Advertisement

Thursday, April 19, 2012

Recycling and the Million Dollar Cottage Industry of the Philippines

Dear insansapinas,
mas mahal pa yong bag. Ano kaya ang laman? Isang latang sardinas?
Yon lang ang tingin ng pulitiko sa mga botante, ilang lata ng sardinas, isang tasa ng bigas at magandang bag na pwedeng i-recycle ulit. Sus.


I lost ten pounds in a matter of ten days. Even the aroma of the pizza and the breadstick would not stimulate my appetite. Dinner has been recyled for more than three times already. Nagsimula sa adobo, nilagyan ng potatoes at kagabi, isinahog sa pancit. O di va, natutuhan ko sa mother ko yan. Recycling ng left-overs. 


Filipinos are very good in recycling. Even people are recycled. Tingnan ninyo ang mga tatakbo sa senator sa 2013, panay recycled. Nandiyan si Maceda na nagpahinga lang ng ilang taon, tapos naging visible na naman sa impeachment trial. Si Dick Gordon at Loren Legarda na tumakbo pagka-Vice-President tatakbo uli.. Si Kit Tatad na panahon pa ni Marcos ay nandiyan na pabalik-balik lang. Si Rodolfo Biazon (hindi pa ba sapat na nadiyan na yong anak) ay babalik rin. Sina Chiz Escudero, Alan Peter Cayetano, Gringo Honasan and Koko Pimentel ay sigurado nang lalaban ulit. Ang mga bago ay sina Jackie Ponce Enrile, anak ni  Senate President Juan Ponce Enrile. Nandiyan din si San Juan Rep. JV Ejercito, anak ni former President Erap Estrada. Oweno kung nandiyan na si Jinggoy. Hindi naman sila nag-uusap. ahek. Pati si Zubiri na umamin ng kasalanan ay balik ulit. 


Kung may katotohanan man ang sinasabing we are only using 10 per cent of our brain, siguro ang mga botanteng Filipino, one per cent lang. Eh nakita naman ninyo tumakbo si Erap, muntik pang manalo. Ngayon  balak tumakbo pagkamayor  sa Manila at baka manalo pa. Ano naman ang karapatan niyang magparecycle?



 Sus naman, isa di naman siya taga-Maynila; ikalawa convicted plunderer siya. 


Ang aking pakiramdam ay ang pulitika ang napakalucrative na cottage industry sa Pilipinas kaya yon ang puntahan ng mga anak ng pulitiko, mga recycled na mga actors/actresses at ng mga taong walang makuhang trabaho kung hindi sila kakapit sa pulitiko kaya kahit na pinahihiya na sila ng kanilang mga amo, okay lang. Saan nga naman sila pupunta?


Pati sa beauty pageant, may "recycling" din. Pag hindi ka nanalo, sali ulit. Ito yata ang pinakamadaling paraan para makapasok sa show business at later sa pulitika.O kaya naman ay pinakamadaling paraan para makasilo ng milyonaryo, may asawa man o wala. 


Kaya sa Pilipinas, walang pagbabago. Pare-pareho lang ang pangalan, pare-pareho lang ang pamilyang kumucontrol sa negosyo at ang cottage industry na employers ng mga hindi maiwanan ang kapangyarihan.


Pinaysaamerika

No comments: