Advertisement

Saturday, March 17, 2012

Creepy

Dear insansapinas,
photocredit: webmd
Sabi ng ibang commentator tungkol sa Azkals, dahil locker ng mga lalaki yon, expect na okay lang kahit ano ang gawin nila. WRONG. Sa mga lockers ng private gym ng mga high profile na corporation (para sa mga privileged nilang mga executives) at sa maraming gym, kabastusan yong maglalakad ka ng nakabrief lang. Kaya nga sila binibigyan ng tuwalya. Kawalan ng paggalang yon sa iba na kahit lalaki ayaw makakita ng bagay na dapat ay for personal viewing lang. 


Kahit sa private membership gym, may mga etiquette pag nasa men's locker.



Walking Around

  • Do not walk around the locker room nude. If you must walk somewhere, there should be a reason and you should wear a towel (at a minimum) or put on your underwear and, preferably, pants.
  • Walk with a purpose in the locker room...don't just stroll around naked, especially next to guys sitting on the benches putting shoes on, etc. This is rude. Last thing a guy trying to get psyched up for his workout and putting on his shoes needs to see is another guy's schlong at eye level.

=============
2. Tawag sa akin ang clinic na gumawa ng blood works, anemic daw ako. Sus naman dapat finactor nila na two weeks din akong kinatasan (drained) ng dugo after the surgery.


=============
3. This week naman, magpapaechocardiogram ako, required  ng doctor. Aalamin daw kung may puso pa ako.
=============



4. My anger management issue ang 13 year old na anak ng aking kaibigan. Pagnatatalo siya sa game, nagwawala siya. Kahapon ay sinundo ng mga kaklase niya. Binigyan ng kaibigan ko ng one hour. Sa one hour na yon, nadala sa emergency. Pikon, pasaway at hindi papayag matalo, kaya ang isa niyang kaklase ay pinukpok siya sa ulo. 


Sa takot ng nakaaway, ibinigay  niya ang buo niyang pera, huwag lang magsumbong. Pero kulang pa sa ibinayad niya sa co-pay niya sa emergency.
===========
5. Nagcrushed yong aking isang laptop. Nakatanggap na naman ako ng e-mail na siguro my virus.


Pinaysaamerika

No comments: