Advertisement

Thursday, March 15, 2012

Nosebleed

Dear insansapinas,


Madalas akong magnosebleed dahil sa allergy. Sa impeachment trial, nosebleed yong mga senators-judges nang pinag-uusapan na ang mga numero ng mga fair market values, assessed values at historical values. hahahaha. Kaya nga ako kahit tulog, sabi ng aking mga Tsikiting Gubats ang mga sinasabi ko ay mga numero. Almusal, tanghalian, hapunan at pati meryenda, numero. 


Tungkol muna sa me. May blood works ako sa aking internal medicine specialist kahapon pagkatapos magkaroon ako ng another blood works noong Tuesday sa cancer doctor ko. Iba ang mga hinahanap nila sa dugo. 


Sa dami ng kinukuha sa akin kaya siguro nasa ikalawang vial pa lang kami ay wala ng dugong dumaloy. Panic yong phlebotomist. Sabi ko kailangan ko sigurong kumain ng dugo. Sabi noong isa yuck. Hindi nila alam na sa isang bansa, ang dugo ng baka ay parang health food na kinakain ng mga bata. Fried.Well sa Pilipinas, pakainin ko sila ng dinuguan. Yum.


Balik tayo sa mga numero sa impeachment trial. Pinag-aawayan nila kung paano madedetermine and fair market value. Lintek na noong istudyante ako yan din ang problema ko. Pero ang di nila kinonsider ay yong may nakalagay na " appraisal" should be done by an independent party. 



Kasi  noon naman compliance lang ang pagsubmit ng SALN. Kung meron talagang graft and corruption ang opisyal, inaidentify na nila kung ano yon. Sa impeachment trial naghahanap lang sila ng mali at kung may mali saka sila lulukso ng AHA, you're guilty. Pweee.


Azkal


Halatado naman ang mga promoters ng AZKALS. Mga positive news na ang pinalalabas kasi alam nilang yong mga statements noong accused for sexual harassment ay di lumilipad. 


Pasa sa akin, di rin lumilipad ang nirerepresent tayo ng mga foreigners na ni hindi nga marunong magTagalog o English. Ipinagmamalaki ba natin na nanalo sa football na hindi naman natin kababayan ang naglalaro. Hala baka ma-ARNOLD ka. Tseh.


Pinaysaamerika 


No comments: