Advertisement
Sunday, April 22, 2012
Competition ng mga Pangit
Dear insansapinas,
Competition ng mga pangit ang ugali
Two days ago, nabalita ang isang babaeng ninakaw ang identity ng isa ring Facebooker. Tapos, humingi siya ng pera sa isang Australiano porke isa raw siyang ulila at walang bumuhay. Sa akin kahit anong pangit mo (biglang ilag), okay ka pa rin kung maganda naman ang ugali mo. O siya, may hitsura nga pero masama nga lang ay nakakapagloko pa ng kapwa. Tseh. ooops.
Hindi lang naman poregners ang ginagawang biktima ng mga babaeng ito na hindi naman naghihirap, nakikipagkumpetensiyahan lang sa mga kaopisina nila pagdating sa pangingikil sa mga biktima nila. Meron ba namang nagugutom na nakakapaginternet pa? Pati ang bagong ahit kong kilay nagsipagtubuan ulit tuloy.
Kinuwento ko na sainyo yong kaibigan ko na dalawang beses naging biktima bago nakakuha ng pakakasalan. Yong una niyang nakilala ay may anak at asawa raw. Kaya pala sa Baguio siya niyayang magbakasyon nang umuwi siya. Nang hinihingan na siya ng pera na napakalaki, sinabihan ko ang kaibigan ko na mukha yatang berde ang kulay ng babae. Ingat. Baka mabutas ang bulsa niya. Nang hindi niya binigyan, biglang nawala yong babae sa internet. Iba na siguro ang ginamit na account.
Hindi nawalan ng pag-asa ang kaibigan ko. Hanap ulit. Sa Pilipinas lang naman talaga mahilig sumagot. So nagkilalala sila nong ikalawa at nagkasunduan sa ibabaw ng computer na uuwi si lalaki para magkita sila ni babae. Kaso magkikita pa lang sila for the first time, parang magtatayo na ng tindahan ang kaibigan ko sa laki ng mga balikbayan boxes niyang dala-dala. Parang pabango na lang ang ipinaliligo ng babae sa dami ng inuwi ng kaibigan ko. Pati yata yong pinsan ng pinsan ng malayo niyang pinsan, bibigyan ng pasalubong. May tsokolate pa yan ha. Pagdating sa Pilipinas, gabi-gabi ang pakain niya. Kulang na la ng ang barangay chairman para makabuo ng isang barangay na pinapakain niya tuwing lalabas sila. Nakapulupot naman daw at panay ang pagmamalaking US cit ang nakuha niya.
Nang bumalik siya dito sa US, nandiyan na ang drama. Kesyo raw, kailangan niya nang maghanap ng sarili niyang apartment. Pinalalayas na raw siya ng pamilya niya. Binigyan niya ng projected monthly expenses ang aking kaibigan. Kung mahal daw siyang talaga, tutulungan daw niya sa problema. Ang kilay ko, nagtalsikan ang mga buhok. Hindi ba raw niya mahal siya. Sabi ko parang nabasa ko na ang script na yan.
Wala raw siyang pakinabang, taga US pa naman daw siya. Bakit? Mag-asawa na ba sila? Ang kaibigan ko na ang umiwas sa kaniya. Masyado raw maingay.
Yong isa ko namang kaopisina, may nakilala rin sa internet. Willing daw itong pakasal at sumama sa US. Ang siste nito, di pa tapos ang green card noong kaopisina ko. Balik siya sa US. Huwag kang magkamaling magtanong at biglang magiliparan ang mga papel.
Basted pala. Kung hindi siya green card, wala ring wedding.
Pinaysaamerika

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment