Advertisement

Monday, November 28, 2005

Pink Lady

Dear insansapinas,


Masyadong fashionista ang paborito kong kaklase. Pag pink ang kaniyang damit, pink ang kaniyang sapatos, bag, medyas,at salamin. Pink din ang kaniyang labi.

Rare kang makakita dito sa aking lugar nang ganiyan kasi dito kahit hindi pares, pares, kahit ang mga kulay ay parang magkukumareng nagbabangayan, kahit ang sapatos ay hindi magpareho (o di ba ako noong lumakad sa SF downtown ng puti ang isa at itim ang kabila. May pumansin ba sa akin. Mga darleeengs , wala silang kyeber. Nang minsan, baligtad ang aking pantalon, may pumansin ba? Wala. Subukan mo sa Pilipinas, gawin yan pag di ka sinundan ng tingin nang mga bruha at bruhong nakataas ang mga kilay.


ANO KANYO, NASAAN NA ANG KUWENTONG HINDI PELIKULA? Maghintay kayo anoh?

So itong ang aking kaklase, pinasiklaban ko. Brown naman ang suot ko. Brown na pangtaas, brown na jacket, brown na pantalon, brown na medyas at brown na bag.

Tinitigan niya ako, mula paa hanggang ulo. Kunwari naman nadako ang paningin ko sa kaniya, ngumiti ako, pero hindi para sa kaniya kung hindi para sa katabi niya. Gusto ko lang na talo
ko siya kasi pati ngipin ko BROWN. angingingi..Yum yum yum, sarap ng tsokolates.

Disclaimer: Ang larawan po sa itaas ay hindi ang larawan ng aking kaklase. Nagkamali lang ng click ang aking anghel sa kaliwa.


Anghel sa kaliwa:
Ano ha wala akong kasalanan diyan. yong sa kanan.

Anghel sa kanan:
Hind ako ah.

Pinaysaamerika


Salawikain: Pag may itinanim, may aanihin. (Bilisan lang ninyo, baka may umaning iba. hekhekhek

No comments: