mga nagtataasang mga punong hubad pero may dahon sa tuktok.



Kaya pag naglakad ka sa gitna nila, ang feeling mo ba ay para kang dwende sa taas ng mga punong nakapaligid saiyo.

Pero may mga puno na kahit dilaw na ang lahat ng dahon, puno pa rin dahon ang mga sana.

Ganda pang tingnan. Para bang babaeng yellow ang buhok.

Balak ko sanang pumitas ng kahit dalawa pero bawal pala. Kahit tuyo na. Peksman, hindi ko kayo iniistir. Five hundred dolyares ang fine. Di ba fine yon.

Kaya ito kahit damong natutuyo, pag may buhay pa hindi mo puwedeng pitasin.
Kahit na nga patay na kahoy basta may nakatira pang buhay na tanim, di puwedeng galawin.

Hmphhh makauwi na nga.



pinaysaamerika

,

Saturday, October 28, 2006

Sunrise, Sunset- Adventure ni Pinay sa Park

Dear mouse,

Karugtong ng paglalakbay sa Shenandoah Park kung saan palagi kami nakapark.



Kasi naman kung nakasakay ka lang sa sasakyan, hindi mo makikita ang magandang tanawing kagaya nito.



Na nang makita ko parang gusto kong tulain ang tula ni Walt Whitman na SONG AT SUNSET, kaya lang mahaba. By the time matapos ko siguro ko, lubog na ang araw.
Kaya ito, kapiranggot lang.

Splendor of ended day floating and filling me,
Hour prophetic, hour resuming the past,
Inflating my throat, you divine average,
You earth and life till the last ray gleams I sing.
Open mouth of my soul uttering gladness,
Eyes of my soul seeing perfection,
Natural life of me faithfully praising things,
Corroborating forever the triumph of things.

Illustrious every one!



O di va, feeling intelektwal ako. Poem, poem pa.

Pero bago ako sumakay sa sasakyan, kumanta muna ako ng:

Song: Sunrise, Sunset

Is this the little girl I carried?
Is this the little boy at play?
I don't remember growing older
When did they?
When did she get to be a beauty?
When did he get to be so tall?
Wasn't it yesterday
When they were small?
Sunrise, sunset
Sunrise, sunset
Swiftly flow the days
Seedlings turn overnight to sunflowers
Blossoming even as we gaze....

Sa totoo lang hindi ko ho memorize ito. Panahon pa ni kupong kupong. Kaya Sunrise, sunset, sunrise, sunset...

Itutuloy...

pinaysaamerika

Related articles:

1. The Goal of Life

2. The long and Winding Road
,

Friday, October 27, 2006

The Long and Winding Road

Dear insansapinas,

This is the road going up. Parang Baguio ang dating niya kaya lang walang mga Igorota, Igorote pero iba may bigote. (heh)



Acshually, the attraction of the park is in the changing of colors of the leaves of the trees. Ay Day, kaganda naman talaga. May green, may red, may brown, may yellow.

The long and winding road
That leads to your door
Will never disappear
Ive seen that road before
It always leads me her
Lead me to you door

The wild and windy night
That the rain washed away
Has left a pool of tears
Crying for the day
Why leave me standing here
Let me know the way.

O ayan may kanta pa kayo mula sa Beatles.


Naalala ko tuloy noong ako'y nasa Low school pa lang (Tama ang spelling niyan lokah, ibig sabihin, mababang paaralan. Korniko, thud thud thud. (palo sa ulo yan).
Ang titser ko pinagalitan ako dahil bakit ko kinulayan ang dahon ng pula ay para sa bulaklak lang yon. Gusto ko sanang ipadala sa kanya ito, kaya lang retired na yata.



Mga dahong iba-ibang kulay. Para bagang buhay na Life na sumasapit ang panahon na kailangan siyang maluoy (malanta) at unti-unti siyang nagpapalit ng kulay, mula birde oops berdi oops sige na nga GREEN , nagiging pula, dilaw at brown.



Naalala ko tuloy ang kanta ni sino ba yon buwakanang singer na yon. Ah
Cascades. Kaya ito, pinulot ko ang isang dahon, inilagay ko sa isang puno at ipinaretrato ko sa aking kapatid. At sa saliw ng LAST LEAF, ako ay maiyak-
iyak na tiningnan ko ito sa retrato. Wsssws. Panyo nga.

The last leaf clings to the bough
Just one leaf, that's all there is now
And my last hope live with that lonely leaf, lonely leaf
With the last leaf that clings to the bough

Last summer beneath this tree
Myh love said she'd come to me
Before the leaves of autumn touched the ground, touched the ground
My love promised she's be homeward bound

Then one by one the leaves began to fall
And now that winter's come to call

The last leaf that clings to the bough
Just one leaf, that's all there is now
Will my last hope fall with that lonely leaf, lonely leaf
With the last leaf, the last leaf
With the last leaf that clings to the bough
Bough, bough, bough . . .

bohoohohoooo.



Nakakapagod magdrive. Kahit hindi ako ang nagdadarive. Kasi dati naman akong nagdadrive anoh. Kaya pag kasama ka sa sasakyan, para ka ring nagdadarive, may kasama pang break yon. hehehe. Sa haba ng aming lalakbayin, 100 miles mga ineng at mga totoy, kaya kailangan ang break. Kaya may pahingahan sa mga dinaanan.Ito habang nagpapahinga ang aming sasakyan, takbo ako sa ladies room na hindi naman talaga ladies dahil may mga babies, may mga makukulit na batang sumusilip sa cubicle. Kainis, sarap umbagin. Malaki nga lang ang nanay niyang Puti. Yon naman babaeng itim na nagpalit ng diapers ng kaniyang anak, hindi man lang naghugas. Ewww.

Sus ginoo, maga pa lang nagbabaha na sa loob. Sinong nagsabing pinoy lang ang hindi marunong gumamit ng comfort room. Ha? Gusto ko na ngang mamangka, mababasa ang aking Hush Puppies. Ewww.

Itutuloy.

Related articles:

1. The Goal of Life

,

Thursday, October 26, 2006

The goal of life is living in agreement with nature.-Si Pinay namasyal sa Park

Mac Arthur's Park is melting in the dark
all the sweet green icing flowing down
someone left the cake out in the rain
I don't think that I can take it
'cause it took so long to bake it
and I'll never have that recipe again
Oh, nooo!

Pasakalye lang ho yan.

Bago tayo magkuwentuhan ng mga love stories na iyakan, samahan ninyo muna
ako sa aking pagdalaw sa Shenandoah Park sa Virginia. Oo Virginia, ako ay napunta sa Virginia. Ganito kasi yon. Nandoon ang iba-ibang puno na pag autumn ay nag-iiba-iba ang kulay. Yong byerde, nagiging pula o kaya yeylo o magenta. Hindi si Reyna.

So sakay kami sa Ford Explorer ng aking kapaytid at kami ay naglakbay ng isang oras.
Sa daan ay nakita ang matataas na bakod sa gilid ng freeway. Wow naman may fence ang highway nila. Taas pa.

Muntik na akong sakalin ng aking kapaytid. Hindi fence yan. Noise barrier. O di va, para hindi marinig yong ingay ng mga sasakyan sa mga bahay-bahay sa kabilang ober da bakod. Bigla akong nagshades. Baka kasi may makarinig ng sinabi ko makilala pa na ako yon.

Dumating din kami hay. Mga seventy miles o mahigit isang oras ang takbo ng aming sasakyan. Hindi yan gumapang ha dahil walang trapik.

Ito ang entrance ng park.




Kung hindi ninyo nababasa ang nakasulat, hindi ang mata ninyo ang may diperensiya
kung hindi ang aking kamera. Una nakalimutan kong dalhin ang memory stick. Hina kasi ng memory ko. Hindi nagstick.

Ikalawa, wala ng baterya yong aking camera. Hindi ko nacharge eh.
Ang bayad ay fifteen dollars sa isang sasakyang malaking kagaya ng dala namin.
Para sa pitong araw yon pero walang labasan ha. Kasi marami roong nagcacamping. Gusto bagang makipag-usap sa nature. Ako walang oras makipag-usap kaya isang araw lang kami.

Itutuloy

Pinaysaamerika

,

Wednesday, October 25, 2006

Ito si Pinay pag bagong gising.

Mukhang bruha. Pero nakakapagsuklay ng walang suklay. Isa sa mga natutuhan ko rito sa
Estet and people don't care kung sabukot ka. Bakit ako may salamin. para hindi ako makilala. silly. hekhekhek



,

Friday, September 29, 2006

Pinay Goes to Washington Part 3-Ang Parada, Bow

Ito ang karugtong ng punit-punit na paglalahad ng tungkol sa parada. Ito ang mga banda. Banda rito, banda roon. Kaya lang nakasuot sila ng palda. Mga migrante kasi ang mga ninuno nila, galing sa Europa. Tingnan mo itong mamang ito, kataas-taas nakaharang diyan sa gitna. Teka, hindi ko kamay yong nagreretrato rin. Mahaba ang mga kuko anoh.

Ito naman ang malaking flag, na sa kalakihan, mahigit isang dosena ang may dala.
Itong mamang ito nandiyan pa rin sa harap. Hoy mama, upo.



Ito ang mga nagbibisekleta na nakalimutan ang isang gulong. Tingnan ninyo itong mamang nakablue, nandiyan pa rin. Tusukin ko kaya.



Ito ang mga tatay noong bisikletang nakalimutan ang isang gulong. Nakita ninyo, medyo tumabi yong mama. May nauna yatang tumusok. hehehe



Ito ang mga pulis na nakakabayo. Tatataas ng kabayo. Meron isang babae na pulis.
Astig siya. Kita ninyo nawala na yong mamang nakablue. Napagod na rin yatang katatayo. Tingnan ninyo ang building na nasa piktyur. Parang lumang Congress natin hane.




Makauwi na nga. Wala naman masyadong makita. Gusto ko pa ang Independence Parade sa atin. Daming artista.

Pinaysaamerika

,

Thursday, September 28, 2006

Pinay Goes to Washington Part 2-Ang PARADA, bow

Malapit nang magsimula ang parada. Nakiusyoso ako sa may nakapila. Akala ko pila ng mga libreng pagkain at t-shirt dahil may mga ipinamimigay. Pagdating ko sa dulo, mga volunteers pa lang mga sasali sa parada. Anong gagawin kanyo? Eh di tagabitbit, tagahila at tagadala ng mga dapat dalhin. Kagaya nitong malalaking balloon nina Garfield. Kailangan isang dosenang tao ang hahawak ng mga tali dahil kung hindi marami, baka ilipad.



Eto na. Malapit nang simulan ang pareyd. Hinahawi na ng pulis ang mga taong nakasalampak sa labas ng sidewalk. Habe, kayo diyan. Habi naman ang mga tao pero pagtalikod niya, balik din. Bwahahaha



Ang una ay itong parade of colors.

Tatlong kulay yan, pula, puti at bughaw. Pero ang napiktyuran ko ay ito lang pula. Kasi naman itong mamang ito, ang tangkad, nakahalang sa aking camera. May asawa naman. Oopps. Kaya lang bakit nasa kanan ang kaniyang wedding ring. Dito kasi sa Estet, nasa kaliwa yan. Eh bakit ba yong mamang may wedding ring ang pinakikialaman ko. Oo nga naman bakit nga ba? Pakisampal nga ako.

Ang tagabitbit ng mga colors ay mga volunteer. Buti na lang di ako tumuloy, kung hindi nasa parada nga ako, bigat naman ng dala ko.

Itutuloy.

Pinaysaamerika

,

Wednesday, September 27, 2006

Pinay Goes to Washington Part 1-Ang Parada Bow

Haynaku, talagang di maawat ang beauty ko para makapunta sa Washington DC at makita ang parada para i-celebrate ang July 4th. Independence Day baga ng mga Puti at Friendship Day sa atin sa Pinas.

Maaga pa lang ay lumakad na kami ng kapatid ko para bang kagaya sa probins na gustong manood ng parada sa siyudad. May baon kaming sangwich at iced-cold water. Ang init kasi dito. Nabigla ako dahil sanay ako sa San Francisco na kahit summer ay nakajacket ako pag lumabas. Kaya ang mga tao ay nakat-shirt na walang manggas pa. May dala-dalang pamaypay, hindi naman nakapaypay ng lamig na hangin. Kaya hayan, dinidispley na lang.

Pero kahit mainit sige pa rin ang taong hintay sa parada. May payong, walang payong, may payung-payungan, nakatayo, nakaupo, nakabisaklat sa sidewalk o kaya ay nakatingkayad. Ang iniittttttttttt. Para malaman ninyo kung gaano kainit dito sa Washington Dizzy DC, ay alalahanin ninyo lang ang init pag Kuwaresma sa Pinas. Yong nanonood kayo ng mga nagpepenintensiya. Dito ikaw ang magpepenitensiya sa init.

Kaya habang ang karamihan ay naghihintay, pinasya kong maglakad. Alam naman ninyo ang Pinoy, USI.Ususera, ano fa. Kaya nakita ko itong helicopter ng Navy. Akala ko isasama
sa parada, yon pala displey lang. Mga gustong magparetrato, makita ang mga helicopter na nakikita lang natin sa pelikulang action,giyera at espionage. Parang naririnig ko ang tugtog ng pelikula ni James Bond. Tinginingininging.



May mga karosa ring inaayos pa. Kagaya nitong karosa ng mga maysakit. Eheek. SIKH pala. Alam naman ninyo yong mga Bombay na may kumot sa ulo, di ba? Karamihan kasi ng may-ari ng mga tindahan dito ay mga Bombay. Parang sa atin, mga insik.



Ito naman ang karosa ng mga Asyano. Mga Vietnamese, Insik, Filipinos at iba pa. Inaayos pa lang dito sa retrato.


O eto, tapos na. Kaya piktyuran galore na sila. Gusto ko sanang magpaphotoop din pero hindi ko makita ang aking kapatid.



Ito naman ang karosa ng mga ...mga...Ah ewan ko ba. Basta maganda siya dahil para siyang malaking bulaklak. Takot ko lang, baka may malaking bubuyog na dumapo, lagot sila. Ahahay.


Ito ang karosa ng aking mga kafatid. Rainbow siya o di va. Gay na gay talaga. Pero sa parada, parang di ko siya nakita.



Haynaku, huwag ninyo akong tanungin kung ano ito at di ko rin alam. Ganoon yata kagulo ang namamahala dito ng parada. Kahit saan na lang may nakita kang karosa, wala namang pangalan kung sino sila. Hindi naman siya yong hiniram na ilaw ni Miss Liberty mula sa New York.



Ito karosa ulit ng mga Bombay. Ganda niya di ba.


Itutuloy.

Sa susunod ang Parada, Bow.

Pinaysaamerika

,

Tuesday, September 26, 2006

Para sa mga Ladies lang-How to fix bloody bleeding lipstick

To the gentlemen, don't do this at home.

Ano kaniyo ang bleeding lipstick? Yon ba yong ang lipstick ninyo ay parang pinahid na peanut butter. May makapal sa isang bahagi at may manipis sa isa pang parte ng labi.

Ang ginagawa noon ay pinapadiin ang mga labi sa isang tissue paper para mabawasan ang kapal. Pero may iba pang paraan para maayos ang "dumudugong lipstick".

1. Pahiran ng make-up foundation ang labi. Syempre, kakulay ito ng inyong balat sa pisngi kaya huwag magugulat kung akala mo ay nababad ang labi ninyo sa suka.

2. Pulbusan din ng make up na transluscent para maalis ang kintab.

3. Gumamit ng lip liner at "drawingin" ang labi. Kung makapal ang labi, huwag tatapyasan. I drowing lang sa loob ng linya ng labi para magmukhang manipis.

4. Sa pamamagitan ng lip brush o kaya ng lipstick, punuin ng kulay ang loob ng "drawing".

5. Hayaang matuyo at pulbusan lang ng kaunti ang labi.

Ngumiti. Tingnan kung may lipstick sa ngipin. Burahin eheste pahirin ng tissue.

Monday, September 25, 2006

How to Get Glue off your skin

Naranasan na ba ninyong hindi maalis ang glue sainyong daliri? Hindi mahuhugasan kahit ubusin ninyo ang sangkatutak na tubig at sabon. Ako nakaranas na. Inaayos ko ang nabasag na figurine, pati daliri ko nalagyan, kumabit din ang figurine. Ahhhhhhh.

Ito ang pinakadaling pag-alis.

1. Kumuha ng acetone or nail polish remover. Pahiran ang balat na may glue, hanggang lumambot at maalis.

2. Kapag marami ang glue, kumuha ng maliit na lalagyan ng nail-polish remover na puwedeng ibabad ang daliri o kamay ng matagal-tagal.

Wala kayo kamong acetone o nail polish remover dahil hindi naman kayo nagmamanicure?

Pwede rin ang mainit na tubig. Huwag masyadong mainit na buong balat naman ang inyong matutuklap. Lagyan ng sabon, ibabad ang kamay o daliri at unti-unting tanggalin ang
glue.

Yong sa akin ay medyo matagal bago naalis. Super kasi ang glue. Nakaglue pa rin ako ngayon, pero panonood ng TV.

mwehehe

pinaysaamerika

Sunday, September 24, 2006

How to remove wrinkles from your clothing

Yes, yes Virginia, wrinkles from your clothing and not from your forehead, silly.
Yon bagang parang pag lumabas ka sa bahay ay haharanging ka ng plantsahan at papasadahan ka ng plantsa dahil sa para kang nabugbog ng maton sa kanto at ginusot hindi lang ang iyong mukha kung hindi pati ang iyong damit.

Dito Virginia sa Us of Ey ay madalas pinapatungan lang namin ang damit ng mga sweater or kaya cardigan kaya walang plantsahan. Pero minsan ay di ko akalaing uminit ng husto
at kailangan kong hubarin ang suot kong blazer.Pero Santa Clarang pinong pino, gusot ang aking blouse at hindi ko na rin puwedeng hubarin dahil maghuhubad din ako ng pantalon at medyas nyan para sila ay magkacoordinate ikanga sa kulay.

Ito ang aking natutuhan.

1. Ihanger ang blouse sa loob ng banyo. (syempre hubarin muna ano). tsee.
Buksan ang hotwater at hayaang umagos. Sarhan ang pinto para yong steam ay pumuno sa loob ng bathroom. Presto, para siyang dry clean effect.

ANO KANIYO, wala kayong hotwater at bathtub? Walang problema.

2. Basain ang kamay ng tubig, haplusin ang damit na kusot. Hintaying maturo.

3. O kaya naman, kumuha ng sprayer, lagyan ng tubig, ispray sa kusot na damit habang hinihimas.

4. Itapat sa bentilador. Kung may portable heater, mas mabuti.

Yon nga kababayan ang ginamit ko yong hinimas ko ng basa ang aking damit. Voila. nawala ang wrinkles.

Pagdating ko sa opisina, may wrinkle ang noo ng boss kong babae dahil medyo nalate ako. Parang gusto kong spray din ng tubig at himasin para maalis ang wrinkle.


Ahehehe

Tuesday, September 19, 2006

Ang mga How To ni Pinay (Sweater na Umurong)

Mula po nang mapadpad ako rito sa US of Ey, natuto na akong magkarpintero, tubero, kantero (yong kumakanta, mwehehehe)mananahi, labandero at cook. Oo Birhinya, ganiyan kahirap ang manirahan dito kung saan ang mga mabibili mo ay mga knock-down na iaassemble na lang o kaya mga lulutuing, ilalagay mo na lang sa oven at presto, mayroon ka ng pizza.

Ang mga susunod na kabanata ko ay halos tungkol sa mga HOW TOs...kagaya ng pagpatay ng asawang taksil... ehek. pagpatay ng mga pesteng ipis, paghuli ng mga bubuwit at pagkulong ng pesteng pusang gagala-gala. Ehek ang mga dumadalaw pala kay MLQ3 ang gustong pilipitin ang leeg ni The Ca t.

Syempre sisilipin ko pa rin at uuriratin ang mga buhay-buhay dito ng mga kababayan ano.

1. How to Fix a Sweater na Umurong

Ganito po yon. Noong unang winter ko dito sa US of Ey, bumili ako ng sweater.
Unang suot ko pa lang ay natapunan na ng cranberry joyce eheste juice. Mamah yon ay pula ang kulay kaya kailangang labhan ko kaagad ang aking sweater kasi baka akalain ng makakakita sa akin ay ako'y dracula na sumipsip ng dugo at natapon sa aking dibdib
Siste nito, nang sinuot ko ulit, tipo bang humaba ang aking kamay ay umiksi ang manggas ng sweater. At imbes na siya ay lampas bewang haba, abah, naging para akong ibos sa suman (tama ba yon?). Ganda pa naman ng sweater na yon. Ganda ng presyo. huhuhu.

Ito ang payo sa akin na sinunod ko naman.

1. Sa isang maliit na batyang tubig, (yong kasyang ilubog ang sweater) baka naman kunin ninyong batya, ay Batya ni Neneng na ginagamit sa paglalaba ng buong pamilya,
maglagay ng dalawang kutsara ng baby shampoo. (Paano raw kung wala kayong baby kaya wala kayong baby shampoo. Aba problema ninyo yon. Baka naman gusto ninyong turuan ko pa kayong gumawa ng baby. OOOPS sumusobra na kayo, hoy.


2. Ibabad ang sweater ng labinlimang minuto.

3. Huwag babanlawan at pipilipitin. Ilagay sa isang tuwalya, pagulungin ang tuwalya na nasa loob ang sweater para maalis ang tubig.

4. Padipahin ang sweater sa isang corkboard at lagyan ng mga aspili para hindi magalaw. (kung may kinaiinisan kayong tao, imaginin ninyong siya yon. ehek, kasama ng utak ko. erase,erase).

5. Balik-balikan ninyo hanggang matuyo at ulit-ulitin ang paghila.

Epektibo ba kanyo? Ah oo. Yong sa akin, nainat siya. Ang problema lang, maiksi ang isang manggas kasi di pareho ang batak ko. Kaya noong tinanong ako ng aking kaopisina kung anong nangyari sa aking isang manggas. Ang sagot ko with American eksent.

Oh well, I think my other arm shrunk because of too much exposure in the copier machine.

Ang ekspresyon niya sa mukha ay tila ba shock o iniisip kung ako ay nababaliw. Pero mula noon, hindi na siya naglalapit doon sa malaki naming copier machine, lalo pag busy akong nagrereproduce ng mga financials para sa board meeting. mweheehehe.

Sunday, September 17, 2006

How to mend a Broken Heart -Paano Tagpian ang Punit-punit na Puso (daw) part 2

7. Get yourself a new hairdo.

Kung ang buhok mo ay mahaba, paputulan. Kung ang buhok mo naman ay maiksi, dagdagan. Opps. Pwede naman di ba, wear a hair piece.

Huwag tatawagan ang ex. Hmppp

8. Volunteer in some charitable works

Kagaya ng mga soup kitchen, mga volunteer sa radyong tagasagot ng mga tawag ng mga problemas. Malay ninyo, ex ninyo pala ang tumatawag dahil may matinding problema.


Huwag tatawagan ang EX.

9. Socialize amd go on dates

Malay ninyo may matapilok kayong mas guwapo o maganda, mas mabait at hindi matakaw.
OOps.

HUWAG TATAWAGAN ANG EX. (Galit na ako)

10. Expect that you will experience sadness, anger, guilt.

Natural lang yon. Tao ka lamang. (wala bang background music). Pero Birhinya, ganyan talaga ang buhay. Kahit na ang magagandang katulad ni Jennifer Aniston ay iniiwan para kay Angeline Jolie.

One day, you will just laugh at this experience and you will even become a friend to your ex.

Good luck.

Sandali, pupulutin ko lang ang puso ehek korteng puso kong lalagyan ng mga coins.

AHEM.

pinaysaamerika

Saturday, September 16, 2006

How to mend a Broken Heart -Paano Tagpian ang Punit-punit na Puso (daw)

Ito nabasa ko lang. Hindi punit ang puso ko. Excuse me. Durog pwede pa. hekhekhek

1. Breathe

Meron kasing mga taong sawi na mahihiga at tila ba balak hindi na huminga. Mahihiga, pipikit o kaya tititig sa kisame. (Makikita tuloy na maraming agiw pala). Pero panay naman ang buntong-hininga. Teka, kailan ba ako nagkaganito? Hmmmm. Hika lang pala.

Kahit magcall-in sick kayo at mahihiga, tumayo-tayo rin kayo at pumunta sa refrigerator para kumuha ng ice cream. Kung dati ayaw ninyong kumain dahil tataba kayo, ito ang araw upang kalimutan ang pagdidiyeta. Tsee nila.

Kantahin ang I WILL SURVIVE. Kalimutan ang mga theme song ninyong nakakapagpalala sa kaniya. Huwag itatapon ang Cd. Mahal din yan. * heh *

(Huwag tatawagan ang ex).

2. Call a friend
Tawagan ang kaibigan na makikinig sainyo. Yong hindi ibaba ang phone habang pacry cry ka at nagmumultitasking habang akala mo naman ay matiyagang nakikinig saiyo. Tsee niya.

(Huwag tatawagin ang ex).

3. Go watch a movie. Pero pwede ba, huwag drama o love story. Baka maipag-iyakan ka pa sa bida. At please lang kung talagang manonood ka ng mga sad movies, magdala ka ng kumot. Kung iiyak ka lang naman ay umiyak ka na noh para masabi mo na said na ang iyong luha, wala ka ng iluluha. * heh *

(Huwag tatawagin ang ex)

4. Go out by yourself or go for a long walk

Huwag buruhin ang sarili sa buhay at umiyak. Lokah. Magwindowshopping. Window lang. Baka naman ibuhos ang sama ng loob sa pamimili. Pero huwag gagawi kung saan puwede mong makita ang ex. Baka may makita kang nakabrisyete ay hindi lang punit ang dibdib kung hind windang pa. ahehe.

(Huwag tatawagin ang ex)

5. Express youself or your emotion. Paint, write or play music.

Ipintura mo ang mukha ng kinaiinisan mo. Lagyan mo ng sungay. ahehehe. Magsulat ng blog. o di va. Play music. Kahit ka marunong magpiyano, sige. Kahit paemore-emote lang nakunwari ay bida ka sa pelikula na nagpipiyano. O kaya punta ka sa karaoke.




6. Take a break. Go out of town for a weekend.

Bakasyon muna para malayo sa mga paggunita. Pero naman husme huwag doon sa pinagbabaksyunan ninyo madalas.

(Huwag tatawagan ang ex).

Itutuloy

Pinaysaamerika

Wednesday, January 04, 2006

Si Pinay at ang Traidor (pipilitin kong alamin ang pangalan mo hudas)oops

Ito ang mga nakaraang kabanata.
Part 1,Part 2,Part 3,Part 4Part 5,Part 6,Part 7,Part 8,Part 9,part 10, Part 11,Part 12



May epilepsy pala ang taong nangisay. Wang wang kaagad ang sabi
nilang 911. Inilagay sa stretcher ang tao at dinala sa ospital.

Sa Pilipinas yon sa isip niya, marami mo nang ususero bago
darating ang ambulansiya. At kung teleserye naman yon, may
iyakan muna at patawaran, hangang mapugto ang hininga ng
may-sakit. Tsee.

Natapos silang kumain at tumuloy muna sila sa opisina.
Maraming mga nakaupo sa labas. Salita ay mga Kastila
at mga Pinoy.

May isang mukhang malditang nagpapatahimik sa kanila
Naghahanap ng mga pansamantalang trabaho ang mga ito.
Bawa't tawag sa telepono ay may kinakausap ang maldita
at pinapupunta kaagad sa lugar kung saan sila kailangan.

Nandoon si Mrs. B. Kuntodo nakamasikip na damit ito na
parang gustong ipitin ang taba niya sa katawan. Pero
kahit anong ipit niya, lumalabas naman sa ibang bahagi ng
katawan niya.

Maskulado pa rin siya. Ahaahay. Pero pula ang kaniyang labi,
malantik ang kaniyang pilikmata. Kitang kita mong parang
mapa ang kaniyang make-up sa maitim niyang balat.
Dapt maturuan nang tamang pagpili ng kulay ng make-up.

Beso, beso, beso. Di naman nagtatamaan ang pisngi. Mainit.
Akala pa naman niya malamig sa Estet. Hinubad niya ang
kaniyang makapal na jacket.

Naku hija, may heater ang building kaya mainit. Paglabas
natin, malamig ulit yan.

Pinaysaamerika

Hindi raw siya doon magtatrabaho. Hahanapan niya ng petitioner
para magkaroon siya ng papel. In the meantime, tulong-tulong
muna siya para matuto siyang gumamit ng fax machines, copier
at ng computer.

Bandang alas seis ng gabi, umalis sila at pumunta sa isang
apartment. Doon nakatira si Nelia. Dinatnan nila si Teddy,
boypren yata ni Nelia dahil nagkiss sila at napakatamis ng
kanilang ngitian na sobrang tamis magbibigay ng cavity sa
ngipin.

Nalaman niyang may-asawa si Teddy sa Pinas. Ugh...

Abangan ang susunod na kabanata. hekhekhek

Tuesday, January 03, 2006

Si Pinay at ang Traidor (Malapit na kayang malaman ang pangalan niya?)

Ito ang mga nakaraang kabanata.
Part 1,Part 2,Part 3,Part 4Part 5,Part 6,Part 7,Part 8,Part 9,part 10, Part 11



Lumanding na sila sa LAX (Los Angeles Airport). Nagsimula nang
magtayuan ang mga pasahero upang kunin ang gamit sa overhead
compartment. Kesehodang laktawan ka nila. Nagmamadali. Para bang
takot sila na umandar ang eruplano at madala sila sa sunod
nitong stop, ang San Francisco.

Nang wala na halos tao sa aisle, saka siya tumayo at inabot
ang kaniyang maliit na bag. Tuloy-tuloy din siyang lumabas
sa eruplano at sinundan ang daloy ng tao. Hindi niya
alam ang pupuntahan niya kaya sama na lang siya.

Dadaan sila sa imigrasyon. Isang pila ng mga turista at ibang
pila ng mga verde at mga US Cit.

Tiningnan siya ng immigration officer. Tinanong siya kung gaano
siya katagal. Tiningnan ang bitbit niyang maliit na bag.
Sabi niya baka tatlong buwan lang.(Patawarin po NINYO)siya
sa pagsisinungaling. Tinatakan ang passport niya.
Anim na buwan. Hehehe. Sa isip niya tamang tamang maghanap ng trabaho.

Sunod ulit siya sa mga tao. Dinala siya sa kung saan puwedeng
i-claim ang checked-in luggage.

May nakita siyang dalawang babae na may hawak ng papel kung
saan nakasulat ang pangalan niya. Haay salamat, hindi siya
maghihintay.

Si Nelia ang isa. Taga Mindanao at si Sonia ang ikalawa,
taga Maynila. Inutusan sila ng boss nilang sunduin siya.

Idinaan muna siya sa Mc DOnald para kumain. Kaliit na Mc Donald
yon. Hindi kagaya sa Pinas na magagara ang building at talagang
astig ang dating.

Nagtatrabaho si Nelia sa opisina ng babaeng tumulong
sa kaniyang makakuha ng tourist visa. Tawagin natin siyang
Mrs. B. Ang opisina nito ay isang temp agency at nag-aayos
din ng papel ng mga taong nakakuha nang magpepetition
sa mga tourist visa ang papeles.

Habang sila ay nag-intro-introduce ay may taong biglang
nangisay sa malapit sa kanila.

Abangan ang karugtong.

Pinaysaamerika

Monday, January 02, 2006

Si Pinay at ang Traidor na Kailangang Binyagan ng Pangalan

Ito ang mga nakaraang kabanata.
Part 1,Part 2,Part 3,Part 4Part 5,Part 6,Part 7,Part 8,Part 9,part 10

Dear insansapinas,

Nagising siya nang may nag-iingay sa bandang middle aisle.
Hay naku away ng babae at lalaki. Ito raw si lalaki
ay nanghihipo. Kunwari raw ay natutulog pero huwag
ka, pag nakitang tulog na ang katabing babae, ay kunwari
babagsak ang kaniyang palad sa dibdib ng natutulog na
dilag. Sistema niya bulok.

Heniweys, sinampal yata siya ng mataray na babae.(Bote nga sa
kaniya).

Nagpalitan ng upuan at takip mukha ang lalaki. May hiya
rin pala siya.

Tiningnan niya ang kaniyang relos, hmmm tatlong oras na
lang nasa Los Angeles na sila.

Ano kaya ang mukha ng Amerika. Malamig siyempre.
Ipapasundo daw siya ng babaeng nag-ayos ng papeles
niya.

Naalala niya ang kaniyang boypren sa Saudi.Naalala niya
ang kaniyang nanay na hindi alam na umalis na siya.
Naluha siya.

Nasa tabi na naman niya ang batang makulit. Inabutan
siya ng tissue paper.

Awwww.

Pinaysaamerika

Sunday, January 01, 2006

Si Pinay at ang Traidor na Walang Pangalan Pa rin

Dear insansapinas,

Ahahay, bagong taon na mga dahleengs at dapat bagong buhay
na rin pero ito tsismosa pa rin si Pinaysaamerika kagaya nang
pinsan niyang si Kiwipinay.
Pansamantala nating iwanan ang kuwento kong hindi naman
pelikula (peks man)tubuan man kayo ng kulugo. Masaya ang
mader dear ng aking kaibigan dahil madalas ang dalaw ng
kaniyang Hani sa kaniya kahit na binobola pa rin siya.
Hige, hayaan ninyo siya sa kaniyang kaligayahan. Pag
may breaking news lang, saka natin sila babalika.

Itutuloy ko ngayon ang nauntol kong kuwentong si Pinay
at ang Traidor (na ayaw pa rin sabihin ang pangalan niya).
Iniwanan natin siya sa kabanatang siya ay nasa eruplano
at kasalukuyang binubuwisit ng isang bubuwit.

Ito nga pala ang mga una at mga sumunod na kabanata.

Part 1,Part 2,Part 3,Part 4Part 5,Part 6,Part 7,Part 8,Part 9

Lumapit sa kaniya ang flight stewardess. Tinanong siya kung ano ang gusto
niya, chicken o beef?

Wala bang iba? Wala raw. Dalawang choices lang daw. Parang may
nakita siyang baloon sa itaas ng ulo ng flight stewardess na
may nakasulat, "Anong akala mo dito turo-turo?".

Angengee. Tsuplada. O sige na nga. Chicken na lang.
Pagkalampas ng stewardess, sumilip ang bata sa kaniya.
Inuugoy-ugoy ang upuan sa harapan. Umuugoy-ugoy tuloy ang
pinanonood niya. Bakit ba may mga batang nilikha para
mang-inis sa mga nakakatanda.

Pinandilatan niya ang bata. Biglang tingin naman sa kaniya nang
kamag-anak nito sa kabilang upuan. Pinikit-pikit niya
ang kaniyang mata na tila ba pinag-eexercise niya ang kaniyang
mga eyelids. One, two, one, two.

Buti na lang dumating na ang pagkain. Nawala ang ulo ng bata
sa upuan sa harapan niya.

Uhmm kaliit na plastic na ang laman ay kanin at dalawang
hiwa ng chicken. Hindi nga niya nakilala kung chicken
nga ito o balat lang na naligaw sa plastic na iyon.

May karampot na salad, may maliit na cookie at hiwa ng
cake. May butter at may kape sachet.

Humingi siya ng orange joyce. Saka na ang kape.

Itinago niya ang natira niyang cookie at palaman. Sayang.
Kasama sa binayaran niya sa ticket yon.

Ipinikit niya ang kaniyang mata pagkatapos kunin ng
flight steward (lalaki siya beybi) ang tray.

Ano kayang kapalaran ang naghihintay sa kaniya.

Bago siya pumikit, nakita niya ang batang nakatayo
sa may tabi niya.

Itutuloy.

Wednesday, December 28, 2005

Ang Kuwentong Hindi Pelikula (Kulit ninyo eh)

Ito ang Part 1, Part 2, Part 3,
Part 4
, Part 5, Part 6, Part 7

Hey pick up the phone. Haynaku ang aking kaibigan na naman yan.
May breaking news na naman siguro sa kaniyang mader at ang hani
nito.

Sandali, tapusin ko muna ang pagguhit ng kilay ko. Medro tabingi eh.

Ring, ring ring ring. Merry Christmas!! Merry Christmas !! Just
leave a message. If you have a gift, leave your number. This
message is good only up to Dec. 31, 2005.

Answering machine ko po iyon. Customized. Di ba di nakantahan
ko pa sila.

Ring.. Hilew.

Kaibigan: Buti naman pinick up mo na ang phone. Ano ba
ang ginagawa mo?

Ako: Eh di nagdodrowing.

Kaibigan: May balita ako saiyo tungkol kay mader.

Ako: O sandali ha at uupo ako at kukunin yong aking pop corn.
Parang pelikula eh.

Kaibigan: bumalik ang boy pren ng mader ko.

Ako: Bakit daw? (Ngata pop corn).

Kaibigan: Kasi nalaman yatang irereport yong pagdala niya
ng sasakyan.

Ako: Huwag mo nang sabihin sa akin. Sasabihin ko na. Tinanggap
ulit ng mader mo anoh?(Ngata popcorn)

Kaibigan: Oo, kasi magbababayad naman daw.

Ako: Na naman. At saan namang kamay ni Hudas kukunin
ang ibabayad niya sa dami niyang hiniram eheste kinupit
sa bangko ng mader mo? (Inom soda)

Kaibigan: Kasi raw ay makukuha raw pera sa dati niyang
pinagtrabahuhan. Naempleyo raw kasi sa isang kumpanya.
Floor Manager ( tagalinis ng floor). May nadulas daw.
Sinuspendi raw siya. PAgkatapos na malaman na hindi
niya kasalanan, pinababalik raw siya. Ayaw na niya.
Dinemanda raw ang kumapanya ng wrongful termination.
Makakuha raw siya ng 40,000 dolareses.

Ako. Gandang gumawa ng istori talaga ang hani ng iyong mader.
Una: may tatanggapin daw siyang 401K kaya hindi umaalis sa
bahay noon at baka mawala ang tseke.Ngata popcorn tapos inom soda
glug glug glug)

May tinaggap ba? Wala.

Ikalawa: May refund daw sa tax.
Paano kaya magkakarefund yon ay siya ay hindi nagfile
ng income tax return dahil ginawa siyang dependent
ng nanay mo.

Ikatlo: May tatangapin daw pera galing sa Pinas.

Ngayon ito na naman.

Hee.

Isa: Hindi wrong ful termination. Dahil suspension lang
yon. Tapos pinababalik naman siya.

Ikalawa: Employer at will dito. Anytime puedeng tanggalin
ang empleyado.

Ikatlo: Kung probationary, lalo na siyang pwedeng tanggalin.

Hohum.

Kaibigan: Ano ang maipapayo mo.

Ako: Huwag na siyang maghintay ng Pasko. Tapos na eh.

Kaibigan: Bagong taon kaya?

Ako: Huwag mong guluhin ang kilay ko. Kadodrowing ko lang
nyan.

Monday, December 26, 2005

Ang Kuwentong Hindi naman Pelikula Part 7

Ito ang Part 1, Part 2, Part 3,
Part 4
, Part 5, Part 6

Dear insansapinas,

Ringggggg

Siyempre telepono yon anoh. Pero hindi ko muna pinick-up. Alam ko ang tumatawag
kahit wala akong caller's id. Ang kaibigan ko yon. Hohumm palagay ko tungkol
na naman sa kaniyang mader dear.

O sige na nga. Masagot na nga. Hilew.

Kaibigan: Katagal mo namang pumik-ap ng phone.

Ako: Ay mamah, sinusuheto ko pa ang sutil kong buhok at ninamnam ko pa
ang aking kape nang tumawag ka. O hala kanta na.

Kaibigan: Naku masasakal ko talaga ang mader ko.

Ako: Salbaheng anak, hindi ka pupunta niyan sa langit. Aber at ano naman
ang kamartiran ang ginawa. Baka irekomenda ko na siyang maging santa.

Kaibigan: Nakakuha na raw ng trabaho yong asawa ng kabit niya. Live-in daw kaya
umalis na doon.

Ako: Di magandang balita.

Kaibigan: Umalis na rin daw ang kanyang kabit.

Ako: Di lalong magandang balita.

Kaibigan: Kaso tangay yong SUV at hindi naman binabayaran ang amortisasyon
noon buwan-buwan.

Ako: Ah masamang balita.

Kaibigan: Isa pa ninakawan na naman siya sa ATM.

Ako: Talagang masamang balita.

Kaibigan: Nagtatanong kung ano raw ang gagawin niya.

Ako: Eh idemanda niya.

Kaibigan: Eh di nga siya marunong eh.

Ako: Eh ikaw marunong?

Kaibigan: Hindi rin.

Ako: At palagay mo ako marunong?

Kaibigan: OO naman.

Ako: At palagay mo tutulungan ko siya.

Kaibigan: Kung gusto mo.

Ako: Haynaku, ayaw ko na. Nadala na ako sa pagtulong. Ako pa ang masama.
At saka baka pag sinimulan mo yang idemanda, lambutsingin lang ang
nanay mo, lumambot na naman yan.

Kaibigan: Oo nga eh.

Ako: Ang maipapayo ko lang ireport niya sa DMV ang pagtangay ng kotse
at sa pulis.

Kaibigan: Saan siya tatawag?

Ako: Susmaryones naman, hindi naman ako phone book para malaman ang mga telepono nila
anoh?
O hige na at kailangan ko nang maligo sa gatas. Tawagan na lang ulit tayo.

Tumingin ako sa salamin. May maliit na taghiyawat na lumabas sa pisngi ko.
Tingnan mo yan, may tumubo tuloy sa aking taghiyawat dahil sa mga taong ito.

Matiris nga. Araaay.

Pinaysaamerika

Sunday, December 25, 2005

Ang Kuwentong Hindi Naman Pelikula Part 6

Ito ang Part 1
Ito ang Part 2
Ito ang Part 3

Ito
ang Part 4

Ito ang Part 5

Dear insansapinas,

Dapat siguro palitan ko na ang titulo sa Ang Martir na Dapat Barilin sa Buwan.

Tulad nang naikuwento ko, dinala na ng Hani ng mader ng aking kaibigan
ang kaniyang tunay na asawa sa tinitirhan nilang kuwarto.

OO Birhinya. Kuwarto lang yon kaya isang kama at isang upuan marahil.
Upa diyan ay mga Limandaang dolyares. Eh part time lang naman ang
tarbaho ni Hani (Bakit ba ako naikihani. TOINKTOINKTOINK).

Ang kita niya marahil ay wala pang walong daan dolyareses isang
buwan. Hati raw sila sa bayad da kuwarto.(Hindi naman nagbibigay).
Hati raw sila sa pagbabayad sa Van (take note SUV)na umaabot din
ng anim na raan dolyareses isang buwan. (Hindi rin naman nagbibigay
ng kanyang share).O di va martir yang nanay ng kaibigan ko. May
pakain na siyang Hani , papakainin pa rin niya ang asawa nito.

At itong SUV ay regalo raw sa kaniya pero gamit naman ang
kaniyang credit card, pati down payment ay kaniya rin.
Kaya next time na may magsabi sainyo na reregaluhan kayo ng kotse
pero credit card ang gagamitin, pakitawag lang ninyo ako at sasamahan
ko kayong ihulog yan sa bangin. Tsee.

Ang siste nito, ikinukuwento niya sa kaniyang mga kasamahan.
Kaya tuksuhan tuloy kung sino ang nasa kaliwa at sino ang nasa kanan.
Nakakarating tuloy sa aking kaibigan at ang tanong ay bakit niya
pinababayaan.

Sagot naman niya...Mahirap magpalaki ng magulang.

Pinaysaamerika

Wednesday, December 21, 2005

Ang Kuwentong Pelikula Part 5

Ito ang Part 1
Ito ang Part 2
Ito ang Part 3

Ito
ang Part 4


Dear insansapinas,


Christmas Song

Haynaku, nagkape na ba kayo. O sige, upo na at basahin na ang kuwento.

Nang magising ang aking kaibigan at ang kaniyang asawa ay wala na
ang magsing-irog. Sila ay nag-alsa kahon. (maliit ang balutan).

Ang siste nito, tinawagan ng kaniyang mader ang lahat ng kamag-anakan
nila at sinabing pinalayas siya.

Eto ngayon ay masaya. Tadaaaan. Dumating ang legal na asawa mula sa Pilipinas.
Syempre, di muna itinira ni lalaki yong asawa niya sa nakuha nilang kuwarto.

Pero Daaay, yong binili ng mader ni Kaibigan na kotse, ang gamit niya sa pagdalaw
at pag-alalay sa kaniyang asawa.

Mamatay-matay sa sama ng loob ang ikalawa. Eheek di pala ikalawa dahil hindi
naman siya pinakasalan kahit na pangako sa kaniya ay ididiborsiyo niya
ang asawa pagdating dito.

Syempre, ilang araw lang ang nakaraan. Tawag sa bangko ng mader ni Kaibigan.
Huhuhu, peneke ng lalaki ang pirma ng mader niya para makapag-opn ng credit card.

NO BA YAN.

Tawag ang kaibigan ko sa mader niya. ABah pinagtanggol ang kaniyang Hani.
Bakit ba naimbento ang bulag na pag-ibig anoh. Bigyan nga ng salamin.

Ilang linggo lang, nakita ang mader niya na umiiyak sa may ladies
room sa pinapasukan nito.

Inilipat na raw sa kuwarto nila ang tunay na asawa.
Kuuu kahit naman may Santo Kristo ka sa dibidib, ay makakapagsabi
ka ng Pu------------------------------------------
tulin.

Kala ninyo ano na ha.

ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZzzz

Pinaysaamerika

Tuesday, December 20, 2005

Ang Kuwentong Parang Pelikula Part 4




Bago ang lahat kumanta muna tayo ng Tagalog Christmas song.

Ito ang Part 1
Ito ang Part 2
Ito ang Part 3

Dear insansapinas,

Naku mga Day, sinugod ng aking kaibigan ang maglover.
Tahimik ang matandang lalaki pero bubulong-bulong nang
pakialamera. 'Tural lang no. Mader niya yon na niloloko.

Iniwanan niyang nag-aaway ang dalawa. Inasahan niyang palalayasin
ng kaniyang mader ang lalaki. NAKU HA. Paglabas ay parang
pusang nakakain ng daga ang lalaki. Ayos na naman. Nabola
na naman niya ang mader ni Kaibigan ko.

Ekspalansyon. Kasi raw noong hindi pa sila magkakilala ay
umuwi si lalaki sa Pinas at muling nakita ang dati niyang
gerl pren bago siya pumunta sa Estet. NAPILIT da siyang
pakasal dahil may nangyari sa kanila.

PAKISAMPAL NINYO NGA AKO. At BAHKEEET mabubuntis pa ang
mahigit na sisenta ? Aber, aber, aber.

Yon daw petisyon niya ay noong hindi pa sila magkakilala.

PAKISABUNUTAN NGA AKO. Eh tatlong taon na silang magkakulakadidang
eh ang petisyon naman sa asawa pag citizen ay wala pang dalawang
taon anoh.

ATTTTTTTT kung wala talaga siyang malasakit at pag-ibig
sa babae, bakit pinadalhan niya ng pera. Ninakaw pa sa ATM
ng mader ng KAIBIGAN ko. O di ba. O di ba.

KAGIGIL talaga.

Ang asawa ng kaibigan ko at nagpalayas sa kanila. Ayaw niyang
makita ang biyenan na niloloko mismo sa bubong ng kanilang
tahanan.

AYAW ng dalawang magsing-irog. Magunaw na raw ang mundo.

Abangan.

Pinaysaamerika

,,

Monday, December 19, 2005

Ang kuwentong Hindi Pelikula Part 3

Dear insansapinas,

Ito ang part 1.
Ito ang part 2.

Kahihiga ko lang ulit ng madaling-araw na iyon nang tumunog ang telepono.
Ang aking kaibigan. Nakatanggap daw siya ng overseas call mula sa Pinas.
Isang babae. Hinahanap daw ang Hani ng kaniyang mader. Ang mader niya
at ang hani nito ay nakatira sa ibaba ng kanilang bahay.

Eh bakit tumawag sa kaniya? Malay ko, malay mo. Malay niya.

Kasi raw nakasara raw yata ang cell phone ng kaniyang asawa.
ASAWA? Sinong asawa? SINOBASIYA ?

Kita ninyo nakacellphone pa ang kaniyang Hani kahit na walang trabaho kung
hindi ang magparttime. Bayad lahat yon ng mader ng aking kaibigan.

Paki bigay daw ang message kung hindi puwedeng makausap. KULANG DAW ang pinadalang pera para sa pag-ayos ng papeles niya papunta sa Estet.

Kung siya ang asawa, ano ang mader ng aking kaibigan.

BAM bam bam (tunog po yan ng aking ulo na inihahampas ko sa dingding).

O masamahan nga ang aking sistah na si Kiwi para magkape.

Sa muling pagbabalik ni Pinay..nay nay nay (kita ninyo may etso pa (ehek echo pala).

Pinaysaamerika

Sunday, December 18, 2005

Kuwentong hindi pelikula Part 2

Dear insansapinas

Ang salaysay na ito ay para humusga kung hindi para magbigay
ng leksiyon.

Ito ang part 1.

Kinausap ng aking kaibigan ang kaniyang mader dear. Kinausap naman
ng mader dear niya ang kaniyang Hani.

Medyo may tumulo pa raw luha. Kasi raw meron siyang ampon sa Pinas
at nangailangan ng pera dahil penipetition niya.

Naawa naman ang babae at sinabi niyang Ah ganoon pala.

O di ba, o di ba. Bilis niyang naniwala. Pitikin ko kaya?

Ampon daw ha. Tawag naman sa akin ang aking kaibigan. Tanong ko naman.
At sino naman yang inadopt na yan ? Ilang taon na? Anong relasyon nila.

O di ba. Para akong ahente ng INS ano.

Pero talaga yatang totoo ang kasabihan. Bulag ang pag-ibig. Lagyan mo man ng makapal na salamin ay kakapa-kapa pa ring panininiwalaan ang minamahal. Pwee.

Nangakong magbabayad. Meron daw siyang darating na pera sa Pinas.

Aba; sarap talagang ingudngud. Meron pala siyang perang manggagaling
sa Pilipinas eh bakit kailangang magpadala pa. Babaw ne po.

Gusto kong sugurin at sabihing, NAKAKAUTAK ka ba? Parang tanga
ang mapapaniwala mo niyan Eh meron ngang tangang naniwala.

Isama ko kaya sa ngudngod.

Hee. pinatataas ninyo ang aking blood pressure.






Itutuloy.

Friday, December 09, 2005

Si Pinay at ang Ginawa siyang tanga pero, subali't hindi naman siya tanga


Haba ba ng titulo?

Wala ang aming lecturer pero may substitute siyang pinadala.
Hmmmm, umiral na naman sa akin ang pagkamaobserba. Ang
aming regular lecturer ay itim pero malinis siyang manamit.
Plantsado ang kaniyang isinusuot at magkakapares ang kaniyang alahas.
Ginto mga dahleengs. Hindi tubog.

Itong substitute ay medyo parang bagong gising na humablot ng
masusuot sa cabinet at bigla na lang nagdrive papunta sa
iswul. Latina yata siya. Pero accent, Merkano na.

O di ba PINTASERA Ako. Ganyan daw talaga para hindi maging losyang ay
maging pintasera ka. Saan ko ba narinig yon.

Kaya lang bakit ko ba siya ikinikuwento? Kasi pinahanginan niya ako na para bang
TANGA ba ako? Kinuha ko nga yong salamin sa aking bulsa, sinilip ko ang aking
mukha at tinanong ang aking sarili. Mukha ka bang tanga?

Kasi ito yon. Nagkukuwento siya sa kasama ko na CFO raw siya at galing daw siya
sa biotech firm.

Sabi naman ng aking kaibigan. WOW, di accountant ka pala o CPA. Biglang
gumalaw ang aking kaliwang tanga. UHmmmm kababaryo ko sa profession.
Medyo nilakasan ko ang frequency ng aking antenna habang ako ay nasa
computer at tinatapos ko ang isa mga pinagagawa sa amin.

So para bang nirecite niya ang kaniyang resume sa podcast. Ako naman pakinig kete,
pakinig kete. SANDALI, break, break. Bakit yata ang mga sinasabi niya
ay hindi job descriptions ng CFO o kaya ng Accountant?

Makasali nga sa usapan. Alam mo naman ako, lumalaki ang aking ulo pag may
naririnig akong mayabang. NASASAPAWAN ako beybi. hehehe DI ba Ate KIWI. Bila siyang naging Ate. hakhakhak

Tinanong ko siya kung ano ang hinahawakan niya. Pero daw. O hokey. Finance nga.
Sabi naman ng aking kaibigan, (Syempre disipulo ko siya noh, kung hindi, hindi ko
siya tuturuan na pinalamadaling mag-edit ang magright click sa mouse), hey you speak the same langugage with my friend here. She's an accountant and a tax professional too.

Kambiyo siya. Binigyan kami ng calling card. Hindi naman niya card yon eh.
Sa mga temp agencies na naghahanap ng mga temp employees. hehehe

Sabi ng kaibigan ko, what about your calling card? Hanep, instructor lang pala siya sa Computerized Accounting. At hindi siya Accountant. Nagtuturo lang siya ng
Computerized Accounting na mayroon ng librong ginawa at inuulit lang nila
ang nasa libro.

Parang gusto kong ibato yong computer. Kaya lang sandali, binuksan ko muna
yong aking website.

Marami niyan dito. Yong mga mahilig magkunwari na hindi naman talaga nila expertise.
Kung makakalusot lang lalo na sa mga mukhang Tanga. Mukha ba talaga akong Tanga?
Toink toink.

Pinayssamerika

Thursday, December 08, 2005

Lamig...

Dear mouse,

Biglang lamig dito sa lugar ko. Yon tipo bang pag umupo ka
sa inodoro, mapapasigaw ka ng GINAW.

Nanonood ako ng The Buzz noong Linggo nang dumating
ang aking kaibigang lalaki. Nagpapatulong basahin yong
application para siya maging PUTI kahit hindi siya magbleach.
yuk yuk yuk.

Kulang ang pinadala sa kaniya. OO BIRHINYA, maraming tanga
at tamad sa gobyerno kaya nakakalimutan nila minsang kumpletuhin
ang dapat kumpletohin. Kaya huwag ninyong isiping dahil
Puti ay superior na. HINDI AH.

Tuloy pa rin sila ng kanyang girl friend sa internet.
Whoaaa. In love ang loko. Di naman inaamin. Gusto ko tuloy batukan.

Naghahanap yata nang mapagkukuwentuhan kaya gabi na ay ayaw pang
umalis. hehehe. Hige kuwento. Ano kanyo, ikuwento ko sainyo.
Ano ko tsismosa. heee.

Nasira pa ang aming water heater. Takna. Parang yelo ang tubig
sa lamig. Alam naman ninyo ang Pinay. Tabo ang ginagamit.
LAMIG.

Pinaysaamerika

Wednesday, November 30, 2005

Ito na ang kwento na hindi pelikula

Naku Day ang bidang ang lalaki ay sa hindi naman ako namimintas pero mukhang tisiko.
Ang kapal. Kung sana ay guwapo pero sabi nga ng anak ng kaniyang niloko, mukha yata siya yong hahabulin ng sabon at tubig para lang maligo. Tsee.

Noong nagsasama pa sila, ay kinikilabutan ang aking kaibigan pag naririnig niya ang kanyang nanay na tinatawag itong Honey. Hanep talaga kung maglambing ang Datan. Meron pang
breakfast in bed. Pakisampal nga ako. Baka inggit lang ako.

Pero unang hirit niya ng pangloloko ay ang pagwithdraw ng pera sa ATM ng kaniyang
kinakasama. !@#$%^&*() Kung hawak ko nga lang ang aking magic wand di sana ay ginawa
ko na siyang ahas. AHAS, AHAS , AHAS. (Nageemote lang ho ako) Okay ba kiws?

Aba, nang siya ay pinahanap ko sa aking kaibigan, sinabi pang nakikialam sa hindi naman pinakikialaman. At ang masakit pa nito, ipinagtanggol ng nanay ng kaibigan ko ang kaniyang
kalive-in. Kulang na lang na tumaas ang buhok ng aking kaibigan sa galit. Kahit saan mang buhok yon. Ang kaniyang nanay, nabulag sa pag-ibig. Mahirap magpalaki ng ina.

Itutuloy ang mga susunod pang mga katrantaduhan ng matandang lalaking ito.

Monday, November 28, 2005

Pink Lady

Dear insansapinas,


Masyadong fashionista ang paborito kong kaklase. Pag pink ang kaniyang damit, pink ang kaniyang sapatos, bag, medyas,at salamin. Pink din ang kaniyang labi.

Rare kang makakita dito sa aking lugar nang ganiyan kasi dito kahit hindi pares, pares, kahit ang mga kulay ay parang magkukumareng nagbabangayan, kahit ang sapatos ay hindi magpareho (o di ba ako noong lumakad sa SF downtown ng puti ang isa at itim ang kabila. May pumansin ba sa akin. Mga darleeengs , wala silang kyeber. Nang minsan, baligtad ang aking pantalon, may pumansin ba? Wala. Subukan mo sa Pilipinas, gawin yan pag di ka sinundan ng tingin nang mga bruha at bruhong nakataas ang mga kilay.


ANO KANYO, NASAAN NA ANG KUWENTONG HINDI PELIKULA? Maghintay kayo anoh?

So itong ang aking kaklase, pinasiklaban ko. Brown naman ang suot ko. Brown na pangtaas, brown na jacket, brown na pantalon, brown na medyas at brown na bag.

Tinitigan niya ako, mula paa hanggang ulo. Kunwari naman nadako ang paningin ko sa kaniya, ngumiti ako, pero hindi para sa kaniya kung hindi para sa katabi niya. Gusto ko lang na talo
ko siya kasi pati ngipin ko BROWN. angingingi..Yum yum yum, sarap ng tsokolates.

Disclaimer: Ang larawan po sa itaas ay hindi ang larawan ng aking kaklase. Nagkamali lang ng click ang aking anghel sa kaliwa.


Anghel sa kaliwa:
Ano ha wala akong kasalanan diyan. yong sa kanan.

Anghel sa kanan:
Hind ako ah.

Pinaysaamerika


Salawikain: Pag may itinanim, may aanihin. (Bilisan lang ninyo, baka may umaning iba. hekhekhek

Hindi pelikula


Di ba nakakainis yong mga pelikulang ang ending eh sa mga last 2 minutes eh, maghihiwalay ang magsing-irog, sasakay sa eruplano ang babae at iiwanan si lalaki
pagkatapos kung kailan, umandar na ang pinainit na makina ng eruplano at
tataas na lang ay biglang tatayo ang bida at kulang na lang sumigaw ng
PARA MAMA sa tabi, babababa, at sa hudyat ng director ay titingin muli ang
papaalis na lalaki, magtatatama ang kanilang paningin, PAGKATAPOS slow motion
silang tatakbo at magyayakapan. UTANG NA LOOB, korni ninyo.
Sandali, makapunas ng luha sa mata. Prsssst.

Pero ang ikukuwento ko ay hindi pelikula. Totoong pangyayari. Naikuwento ko
na ito sa kabila pero, iba ang pagkwento rito hane.

Sandali. makabalik sa higaan. Alas tres pa lang pala.
Sa a king pagbabalik.

ZZZZZZZZZZ

Salawikain: Magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising.

Friday, November 25, 2005

Eye to eye

Dear insansapinas,

May kasama ako sa klase na isang mulata. Medyo may pagkasuplada ang bruha.
Minsan nag-uusap kami ng aking kaibigan ay bigla yang pumaswit para ako patigiling
magsalita. Tiningnan ko siya. Tiningnan din niya ako. Hindi ako nagbaba ng tingin kahit na maunat ang kanyang buhok sa tindi ng aking titig. Tumayo siya. Tumayo din ako.
Pumunta siya sa may water fountain. Pumunta rin ako doon. Ano siya lang ang marunong uminom. nyuknyuknyuk

Makapagkanta ng Christmas song.



Pinaysaamerika

Thursday, November 24, 2005

Hello, anybody howme?

Dear insansapinas,

Ahahay,
Buhay pa ako. Kaya lang tinupi ko muna yong nobelang isinusulat ko. Masyado akong nakukulitan nang mga natatanggap kong solicitation. Plagay ko tuloy, paraan lang talaga para makakuha ng pledge. Ubo.

Eniwey, kagaya nang pinsan kong si Kiwipinay, magtsistsismis lang muna ako para huwag masyadong magasgas ang utak ko. Nagrereview ako ngayon at panay nguya ko ng mga numero, mga terminologies. Hikaaaaa. Pahinga ko ang dumalaw sa aking blog. Ang aking isang blog ay tanggap nang blog ng isang sira ulong gustong magpatawa, ewan ko naman kung may tumatawa.
Singhot.

Pero bago simulan ang aking mga katsisimisan ko Day kung saan kayo ay manghihilakbot, maiinis, matutuwa at maiiyak, tingnan ninyo muna ang aking nakapaglaruan mga larawan ng aking mga bulaklak
at libros. (plural ng libro, di ba cheng?)

Ito sila. Kunwari naman, talagang naintindihan ko ang mga kuwento. Yong Harry Potter ay di ko man lang binuksan. Hindi kasi sa akin eh.


bouquet on book

roseonbook2

Pinaysaamerika

Tuesday, November 01, 2005

Nobelang Wala Pa Ring Pamagat -Chapter 2

Chapter 2

My Friend

She had been staring at the teapot, when the phone rung. She let the machine pick up the call. After hearing the loud beep, the phone rung again. She knows who the caller is.

“Hello.”

It was her friend who just like her took a shot for the teaching position.

“I am happy for you,” she said honestly. Her friend Alexa is a lot older than she is and had years of experience too, more than she does. She is not surprised to know that she is hired.

“Let’s have coffee. My treat. And don’t you think of cooking up alibis. I can easily
ask my friend to drive me up in your place. Won’t stop knocking at the door until your neighborhood bring in a cop for public disturbance or so something,” Her shrill voice made her hold the phone away form her ear.

“ Okay, okay. You win. Let’s meet at the usual coffee shop. I love doing windowshopping too. Women’s best anti-depressant."

She was waiting for her; her make-up perfect, her hair done and looking even more beautiful for a woman her age.

“You’re late. What’s the excuse this time? You can’t get a cab, you bumped into some old friends or your heart is bleeding that you have to stop by the hospital? "Alexa said while savoring the hot steaming coffee.

She had already ordered her coffee. And bagel too.

“So, this is the dress that you wore in the interview or you had already a clothes change?”, her one eyebrow arching.

“Yes, it is.”

“NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO”

“Yessssssss” “Why what’s wrong with this outfit. I bought this under lay-away plan. Pretty expensive. I have to eat a lot of instant noodles for a few weeks to pay for this.

“Hello, hello, Houston, we got a problem. My dear, business suit does not mean you have to be like a gray canvas. You do not have to come like a new ordained novice in the nunnery of the Carmelite sisters. Pink sisters yes. If I were the interviewer, I could have dropped down on my knees start praying the rosary and ask for special indulgence.
Mother Theresa is dead, darleeeng.” Mwehihihi

She did not respond back.

“Oke, Oke , so I plead guilty, no appeal. I do not need a legally blond to defend my case. I have been harsh. I am mean. I am evil. Bwahaahaa. “ She put her two hands on both sides of hear head forming horns. “ Another free coffee for you. But darleeng, it’s time that you should dress your age. “

“Your application as my fashion consultant is still in process.”she said curtly.

“Ow, that is free advice. Nothing to worry. Courtesy of Friends Incorporated where I am the Chairman and you are the corporate slave.”

Uhhhm, did he….did he…

“Did he what ? Who’s the he and what is the what ?”

The guy, the dean. Did he say, he likes you?

“Naww. All he said was congratulations. But he pressed my hands though. Kilig. He’s impressed. Why?” Her tone of voice changed. “ Do you know something, that I do not know.” Her knows knitted as she asked.

“Nothing.”

“Tell me”

“Nothing.”

“Tell me.”

“Nothing.”

Alexa closed her eyes and chanted some words.

What are you doing. Have you gone mad?”

“Ow, I am casting a spell for you to open up.”

“You witch. Hahahahaha. “

“ Okay, will another treat, make you talk? There is a good movie that I would like to see.
I feel generous to make libre to watch it tonight with you.”

“Aren’t you missed by your kids? “ You should be home by now, MOTHER.” She emphasized the last word.

“Oh Pleaseeeeeeee, don’t you make me feel guilty over my careeeeer.”
She wiped her make believe tears with the table napkin. “Let me enjoy life, will you.” The kids are safe with their nannies and my …you know who... must be with his mistress, I mean his wife.”

She became silent for a few seconds. Her tears are real now. But they did not fall. She quickly wiped them with her hankie.

Ang Nobelang Walang Pamagat Chapter 1

Patalastas:
Pansamantala kong ititigil ang kasalukuyang isinusulat kong Traidor upang isulat ang nobelang walang pamagat.

Chapter 1

I Like you but...

Bea stepped into the airconditioned room. She closed the door behind her and stood briefly to gaze at the frames, plaques and pictures that adorned the wood paneled wall.
The man seated behind the desk smiled and signaled her to take one of the seats in front the massive table. She knew, he was wondering what she was waiting for.

He stood up and offered his hand. She barely heard his Good morning and how are you doin’ greetings. Her heat beats seemed to have drowned them.

The meeting with the Dean was brief. She did not come unprepared that she did not expect his assessment of her personality. According to him, she is sufficiently knowledgeable of the subjects that she is going to handle. She technically answered complicated questions, but on the whole, something is lacking in her personality. She is too timid. Although her voice is husky, it is too soft and can be interpreted as shyness.

He stood up as a gesture that he is ending the interview.
“ I like you.” He said. You have the potential , but I need someone who’s aggressive. One who can captivate the audience when she talks.” Pardon my unorthodox manner , but I am this brutal for people I like.

He is sending a mixed signal. He likes her but she is not hired.
She wished he could have simply said, don’t call, we’ll call you.

She has the irresistible desire to ask what he meant by liking you but I do not want you statement. She resisted the impulse. Instead she thanked him and she walked erect and composed after saying goodbye.

Outside, she felt the pain of rejection. She leaned towards the iron railings. The Dean’s secretary appeared behind her. She felt that someone watching her even when she was already outside the room.

“Do you feel, ill, Miss? Can I get you anything ? Her voice was full of concern.

“ I’ll be all right in a few minutes. Thank you? She attempted to smile. She felt the prick of tears behind her eyes. She held them back.


Within a short time, she was totally in control of herself again. She was sorry that she had let the negative feeling affected her. She despised weakness and self-pity.

She thought angrily: I am responsible for my fate. No man is going to create that for me.

She pulled herself up and straight-backed she walked across the hall.