Advertisement
Thursday, August 23, 2012
No blood transfusiom
Dear insansapinas,
source of photo: as marked in the photo
Di ba lagare ako noong isang araw sa dalawa kong doctor? Dahil nga doctor's order for blood works/ chemistry sa ospital, ang hinihintay namin galing sa oncology nurse, sabi ko sa kapatid ko, siya na lang maghintay at may blood works naman ako sa primary care para naman sa diabetes ko. Kasi nga ang problema ay kagaya noong kay Mario O' Hara na may cancer at mababa rin ang WBC, blood platelets. Kagaya rin kay Dolphy na may low blood count, RBC, etc.mababa ang immunity sa sakit.
Last Monday, ang WBC ko ay sapat lang para pag may nag-aaligid-aligid na sakit ay pwede kong gamitan ng ping pong paddle para huwag makalapit. Toink.Pero ang blood platelets ko na dapat magti-nikling between 250 to 450, ay nasa 40 lang. Daming bundok na aakyatin.
Eh tuwing ganito, hindi tuloy ang chemo.
Pero ngayong araw na nachemo ako, kasalukuyan kong tinutukuran ko ang aking mata sa antok habang pinaghehele ako ng malakas na snore ng pasyenteng katabi ko an upuan, (malaki naman ang mga pagitan dahil sa mga equipment pero malakas talaga ang hilik,talo ako),biglang lumapit ang mukha ng oncology nurse sa aking mukha. May dala siyang frozen yellow cream. Ipapasok daw sa blood ko thru the pedi-port. PLATELETS. Yon pala ang pinirmahan ko na NO BLOOD transfusion, Yon lang mga kulang sa akin. Yong nasa harapang pasyente ko naman, pula (more of purple...baka RBC naman yon).
Kaya ngayon hindi ko kailangang pumunta sa Filipino store para kumain ng dinuguan. Poink.
Pinaysaamerika

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment