Advertisement

Saturday, September 16, 2006

How to mend a Broken Heart -Paano Tagpian ang Punit-punit na Puso (daw)

Ito nabasa ko lang. Hindi punit ang puso ko. Excuse me. Durog pwede pa. hekhekhek

1. Breathe

Meron kasing mga taong sawi na mahihiga at tila ba balak hindi na huminga. Mahihiga, pipikit o kaya tititig sa kisame. (Makikita tuloy na maraming agiw pala). Pero panay naman ang buntong-hininga. Teka, kailan ba ako nagkaganito? Hmmmm. Hika lang pala.

Kahit magcall-in sick kayo at mahihiga, tumayo-tayo rin kayo at pumunta sa refrigerator para kumuha ng ice cream. Kung dati ayaw ninyong kumain dahil tataba kayo, ito ang araw upang kalimutan ang pagdidiyeta. Tsee nila.

Kantahin ang I WILL SURVIVE. Kalimutan ang mga theme song ninyong nakakapagpalala sa kaniya. Huwag itatapon ang Cd. Mahal din yan. * heh *

(Huwag tatawagan ang ex).

2. Call a friend
Tawagan ang kaibigan na makikinig sainyo. Yong hindi ibaba ang phone habang pacry cry ka at nagmumultitasking habang akala mo naman ay matiyagang nakikinig saiyo. Tsee niya.

(Huwag tatawagin ang ex).

3. Go watch a movie. Pero pwede ba, huwag drama o love story. Baka maipag-iyakan ka pa sa bida. At please lang kung talagang manonood ka ng mga sad movies, magdala ka ng kumot. Kung iiyak ka lang naman ay umiyak ka na noh para masabi mo na said na ang iyong luha, wala ka ng iluluha. * heh *

(Huwag tatawagin ang ex)

4. Go out by yourself or go for a long walk

Huwag buruhin ang sarili sa buhay at umiyak. Lokah. Magwindowshopping. Window lang. Baka naman ibuhos ang sama ng loob sa pamimili. Pero huwag gagawi kung saan puwede mong makita ang ex. Baka may makita kang nakabrisyete ay hindi lang punit ang dibdib kung hind windang pa. ahehe.

(Huwag tatawagin ang ex)

5. Express youself or your emotion. Paint, write or play music.

Ipintura mo ang mukha ng kinaiinisan mo. Lagyan mo ng sungay. ahehehe. Magsulat ng blog. o di va. Play music. Kahit ka marunong magpiyano, sige. Kahit paemore-emote lang nakunwari ay bida ka sa pelikula na nagpipiyano. O kaya punta ka sa karaoke.




6. Take a break. Go out of town for a weekend.

Bakasyon muna para malayo sa mga paggunita. Pero naman husme huwag doon sa pinagbabaksyunan ninyo madalas.

(Huwag tatawagan ang ex).

Itutuloy

Pinaysaamerika

4 comments:

sachiko said...

nyahaha!

ok,ok,i got it!

WAG TATAWAGAN ANG EX!

cathy said...

kuleet di ba para maalala.

ting-aling said...

uy, nakalimutan mo yata ang (huwag tawag and ex) sa number 5 Virginia.

cathy said...

ting,
nakalimutan ko ba?