Advertisement

Friday, March 30, 2012

Sino ang Hudas

Dear insansapinas,

photocredit
Ang hirap maupo.Mali pa ang ibinigay na painkiller ko. Di pwede sa akin yon dahil sa aking liver. Kaya ito pasensiya sa sakit hanggang Tuesday.Sarado ang doctor sa weekend. Ahay. Ang aga ng holy week.


Nanood ako ng episode ng isang Law and Order yata yon (sa dami ba naman ng pinapanood ko, nagkakakahalo-halo ko na, tapos nakakatulog pa ako niyan). May isang pinatay doon na batang Amish. Alam ninyo ang Amish? Sila ang pinakaconservative na miyembro ng isang relihiyon at community. Remember the Witness starring Harrison Ford? Di sila gumagamit ng kuryente at hindi nakikihalo sa ibang tao pero sa episode na yon nalaman ko na pagdating nila ng 16, lalaki o babae, pinapayagan silang lumabas, gawin ang gusto nilang gawin, uminom, magsuot ng sexy na damit. Pagkatapos ng isang taon, magdedecide sila kung aling buhay ang gusto nila ngayong natikman na nila ang kamunduhan. Pag ayaw na nilang bumalik, pababayaan silang umalis pero itatakwil na sila ng kamag-anak at ng community. Pag nagdecide na silang bumalik, wala silang maririnig na pangungutya a pagkagalit sa ginawa nila sa labas. 

Ano ba ang tinutumbok ko? Ang tinutumbok ko ay ang alleged verbal abuse ng mga madre sa mga istudyanteng nagpublished ng kanilang retratong naka bikini at may hawak na sigarilyo ba? tapos inignore nila angTRO? Ang pinakamatindi pa ay ang di sila pinasama sa graduation.  Sixteen years old yon mga yon. Karamihang mga pagkakamali sa ganiyang edad. AHEM. Pinahiya pa sila. Kung totoong nakaset sa privacy ang Facebook nila, sino sa mga friends nila ang Hudas na naglabas ng retrato? Kaya ako walang tiwala kahit dito sa katabi kong camera. Baka Hudas din ito.


Kahit naman yata si Bossing, hindi tinawag na slut si Magdalene. At hindi siya "bumaba" sa mundo " para sa mga banal o iniisip nilang sila ay banal  kung hindi para doon sa mga makasalanan. 

Kung may manual  o handbook ang iskwela para sa mga students, baka hindi updated na isama ang mga social media. Nangyari naman yon sa beach. Huwag nilang gayahin ako na nakapajama pag nagbeach. ahehek. O kaya ng aking TK Girl, nakatwo-piece nga ang laki naman ng beach towel na nakapulupot..Buti na lang hindi ako nagmadre,Kung hindi palagi nila akong wiwisikan ng holy water. 


Pinaysaamerika

No comments: