Advertisement

Sunday, March 18, 2012

Comparability

 Dear insansapinas,

Kakanta muna ako.
Touch me in the morning,
Then just walk away, 
We do not have tomorrow,

But we had YESTERDAY.
Hindi pa apektado ang utak ko kaya ako ay pasaway. Related lang ito sa concept sa accounting na applicable sa SALN na didiscussin ko.


Pero sabi nga ni Anne Curtis:
Ladies and gentlemen, I am not a singer, (Annie Curtis) I am a performer. Ako naman except kung tutulay ako sa alambre, hindi ako singer at performer  but I was a professor no matter how absent-minded I was. 


Ganiyan ako maglecture.  May kasamang kanta o sollilquy. O diva gising ka kaagad.


May accounting Concept kasi na gusto kong i-discuss na importante kung hindi walang kuwenta rin ang mga pinakikitang SALN ng mga opisyales.


Gaya ng lecture na ito, ang Comparability Principle (Puwedeng Pagkumparahin)
Sabi nila ang SALN ay more for bean counters to discuss so that if I were a bean counter consulted, (mongo) comparability principle  should have been applied in the preparation of the SALN. It tells us the story how the current SALN (yesterday) was derived.  hmhmhm

So what kung halagang kalahating bilyon si ano at maraming bilyon si kuwan kung noong nakaraang taon naman ay isang bilyong na ang assets ni Ano at ngayon naman ay kalahating bilyon na lang.
 Ibig sabihin noon may bumaba. Kung ano ang bumaba, makikita kaagad pag pinagkumpara ang mga items sa SALN. Kasi ang presentasyon ay Prior year's and Current Year = Increment.

Parang timbang- Prior years 170 lbs; current year 150 lbs : third column at 20 o difference noong dalawa, Ibig sabihin, pumayat. Sa assets naman baka yong current year, wala na dahil naipagbili na pero nasama pa rin sa SALN. 


Sa valuation ng assets, marami ang pabor sa assessed value kasi more or less nagrereflect ito ng current fair market value. Between the gossipy neigbors and  the assessor's  office, may basehan ang sa huli.


Ang sinasabing historical costs or acquisition costs ay pabor sa mga empleyadong nineteen kopong-kopong pa binili ang assets. Kagaya noong ang per square meter ay 90 pesos lang at ngayon ay 20,000 na, ano ang makakareflect ng approximate value of the land. Eh yong fair market value ng lupa.


Isipin ninyo na lang na nakadeclare ka ng assets na mansion tapos ang halaga ay 500,000 lang dahil yong mga panahon na yon ay napakalaki na iyon. Aba ngayon, toilet lang yon.


Ang Networth kailangan maikumpara rin para malaman kung gaano lumago ang aria-arian ng empleyado. ITO ang pinakaimportante sa analysis.


Pinaysaamerika

No comments: