Nasa balita na ang mga Pinoy daw ay gustong ipaalis si Senator Miriam Santiago sa ICC. Pinamumunuan ng abugadong si Rodil Rodis at kasama ang mga ilang Pinoy sa retrato ipepetition daw nilang maalis si Miriam Santiago sa ICC.
Spearheaded by chairman Rodel Rodis, the US Pinoys for Good Governance called the attention of the officials and administrators of the ICC for the ouster of Sen. Santiago for her psychological and emotional instability to handle proper decorum, undeserving of a place in court, much less an international one.
Marami niyan dito. Kaniya-kaniyang gawa ng grupo at sila ang chairman o president. Yong natalong chairman, magtatayo naman ng sarili nilang asosasyon at yong matatatalo naman ay magtatayo rin ng sarili niya. Hindi katakataka na sa isang maliit na siyudad ng San Fracisco o Daly City, may sampu o dalawampung Assoc. ng mga nanggaling sa Tondo, north, south, west, east.Kaya naman sila nagtatayo ng asosasyon ay para sa kanilang networking sa negosyo kagaya ng insurance, immigration issues, real estate, tax preparation at kung anu-ano pa.Tapos pag may isyu silang masasakyan, sasakay sila para sa media mileage.
Ang sarap talaga ng crab lalo na pag nilagyan ng gata. Pero yong crab mentality, nakakasuka.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment