Advertisement
Sunday, April 08, 2012
My First Car
Dear insansapinas,
NAAH, Virginia, hindi ko makakalimutan ang first car ko. Bumagsak kasi ang pinto nito. Bwahahaha.
Noong Chief Mechanic ang aking father, may service vehicle siya. Tawag nila, Weapons carrier. Hindi dahil may dalang missile ito o WMD, kung hindi ito ang gamit niyang pagbitbit ng mga tools pag may mga nasiraang truck na hindi naman pwedeng hilahin papunta sa motorpool. Ito ang mga trailer na tagahakot ng mga malalaking logs galing sa bundok,
Hindi rin niya ginagamit sa paghatid sa amin sa school dahil nakakahiya raw na gamitin namin sa personal. Ganiyan kahonest ang aking father. Hindi pwedeng maging pulitiko na ang mga asawa ay ginagawang pangshopping ang sasakyang provided ng taxpayers sa kanilang mga asawa at anak,
Maging pagbili ng nga spare parts na kailangan sa mga sasakyan, ang dad ko ang namimili at ultimong sukling kendi, ibinibigay pa niya sa boss niya. Nakakainis ano? Ang mahal na mga kending yon. Yong isa ay pati balat pwede mong kainin.
Pero nang mamatay naman ang daddy ko, binigyan kami ng mga construction materials para makapagawa kami ng bahay at ang mga kapatid ko naman ay kinuha niya sa kumpaniya niya. Dahil nastroke siya sa oras g trabaho, may tinatanggap siyang portion ng kaniyang sweldo. Sinagot din niya ang mga gastos sa ospital at pagpapalibing. Pero naliligaw tayo.
Kapag nalelate ako dahil ayaw kaming ihatid ng daddy ko sa school, panay ang sabi ko na magkakotse rin ako.
Nang nagkatrabaho na ang mga nakakatanda kong kapatid at ang isa ay napunta sa USA, bumili ang kapatid ko para sa mother ko ng kotse.
Sabi ng mother ko, kung di raw ako nag-asawa agad, hatid sundo ako sa kotse. Sa isip ko, magkakotse rin ako.
Kaya nang kailangan ko na ng sasakyan para magdeliver ng mga ginawa kong practice sets, isinama ko yong aking kaibigang lalaki para tingnan yong ipinagbibiling second hand na kotse. Ayaw ko naman ng bago. Hindi ko pa kaya at magagasgasan kadedeliver.
Hmmm, maganda ang pintura. Bago. Glossy. Tiningnan ng kaibigan ko ang engine, okay naman daw.So pagkatapos, bayaran, pinalitan ko ng gulong, nilagyan ng kaunting burloloy. Hindi pa kami nagkakalayo, BLAG. Tanong ko, ano yon? Yong isang pinto nahulog. WHAAAAA. Masyado kaming focus sa makina na hindi namin napansin na ang loob pala ng kapal ng bagong pinturang yon ay kalawangin na napagnatusok ka, isandaang taon kang magpapainjection ng anti-tetanus.Buti na lang yong isa kong kakilala ay may car body repair. Pagkatapos nang kayurin at palitan ng kung anong yero yon, pininturahan ulit. Muntik na ngang lagyan ng seradura. Yon bang seradura sa pinto. BWAHAHAHa. Sabi ng kaibigan ko, pwede naming isoli o pabawasan. Binawasan na lang ang binayad ko. Akala niya porke, babae ako, pwede niya akong lokohin.Naloko na nga. beh.
So 'yong kaibigan ko na nurse ang asawa sa Saudi, Ford ang kotse, bago. Ang aking luma. Nahiya pa siyang lumipat sa kotse ko. Baka mapagkamalang kaniya. Pagkatapos ng meeting namin, hinanap niya ang kotse niya. NACARNAP. Balik siya sa lumang kotse ni Batman.
Ang kotse ko, hindi pinagtiyagaan. BWahahaha. Minsan lahat yata ng mga sasakyang nilalampasan kami, napapalingon ang mga drivers. Sabi ko inggit siguro sila. Yon pala umusok yong makina ko hahaha. Kahit nakabili na ako ng Toyota, hindi ko ipinagbili yong first car ko.
Pinaysaamerika.

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment