Maaga pa lang ay lumakad na kami ng kapatid ko para bang kagaya sa probins na gustong manood ng parada sa siyudad. May baon kaming sangwich at iced-cold water. Ang init kasi dito. Nabigla ako dahil sanay ako sa San Francisco na kahit summer ay nakajacket ako pag lumabas. Kaya ang mga tao ay nakat-shirt na walang manggas pa. May dala-dalang pamaypay, hindi naman nakapaypay ng lamig na hangin. Kaya hayan, dinidispley na lang.
Pero kahit mainit sige pa rin ang taong hintay sa parada. May payong, walang payong, may payung-payungan, nakatayo, nakaupo, nakabisaklat sa sidewalk o kaya ay nakatingkayad. Ang iniittttttttttt. Para malaman ninyo kung gaano kainit dito sa Washington
Kaya habang ang karamihan ay naghihintay, pinasya kong maglakad. Alam naman ninyo ang Pinoy, USI.Ususera, ano fa. Kaya nakita ko itong helicopter ng Navy. Akala ko isasama
sa parada, yon pala displey lang. Mga gustong magparetrato, makita ang mga helicopter na nakikita lang natin sa pelikulang action,giyera at espionage. Parang naririnig ko ang tugtog ng pelikula ni James Bond. Tinginingininging.
May mga karosa ring inaayos pa. Kagaya nitong karosa ng mga maysakit. Eheek. SIKH pala. Alam naman ninyo yong mga Bombay na may kumot sa ulo, di ba? Karamihan kasi ng may-ari ng mga tindahan dito ay mga Bombay. Parang sa atin, mga insik.
Ito naman ang karosa ng mga Asyano. Mga Vietnamese, Insik, Filipinos at iba pa. Inaayos pa lang dito sa retrato.
O eto, tapos na. Kaya piktyuran galore na sila. Gusto ko sanang magpaphotoop din pero hindi ko makita ang aking kapatid.
Ito naman ang karosa ng mga ...mga...Ah ewan ko ba. Basta maganda siya dahil para siyang malaking bulaklak. Takot ko lang, baka may malaking bubuyog na dumapo, lagot sila. Ahahay.
Ito ang karosa ng aking mga kafatid. Rainbow siya o di va. Gay na gay talaga. Pero sa parada, parang di ko siya nakita.
Haynaku, huwag ninyo akong tanungin kung ano ito at di ko rin alam. Ganoon yata kagulo ang namamahala dito ng parada. Kahit saan na lang may nakita kang karosa, wala namang pangalan kung sino sila. Hindi naman siya yong hiniram na ilaw ni Miss Liberty mula sa New York.
Ito karosa ulit ng mga Bombay. Ganda niya di ba.
Itutuloy.
Sa susunod ang Parada, Bow.
Pinaysaamerika
Pinoy,
Pinay
No comments:
Post a Comment