Advertisement

Monday, April 30, 2012

Count your blessings


Dear insansapinas,


Kahit na minarkahan na ako for exit sa mundo, tinuturing ko pa rin na masuwerte pa rin ako dahil may kapatid akong nakaantabay sa akin (Siguro role niya yon mula sa Director ng mga directors). Noon na busy akong gumawa ng pera ang mga pinakamasama ng naexperience ko ay ang mga intriga, mga abusadong mga boss at mga inggiterang mga "kaibigan" pero  aware din sa mga kasamaang ginagawa ng mga tao sa kapwa nila na kulang ang apoy sa impyerno para sila maparusahan. Wala nga lang akong magawa kung hindi magwish na may hawak akong wand at gawin ko silang mga palaka dahil hindi ko talaga masuot ang uniporme ni Darna. Lalabas ang bilbil ko. Sssssshhh.

Basahin ninyo ng balitang ito kung hindi manginginig ang inyong laman.

For months, two teenaged girls were allegedly drugged by their father each time he raped them as their mother held their arms to prevent any struggle.
The sisters’ ordeal only ended when the father allegedly raped a third victim—a classmate of one of his daughters—who was able to escape and report the abuses to the police.
The blood-curdling picture of parenting warped by drugs and diabolic lust emerged with the father’s arrest on Thursday in Quezon City.
Supt. Crisostomo Mendoza of the Novaliches police substation said the sisters, aged 14 and 16, were allegedly forced by their 33-year-old father to take “shabu” before they were raped. The suspect’s 35-year-old live-in partner, the girls’ mother, allegedly helped her man perpetrate the crime by firmly holding the girls in place as they were being ravished.
Ang aking kaibigan ay nagtrabaho sa Saudi bilang domestic helper. Grabe raw talaga ang mga misis na selosa na gusto pang ultimong sentimo ay tumulo saiyong katawan. Ang asawa naman daw noong misis ay manyakis kaya lagi siyang may itinatagong kutsilyo. Umuwi siya sa Pinas kahit hindi tapos ang kontrata niya. 


Sa balitang ito, hindi ka ba makakawish na maging hayup ang mga itong nagpahirap sa isang Pinay.

Labing-apat na buwang tiniis ng isang Pinay domestic helper sa Saudi Arabia ang kalu­pitan ng sadistang mga amo bago nito nagawang makatakas at makahingi ng saklolo sa Philippine consulate.


Base sa report ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Jeddah, kinilala lang sa pangalang Sonia ang Pinay maid na tubong-Mindanao na nakatakas sa kalupitan ng kanyang mag-asawang amo noong nakaraang linggo.

Kumustahin naman ninyo ng mga pulitiko natin. Kaniya-kaniyang kampihan. Ang magkakaban noon ay magkakibigan ngayon. Magkakasama pa sila sa partido. Kaya nga ba wala akong kinakampihan diyan sa mga yan. Tseh. 

Pinaysaamerika

No comments: