Advertisement

Monday, December 26, 2005

Ang Kuwentong Hindi naman Pelikula Part 7

Ito ang Part 1, Part 2, Part 3,
Part 4
, Part 5, Part 6

Dear insansapinas,

Ringggggg

Siyempre telepono yon anoh. Pero hindi ko muna pinick-up. Alam ko ang tumatawag
kahit wala akong caller's id. Ang kaibigan ko yon. Hohumm palagay ko tungkol
na naman sa kaniyang mader dear.

O sige na nga. Masagot na nga. Hilew.

Kaibigan: Katagal mo namang pumik-ap ng phone.

Ako: Ay mamah, sinusuheto ko pa ang sutil kong buhok at ninamnam ko pa
ang aking kape nang tumawag ka. O hala kanta na.

Kaibigan: Naku masasakal ko talaga ang mader ko.

Ako: Salbaheng anak, hindi ka pupunta niyan sa langit. Aber at ano naman
ang kamartiran ang ginawa. Baka irekomenda ko na siyang maging santa.

Kaibigan: Nakakuha na raw ng trabaho yong asawa ng kabit niya. Live-in daw kaya
umalis na doon.

Ako: Di magandang balita.

Kaibigan: Umalis na rin daw ang kanyang kabit.

Ako: Di lalong magandang balita.

Kaibigan: Kaso tangay yong SUV at hindi naman binabayaran ang amortisasyon
noon buwan-buwan.

Ako: Ah masamang balita.

Kaibigan: Isa pa ninakawan na naman siya sa ATM.

Ako: Talagang masamang balita.

Kaibigan: Nagtatanong kung ano raw ang gagawin niya.

Ako: Eh idemanda niya.

Kaibigan: Eh di nga siya marunong eh.

Ako: Eh ikaw marunong?

Kaibigan: Hindi rin.

Ako: At palagay mo ako marunong?

Kaibigan: OO naman.

Ako: At palagay mo tutulungan ko siya.

Kaibigan: Kung gusto mo.

Ako: Haynaku, ayaw ko na. Nadala na ako sa pagtulong. Ako pa ang masama.
At saka baka pag sinimulan mo yang idemanda, lambutsingin lang ang
nanay mo, lumambot na naman yan.

Kaibigan: Oo nga eh.

Ako: Ang maipapayo ko lang ireport niya sa DMV ang pagtangay ng kotse
at sa pulis.

Kaibigan: Saan siya tatawag?

Ako: Susmaryones naman, hindi naman ako phone book para malaman ang mga telepono nila
anoh?
O hige na at kailangan ko nang maligo sa gatas. Tawagan na lang ulit tayo.

Tumingin ako sa salamin. May maliit na taghiyawat na lumabas sa pisngi ko.
Tingnan mo yan, may tumubo tuloy sa aking taghiyawat dahil sa mga taong ito.

Matiris nga. Araaay.

Pinaysaamerika

No comments: