Advertisement

Saturday, March 03, 2012

Ticket at Wedding Gown

Dear nakikipinsan,


Hindi naman kita pinsan, in fact di naman kita kaanu-ano so hayaan mong makipinsan na rin ako. Hayaan mo na ring halu-halo ang English at Tagalog ko. Paborito ko kasi ang halo-halo.


May gusto kasi akong alamin. Let me tell you the story. 
Uuwi ako ng Pinas para pakasalan ang aking common-law husband. Isasama ko ang aming anak.Hindi pa kami ikinasal dahil penition ako ng aking mother dear. Kung kasal ako, isang galon ng hair color ang kailangan ko at uuga-uga na ang aking mga joints bago ako makarating dito sa US. 


Ang common law husband ko naman ay di penitition ng aking mga-in-laws. Green card lang ang mother niya dahil nakapetition pa rin ang ibang anak. Kung US cit siya, matagal din bago niya makuha ang ibang over-aged na mga dependents. 


  Kapitbahay ko siya noon ng mahigit sampung taon at marami na siyang ipinaradang girl friends sa harap ng bahay. Nagulat na lang ako ng mapansin niya ako at ligawan.  Nalaman niyang nakapetition ako eh.Nagsama kami at nagkaanak nga ng dumating ang petition ko. Hindi siya nagbibigay ng pera dahil i-sisave daw niya pag-migrate namin sa US. Ang iba ay padala raw ng nanay niya na nagpapabili ng mga lupa sa probinsiya.




Dalawang taon na ako dito pero wala pa akong trabaho. Di ko kasi maintindihan ang mga salita ng mga Puti. Nakatira kami sa aking mother habang ang mother-in-law ko naman ay nakatira sa kanilang bahay na malapit sa mga kapatid ng aking common-law husband. 


Noong Pasko, sinabihan ako ng aking biyenan na umuwi ako at pakasalan ko ang aking asawa. Bibigyan daw niya ako pamasahe dahil wala naman akong trabaho at walang naiipon.


Dumating ang pera, nakikipinsan, pang-isang tao lang. Para lang sa aming anak. Ako na raw bahala sa aking pamasahe. At huwag na raw akong maghanap ng engrandeng kasal. Tama na yong makasal kami sa huwes. Magrenta na lang daw ako ng wedding gown sa Baclaran.



May hinala tuloy ako na hindi talaga ako ang gusto nila kung hindi yong makarating dito ang anak nila.
Totoo kaya ang hinala ko?


Dear nakikipinsan,
Huwag kang magpapagupit ng buhok sa loob ng tatlong taon para di pa mabawasan ang iyong utak hane? Kapag naniniwala ka sa kanila na paborito ka nilang in-law, huwag mo na akong kausapin, huwag ka ng susulat at huwag mo akong pasasalubungan. At huwag mo akong tatawaging pinsan. TSEH.Wala akong pinsang mabagal ang pick-up.


Pinaysaamerika

No comments: