Advertisement

Wednesday, March 07, 2012

Versus

Dear insansapinas,

Awayan ng awayan. Walang gustong magpatalo. Kaniya-kaniyang dahilan bakit sila ang tama.

Grace Ibuna Versus Aleli Arroyo
Sa Congress, namayagpag si Aleli. Ang kuwento niya tungkol sa asawa ay dapat sinimulan ng "once upon a time"dahil ito ay noong hindi pa sila naghihiwalay at nagse-seek ng annulment. Si Grace Ibuna naman ay namayagpag sa lugar kung saan kilala silang "magpartner" ni Iggy.

Parehong nagpoprofess ng pag-ibig. 

Naalala ko tuloy ang kuwento ng mother ko. Mayroon daw namatay sa aming baryo. Masyadong madrama ang asawa na noong inililibing na ang namatay ay pinipilit sumama sa hukay.May isa namang salbaheng kapitbahay na itiulak nga ang nabalo. Hulog siya sa hukay at nagsisigaw na iakyat siya kaagad, Ngiiiiii,
 ======
Jose Manalo versus Annalyn

Pagkatapos nang matagumpay na concert sa Araneta Coliseum,ang asawa ni Jose ay nagpainterview sa The Buzz na iniwanan daw siya ng asawa niya para sa isang babae. Kesehodang iniwanan siya noong Enero pa at ngayon lang naalalang sumigaw. Kesehodang, nanloko raw siya ng mga kasamahan sa trabaho ng kaniyang asawa na siyang ikinahiya ng asawa niya.

Mabuti hindi sumasagot yong asawa. Dapat pag ganitong problema, sa kanila na lang sariling pamilya pag-usapan. Sabagay peraseses ang involved,

Wilma Galvante versus Annabelle Rama

NEXT.

Cristina Ramos versus Azkals

 Go, go Cristina. Inggit lang ang mga yan dahil baka hindi Victoria's Secret ang kanila.


Pinaysaamerika

No comments: