Advertisement

Sunday, March 25, 2012

You've Got Mail

Dear insansapinas,
photocredit
Pakitimbang nga ang utak ko. Para yatang nabawasan. Para yatang ang aking pakiramdam ay may mga taong naniniwala na lahat ng tao paininiwalaan sila kahit mali.(Gulo, noh? )Kasi talaga yan ang intention, magulo.


Dito sa US particular sila sa address kaya nga may residence at may mailing addresss na hinihingi kung hindi pareho ang dalawa. May mga tao kasi na nakatira sa paupahan na ang lease ay pwedeng matapos within a certain period of time. Saan ipadadala ang mga mails? Doon pa rin kaya lang baka itapon lang ng bagong nakatira lalo na kung walang forwarding address o hindi nagchange ng address sa Post Office. Usually ang address na ibinibigay ay sa kamag-anak o kaibigan na permanenteng nakatira sa isang lugar at ang gumagamit nito ay may mga hinihintay na mga importanteng papeles. Mahirap naman kung P.O. Box ang mailing address dahil maraming mga agencies/companies ang hindi tinatanggap ito kasi kailangan ang immediate reply.


Ang iba naman ay iba ang residence sa mailing address dahil madalas na sa ibang bansa. Pagnakalimutan niyang ipahold ang mga mails niya, baka pagbalik niya, hindi na masara ang mail box sa dami ng junk mails.


Natawa naman ako sa nabasa kong ito. 
Gomez supposedly said: “To be sure—the Coronas do not have any piece of real estate registered in any of their names in the vicinity searched. However…Renato C. Corona is reflected as ‘has liven in’ 1401 Bayshore Blvd. Tampa, Florida 33606-3001. 
Hindi porke tumira ka sa isang lugar kahit ilang taon yan ay hindi ibig sabihin pag-aari mo na ang tinirhan mo. May mga tao na they rather rent kasi :


1. mas safe sa apartment complex kaysa sa bahay
2. sa mga lugar na may yelo, ang homeowner ang may responsibilidad sa pag-alis ng yelo sa front yard at sa sidewalk. 
3. Ikaw ang magbabayad sa garbage fees pati utilities.

Pag pumunta ka sa US, bago mag-disembark sa plane, may question doon kung saan tutuloy. Kaya nga natitirace ang mga tao sa US of A dahil nakalagay sa computer kung saan-saan ka pumunta.


Robles went on to ask: “Who is this Renato Corona found in US public records who is identified as being related to Cristina, Carla, Francis and Charina Corona who is said to ‘live’ in the US?”
She also asked: “If this is indeed CJ, does this mean Corona is a US citizen or a greencard holder? He did stay for two years in the US while studying in Harvard, but this university is in Massachusetts; and not in Florida or California where the addresses linked to one Renato C. Corona are located.”
Hahaha, for someone who had lived in the States, di ba she should know that a student visa is enough for someone to stay  in the US. This is extendable.  For him to be a US citizen, he shoud have lived in the US for three continuous years in case he was petitioned by the children. No gap, that means, he can not take a long vacation.


Maiintindihan ko pa yong entertainment writer na nagsulat na magiging US ctizen daw ang anak ng isang starlet sa isang US citizen na boyfriend kung ipapanganganak sa US. Pag-anak ng US Citizen, US citizen yon kahit saan ipanganak,anoh.


O kaya yong nagsulat na ang mga ang nanay daw ay Filipino ay Filipino rin. Korek. Pero pagdating nila ng 21 lalo na kung kukuha ng board, mamimili sila kung anong citizenship ang kukunin nila. 





 Does that mean that when you got an address in Florida, you can not have address anywhere in other states. What if the children were moving? All of these information are stored in the database. Manood nga kayo ng NCIS at Person of Interest.


Sandali, sino ba ang kinakausap ko? Pag ang tao alam naman ang katotohanan pero mayroon naman silang ibang agenda, kahit mapudpod ang dila mo, wala ring kuwenta. Kaya FYI na lang ito.


Alam ninyo bang hindi kayo makakahiram ng libro kung wala kayong library card. Alam ba ninyong para magkaroon kayo ng library card, kailangan Post Office stamped envelope na may ipapakita kayong na naka-adddress sainyo? Sa Department of Motor Vehicles kailangan din yang address dahil ang license ay minimail lang though may mga DMV na makukuha rin the same day. But the address whether you own the house, rent the house or you are just with relatives/friends  is in the state ID or license.  


Alam ba ninyong tinatanong minsan ng ibang government agency kung nasa Pilipinas ka kung may pwedeng ibigay kang address sa US for safe and facility of mailing.


Pinaysaamerika

No comments: