Advertisement

Tuesday, September 19, 2006

Ang mga How To ni Pinay (Sweater na Umurong)

Mula po nang mapadpad ako rito sa US of Ey, natuto na akong magkarpintero, tubero, kantero (yong kumakanta, mwehehehe)mananahi, labandero at cook. Oo Birhinya, ganiyan kahirap ang manirahan dito kung saan ang mga mabibili mo ay mga knock-down na iaassemble na lang o kaya mga lulutuing, ilalagay mo na lang sa oven at presto, mayroon ka ng pizza.

Ang mga susunod na kabanata ko ay halos tungkol sa mga HOW TOs...kagaya ng pagpatay ng asawang taksil... ehek. pagpatay ng mga pesteng ipis, paghuli ng mga bubuwit at pagkulong ng pesteng pusang gagala-gala. Ehek ang mga dumadalaw pala kay MLQ3 ang gustong pilipitin ang leeg ni The Ca t.

Syempre sisilipin ko pa rin at uuriratin ang mga buhay-buhay dito ng mga kababayan ano.

1. How to Fix a Sweater na Umurong

Ganito po yon. Noong unang winter ko dito sa US of Ey, bumili ako ng sweater.
Unang suot ko pa lang ay natapunan na ng cranberry joyce eheste juice. Mamah yon ay pula ang kulay kaya kailangang labhan ko kaagad ang aking sweater kasi baka akalain ng makakakita sa akin ay ako'y dracula na sumipsip ng dugo at natapon sa aking dibdib
Siste nito, nang sinuot ko ulit, tipo bang humaba ang aking kamay ay umiksi ang manggas ng sweater. At imbes na siya ay lampas bewang haba, abah, naging para akong ibos sa suman (tama ba yon?). Ganda pa naman ng sweater na yon. Ganda ng presyo. huhuhu.

Ito ang payo sa akin na sinunod ko naman.

1. Sa isang maliit na batyang tubig, (yong kasyang ilubog ang sweater) baka naman kunin ninyong batya, ay Batya ni Neneng na ginagamit sa paglalaba ng buong pamilya,
maglagay ng dalawang kutsara ng baby shampoo. (Paano raw kung wala kayong baby kaya wala kayong baby shampoo. Aba problema ninyo yon. Baka naman gusto ninyong turuan ko pa kayong gumawa ng baby. OOOPS sumusobra na kayo, hoy.


2. Ibabad ang sweater ng labinlimang minuto.

3. Huwag babanlawan at pipilipitin. Ilagay sa isang tuwalya, pagulungin ang tuwalya na nasa loob ang sweater para maalis ang tubig.

4. Padipahin ang sweater sa isang corkboard at lagyan ng mga aspili para hindi magalaw. (kung may kinaiinisan kayong tao, imaginin ninyong siya yon. ehek, kasama ng utak ko. erase,erase).

5. Balik-balikan ninyo hanggang matuyo at ulit-ulitin ang paghila.

Epektibo ba kanyo? Ah oo. Yong sa akin, nainat siya. Ang problema lang, maiksi ang isang manggas kasi di pareho ang batak ko. Kaya noong tinanong ako ng aking kaopisina kung anong nangyari sa aking isang manggas. Ang sagot ko with American eksent.

Oh well, I think my other arm shrunk because of too much exposure in the copier machine.

Ang ekspresyon niya sa mukha ay tila ba shock o iniisip kung ako ay nababaliw. Pero mula noon, hindi na siya naglalapit doon sa malaki naming copier machine, lalo pag busy akong nagrereproduce ng mga financials para sa board meeting. mweheehehe.

No comments: