Advertisement

Wednesday, April 25, 2012

My Dream and My Battle

Dear insansapinas,


Baka hindi ninyo type basahin, ok lang. Kokonsensiyahin ko naman kayo.


Tomorrow, I will have three types of imaging labworks starting 7: am. MRI, para silipin ang liver cancer ko at dalawang catscans para malaman nila na ang cancer ko sa breast ay hindi metastasis. Titingnan ang din ang bones ko para malaman ang exact recipe ng gamot na ibibigay nila sa akin sa treatment. Baka kasi masobrahan, maging bulalo.  At siyempre aalamin din kung may nakatago doong mga invaders. Indeed, it is scary and tiring. Kaya nga Battle ang tawag mo sa pagdeal sa sakit na cancer. 



Wala tuloy akong ganang makipag-usap sa telepono sa tumatawag sa akin. Hindi naman dahil depressed akong masyado pero mas binibigyan ko ng time ang aking pagtulog.
Last night, nanaginip akong nakasuot ako ng paborito kong damit--ang jusi. Yan ang madalas kong gamitin sa mga opisyal kong lakad noon. Sa dream, grupo-grupo daw kami. Kasama ko si Ate Vi na biglang nawala nang pumunta sa isang movie theater. Ang traidor. Naiwan ako na humahabol ng isang eruplano ng mga turista. May mga nakasakay na maraming tao. Hindi raw ako isinakay. Ang aking interpretation noon ay mga kaluluwa yong pupunta na sa kanilang destination. Hindi ako isinakay dahil nalate ako? Hindi ko na itinatanong kung bakit pinababayaan pa akong mabuhay. Meron pa kaya akong di natatapos na ginagawa? Wala na naman akong ginagantsilyo ah. Di ba si Angelo Castro sumuko na noong bandang huli ? Si Rio Diaz naman na namatay sa Seton Hospital, California at sinabihan na rin na wala nang magagawa ang gamot. Si Steve Jobs naman ay ayaw sumuko pero ang katawan na niya ang sumuko.


If you think na malungkot ako dahil mamamaalam ako sa mundo nang wala ng mga kakilala o kaibigan, nagkakamali kayo. Kaya nga ayaw ko nang ipadala ang labi ko diyan just in case dahil marami pa rin naman akong alipores diyan sa Pilipinas. Hindi pwedeng walang vigil. Eh yon nga ang iniiwasan ko. Ang abala. Dito, wala talaga akong mga kaibigan dahil ako na ang umiwas sa kanila.


Ayaw ko na nga ng "pag-alis" na maingay. Okay lang sa akin na mag-isa, magpasunog at magpakalat ng abo sa dagat. Sa Potomac kaya? 


Noon sa Cavite kung saan ako tumira, isang biyuda ang nangunugutang ng Php 10,000 (noon yon ha) kasi kailangan daw ang banda sa libing ng asawa niya. Kaugalian yata yon na ang paniniwala ay mas madali ang transition ng kaluluwa. Pero ang libingan niya ay sa lupa lang.


Mayroon na akong nabiling memorial lot diyan pero gastos pa rin ang pagpapalibing.  (Umandar na naman ang aking kakuriputan). 


Minsan naiisip ko kung hindi ako nagkasakit at ako ay umuwi ng Pilipinas. muli akong magtuturo at maari akong bumalik pagka Dean. Siguro ngayon mas paniniwalaan na ako. Hindi kagaya noon na ang trato sa akin ng matatandang dean sa Metro Manila ay isang istudyante lang.


Meron nga akong part-time lecturer noon na connected din sa university bilang isang opisyal na talagang type niyang maging dean, kaso hindi nga lang siya ququalify. Para maging dean ka, isang maleta ng documento ang ipipresent mo para saiyong mga academic qualifications , affiliations sa professional organizations, mga travel, seminars and lectures. Hindi ako tumigil noon nang pag-aaral. 


Minsan mayroon kaming conference sa DAP at nauna siyang dumating sa venue. Dahil wala pa ako, siya ang umattend ng meeting ng mga deans. Siya tuloy ang napagkamalang dean na hindi naman niya kinorrect. 
Nang dumating kami ng isa kong alalay, umattend na ako sa meeting. Sinita ako ng coordinator bakit ako nasa loob. hehehehe.


Nang dumating yong part time lecturer, wala lang sa kaniya. At hindi rin ako nagbother na sitahin siya. In fact, pinasalamatan ko pa siya sa ginawa niya. Ang huling balita tungkol sa kaniya ay retired na siyang matagal. Dapat lang kasi noong nagtuturo siya, pwede ko na siyang nanay eh. 


Pinaysaamerika



No comments: