Advertisement

Tuesday, September 26, 2006

Para sa mga Ladies lang-How to fix bloody bleeding lipstick

To the gentlemen, don't do this at home.

Ano kaniyo ang bleeding lipstick? Yon ba yong ang lipstick ninyo ay parang pinahid na peanut butter. May makapal sa isang bahagi at may manipis sa isa pang parte ng labi.

Ang ginagawa noon ay pinapadiin ang mga labi sa isang tissue paper para mabawasan ang kapal. Pero may iba pang paraan para maayos ang "dumudugong lipstick".

1. Pahiran ng make-up foundation ang labi. Syempre, kakulay ito ng inyong balat sa pisngi kaya huwag magugulat kung akala mo ay nababad ang labi ninyo sa suka.

2. Pulbusan din ng make up na transluscent para maalis ang kintab.

3. Gumamit ng lip liner at "drawingin" ang labi. Kung makapal ang labi, huwag tatapyasan. I drowing lang sa loob ng linya ng labi para magmukhang manipis.

4. Sa pamamagitan ng lip brush o kaya ng lipstick, punuin ng kulay ang loob ng "drawing".

5. Hayaang matuyo at pulbusan lang ng kaunti ang labi.

Ngumiti. Tingnan kung may lipstick sa ngipin. Burahin eheste pahirin ng tissue.

8 comments:

kulas said...

From a man's point of view, a comment: no offense, pero(laging may pero) napapansin lang. Parang di bagay at parang payaso ang itsura ng mga babaeng mas madilim ang guhit ng lapis sa labi. Nevertheless, ok ang mga babaeng nagmamakeup(nagpapaganda), lalo na kung tama ang pag-pintura.

cathy said...

tama ang sinabi mo kulas.

Sam Tobias said...

Hi Cat! Bitin yung kwento mo sa Ang Pinay at ang Traydor. Di mo tinapos. Enjoy na enjoy pa naman akong basahin. Gawa ka kaya book tulad ni Batjay. Mas gusto ko mga stories mo. Para akong baliw na tawa ng tawa dito sa computer shop ko.Idol kita sa paggamit mo ng baklang grammar.Walang katulad.Ipadala kaya natin sa Palanca Award Contest.Baka manalo mga kwento mo.

Nananabik sa karugtong na nobela mo,
Sam

cathy said...

salamat Sam. malapit ng maprint. bibigyan kita ng libreng kopya.

magbayad ka lang. hahaha

Walang biro.

Sam Tobias said...

Kelan ba target printing non ng mapag-ipunan ko.Babaunin ko sa pagliliwaliw ko sa ibang bayan para panlaban sa homesick.

cathy said...

bago siguro magpasko. kaya pagtinanong ka kung ano ang hinihintay mo, sabihin mo pasko .ahehehe

Sam Tobias said...

Hahahaha!!! Ang kulit mo pala talaga.Pero its nice having a blogger like you.Nakakawala ng boredom sa monotonous activity ng buhay ko dito sa computer shop mga sinusulat mo.Pleaseeeeeeee...ituloy mo na mga nobela mo.Henga pala magkapatid ba kayo ni Ate Sienna kasi halos pareho kayo ng style sa paggamit ng mga words.Sana mameet kita someday.

cathy said...

nakuha, hindi kami magkapatid ni Ate Sienna, mas mataas ako sa kaniya. ahehek. salamat sa pagbasa mo. itutuloy ko rin yan. abala rin kasi ako sa aking isang blog, ang aking Now What, Cat? shameless plugging. sampal myself...mag-asawang sampal.