Advertisement
Sunday, April 29, 2012
Muling Lilipad si Darna
Dear insansapinas,
Personal.
Hindi lang cancer ang aking sakit. Pati diabetes. Hindi ako nagrereklamo, Boss. Nabababanggit ko lang. (tingin sa itaas). bulong, bulong, bulong. May itinuturok ako na pambaba ng blood sugar pero kailangan, kumain ka within thirty minutes. Hindi lang kain ha. Lamon as in parang tinamad ka ng isang Linggo at hindi man lang naulingan ang kaldero. Pag hindi ka kumain ng marami, paggising mo ay para kang gulay na pinagpasasaang lamugin ng mga namamamalengke pero hindi naman binili.
Sensiya na. Ngayong umaga, ganiyan ang naramdaman ko. Pero kumain naman ako ng bibingka kagabi. Kaya lang yong bibingka ay mini, na isang lulon mo lang ang isang piraso. Pag sinuswerte ka, didikit pa sa ngala-ngala mo. Hindi ako kumain ng kanin. Wala akong gana. Masarap naman ang ulam. Smoked bangus.
So, mahina ako nang magising ako. Iniisip ko, mahiga na lang kaya ako maghapon? HINDI. Kailangang kumuha ako ng pantukod para makatayo ako. Ang pantukod ko ay ang aking back scratcher. Hindi ako nagself-pity. Wala namang director na pwedeng madiscover ako kung ako ay iiyak. (Best dramatic actress ako noon sa mga drama namin sa college) AHEM. Sa totoo lang maswerte pa nga ako sa ibang nanay dito na lampas liyebo siyete na, sumasakit na ang rayuma, nag-aalaga pa rin ng mga apo at siya pang nagluluto at naglalaba. Kaniya-kaniyang kapalaran talaga yan.
So unti-unti akong bumangon. Gustong gusto ko pa naman ang magshower lalo pag malamig. Baligtad ba? Hindi. Kasi ang sarap ng init ng shower. Pinapatay ang lamig.
Nagluto ako ng scrambled eggs. Pero hindi ako kumain. Wala pa rin akong gana. Nag-iisip ako kung anong kakainin ko para maalis ang gutom ko. Siguro naranasan na ninyo yon na magutom na kahit anong kain ninyo hindi maalis pakiramdam na nagrarumble ang tiyan mo sa loob.
May nakita akong cassava cake. Namili ng kapatid ko sa Filipino store kahapon kaya meron pa ngang biniling kutsinta. Sarap. Pero mas gusto ko pa rin yong nilagang cassava noon sa aming baryo. Tapos isasawsaw ko sa asukal.
Umiinom na ako ng sambong tea at chocolate drinks habang hinihintay ko ang TV mass. Oo naman ang nagpapalakas sa akin ay aking Faith na balang raw ay muling lilipad si Darna. AChecheche.
Pinaysaamerika

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment