Advertisement

Sunday, September 24, 2006

How to remove wrinkles from your clothing

Yes, yes Virginia, wrinkles from your clothing and not from your forehead, silly.
Yon bagang parang pag lumabas ka sa bahay ay haharanging ka ng plantsahan at papasadahan ka ng plantsa dahil sa para kang nabugbog ng maton sa kanto at ginusot hindi lang ang iyong mukha kung hindi pati ang iyong damit.

Dito Virginia sa Us of Ey ay madalas pinapatungan lang namin ang damit ng mga sweater or kaya cardigan kaya walang plantsahan. Pero minsan ay di ko akalaing uminit ng husto
at kailangan kong hubarin ang suot kong blazer.Pero Santa Clarang pinong pino, gusot ang aking blouse at hindi ko na rin puwedeng hubarin dahil maghuhubad din ako ng pantalon at medyas nyan para sila ay magkacoordinate ikanga sa kulay.

Ito ang aking natutuhan.

1. Ihanger ang blouse sa loob ng banyo. (syempre hubarin muna ano). tsee.
Buksan ang hotwater at hayaang umagos. Sarhan ang pinto para yong steam ay pumuno sa loob ng bathroom. Presto, para siyang dry clean effect.

ANO KANIYO, wala kayong hotwater at bathtub? Walang problema.

2. Basain ang kamay ng tubig, haplusin ang damit na kusot. Hintaying maturo.

3. O kaya naman, kumuha ng sprayer, lagyan ng tubig, ispray sa kusot na damit habang hinihimas.

4. Itapat sa bentilador. Kung may portable heater, mas mabuti.

Yon nga kababayan ang ginamit ko yong hinimas ko ng basa ang aking damit. Voila. nawala ang wrinkles.

Pagdating ko sa opisina, may wrinkle ang noo ng boss kong babae dahil medyo nalate ako. Parang gusto kong spray din ng tubig at himasin para maalis ang wrinkle.


Ahehehe

2 comments:

kulas said...

Hi, alam ko yata feeling ng gusot na damit. Kala ko pedeng makalusot takpan ng markana, pero dehins pala. Natuto rin mamalantsya si kulas, although may marka ng plantsya yung iba kong kamesidentro.

Sovlb ko na problem at 99 cents a shirt - Fortune Cooky laundry & dry cleaners.

cathy said...

hahaha, preh lang pala tayo. Sa akin sa pantalon.