Advertisement
Friday, December 09, 2005
Si Pinay at ang Ginawa siyang tanga pero, subali't hindi naman siya tanga
Haba ba ng titulo?
Wala ang aming lecturer pero may substitute siyang pinadala.
Hmmmm, umiral na naman sa akin ang pagkamaobserba. Ang
aming regular lecturer ay itim pero malinis siyang manamit.
Plantsado ang kaniyang isinusuot at magkakapares ang kaniyang alahas.
Ginto mga dahleengs. Hindi tubog.
Itong substitute ay medyo parang bagong gising na humablot ng
masusuot sa cabinet at bigla na lang nagdrive papunta sa
iswul. Latina yata siya. Pero accent, Merkano na.
O di ba PINTASERA Ako. Ganyan daw talaga para hindi maging losyang ay
maging pintasera ka. Saan ko ba narinig yon.
Kaya lang bakit ko ba siya ikinikuwento? Kasi pinahanginan niya ako na para bang
TANGA ba ako? Kinuha ko nga yong salamin sa aking bulsa, sinilip ko ang aking
mukha at tinanong ang aking sarili. Mukha ka bang tanga?
Kasi ito yon. Nagkukuwento siya sa kasama ko na CFO raw siya at galing daw siya
sa biotech firm.
Sabi naman ng aking kaibigan. WOW, di accountant ka pala o CPA. Biglang
gumalaw ang aking kaliwang tanga. UHmmmm kababaryo ko sa profession.
Medyo nilakasan ko ang frequency ng aking antenna habang ako ay nasa
computer at tinatapos ko ang isa mga pinagagawa sa amin.
So para bang nirecite niya ang kaniyang resume sa podcast. Ako naman pakinig kete,
pakinig kete. SANDALI, break, break. Bakit yata ang mga sinasabi niya
ay hindi job descriptions ng CFO o kaya ng Accountant?
Makasali nga sa usapan. Alam mo naman ako, lumalaki ang aking ulo pag may
naririnig akong mayabang. NASASAPAWAN ako beybi. hehehe DI ba Ate KIWI. Bila siyang naging Ate. hakhakhak
Tinanong ko siya kung ano ang hinahawakan niya. Pero daw. O hokey. Finance nga.
Sabi naman ng aking kaibigan, (Syempre disipulo ko siya noh, kung hindi, hindi ko
siya tuturuan na pinalamadaling mag-edit ang magright click sa mouse), hey you speak the same langugage with my friend here. She's an accountant and a tax professional too.
Kambiyo siya. Binigyan kami ng calling card. Hindi naman niya card yon eh.
Sa mga temp agencies na naghahanap ng mga temp employees. hehehe
Sabi ng kaibigan ko, what about your calling card? Hanep, instructor lang pala siya sa Computerized Accounting. At hindi siya Accountant. Nagtuturo lang siya ng
Computerized Accounting na mayroon ng librong ginawa at inuulit lang nila
ang nasa libro.
Parang gusto kong ibato yong computer. Kaya lang sandali, binuksan ko muna
yong aking website.
Marami niyan dito. Yong mga mahilig magkunwari na hindi naman talaga nila expertise.
Kung makakalusot lang lalo na sa mga mukhang Tanga. Mukha ba talaga akong Tanga?
Toink toink.
Pinayssamerika