Advertisement

Thursday, April 05, 2012

Betrayal and Denial

Dear insansapinas,


Today is Maundy Thursday. Last Supper, Betrayal of Judas and Denial of Peter that he was an apostle of the Victim of Injustice and Trial by Publicity, JESUS CHRIST. The mob was shouting, Crucify Him even before Pontius Pilate was handed down the basin of water. Sinalok pa kasi. Wala raw kuryente.


It is also today that in the kitchen, I discovered one that was lying to me the whole time. And I was just ignoring it. Every time I visit my doctors, the medical assistants get my weight. Three of the doctors ' clinic have almost the same result, but my OWN personal weighing scale is shortchanging me of five pounds which made me believe, I weighed less. I made the adjustment and I get the same result. Conclusion, the weighing scale is lying and or sucking up to me. TSEH.


I took showers  during Good Friday. Bawal daw sabi ng matatanda. Magkakapekas daw . Kahit naman ako magkapekas, hindi halatado, maitim ako eh. Siguro noon ang mga bata kasi gustong maligo sa batis. Wala namang bathroom at shower noon, except sa bahay ng lolo ko na kinabitan niya ng binutas-butas na lata ang kawayang ginawang parang tubo ng MWSS na ang tubig ay  nanggagaling sa bukal sa katabi naming bundok. Sarap ng tubig. Muntik ko ng lagyan ng kape at asukal at pakuluin pero bawal pa ang kape sa aming bata. Sinunog na bigas ang pinapainom sa amin. Kaysa asikasuhin ng matatanda ang mga bata  na tinatamad din pag Holy Week dahil walang mga activities, sinasabi na lang na bawal maligo. 


Bawal din daw masugatan pag Holy Week. Di nila sinasabi na nakabakasyon ang mga doctor at pati ang arbularyo sa barrio. Kaya walang gagamot.


Diyan hindi kumpleto pag walang palaspas na isinasabit sa pinto. Hindi naman amulet (kagaya ng sinabi ng obispo) kung hindi protection sa evil, sa mga magnanakaw (pero nakabukas naman palagi ang mga pinto) at protection sa kidlat. Kami ang binibili namin yong oliba. Pag kumidlat, nagsusunog kami ng isang rib. Minsan muntik nang masunog ang bahay hindi sa kidlat kung hindi sa sinunog na palaspas. Angiiii.


Unang Holy Week ko dito sa USA, akala ko ganoon din karami ang palaspas. Libre raw ibibigay. So hintay naman ako. Gusto kong gawing pantakot sa kapitbahay kong Tsikana na war freak.  Naunang kumuha yong kaibigan ko. Hinanap ko yong palaspas. Hindi pala yong buong palaspas kung hindi, isang dahon lang ng palaspas. 



Sabagay wala naman kasi ditong coconut trees. Kaya nga nang makakita ako ng walis tinting sa Filipino store, gusto kong bilhin. Mas mabisa kasing panlinis yon kaysa yong mga nabibiling plastic na walis na pagkatapos kang magwalis, yon namang kumabit na dumi sa bristles ang iyong aalisin. At least yong walis tinting, pwede ko pang gawing sasakyan (Broomstick)pwedeng gawing toothpick pag naubusan. Eww. 


O siya magdadasal muna ako. 


Pinaysaamerika

No comments: