Advertisement

Thursday, December 08, 2005

Lamig...

Dear mouse,

Biglang lamig dito sa lugar ko. Yon tipo bang pag umupo ka
sa inodoro, mapapasigaw ka ng GINAW.

Nanonood ako ng The Buzz noong Linggo nang dumating
ang aking kaibigang lalaki. Nagpapatulong basahin yong
application para siya maging PUTI kahit hindi siya magbleach.
yuk yuk yuk.

Kulang ang pinadala sa kaniya. OO BIRHINYA, maraming tanga
at tamad sa gobyerno kaya nakakalimutan nila minsang kumpletuhin
ang dapat kumpletohin. Kaya huwag ninyong isiping dahil
Puti ay superior na. HINDI AH.

Tuloy pa rin sila ng kanyang girl friend sa internet.
Whoaaa. In love ang loko. Di naman inaamin. Gusto ko tuloy batukan.

Naghahanap yata nang mapagkukuwentuhan kaya gabi na ay ayaw pang
umalis. hehehe. Hige kuwento. Ano kanyo, ikuwento ko sainyo.
Ano ko tsismosa. heee.

Nasira pa ang aming water heater. Takna. Parang yelo ang tubig
sa lamig. Alam naman ninyo ang Pinay. Tabo ang ginagamit.
LAMIG.

Pinaysaamerika

1 comment:

infraternam meam said...

Ang lamig...come to my place. i just plowed 10 inches of snow today and it is realing freezing in here. tama ba yong basa ko..."para maging puti"...ang alin?