Advertisement

Friday, November 04, 2011

Law and Order, Not

Dear insansapinas,

Nakakalurkey ang nangyari ng Haloween week na ito sa Pilipinas. Parang Law and Order na disorder ang pagpatay sa kapatid ni Senator Ramon Revilla Jr. at ama ng international singer na si Charice.

Hindi ko malaman kung ang mga reporter ay nag-iimbestiga rin kasi ang edad ni Ramona Revilla minsan ay 18 raw at si RJ Bautista ang 22. Sa isang diyaryo naman baligtad. Di bale na ang mga retrato kung magkapalit-palit, dami kasi ng Revilla, halos pare-pareho pa ang pangalan. ISANG BARANGAY.

Doon sa isang diyaryo 5 milyon ang pabuya para sa makakaturo nang pumatay at sa isa namang diyaryo ay limandaang libo. Kanino kaya napunta yon? Bakit inaresto kaagad si RJ Bautista? Napatunayan ba na siya ang mastermind? Dapat bang painwalaan ang testimony ng mga kasangkot kahit walang sapat na ebidensiya?



Umalis ang isa sa mga suspects sa pagpatay,  si Ramona "Mara" Revilla.  Pumunta ng Hongkong. Kung totoong sila nga ang pumatay sa kapatid, ang babata pang nakakaisip ng krimen at ano ang tindi ng galit nila para ipapatay o kaya patayin ang kapatid na buo. Isang ina at isang ama. Yun na.

Kahit yong sa ama ni Charice ay na"solve " kaagad kung sino ang pumatay. Ang barangay naman ang nakatanggap ng pabuya. Tatandaan siguro yan ng mga akusado, ang huwag magtago sa sarili nilang barangay.

May abugado ba ang pumatay? Binibigyan din ba ng libreng abugado ang mahihirap na akusado sa Pilipinas?

Pinaysaamerika

4 comments:

biyay said...

yung sa tatay ni charice, maraming witnesses daw na nakakita kaya identified kaagad ang pumatay. plus, syempre nakakatulong na may reward. yung sa mga revilla, sabi umamin daw yung isang kasama sa pag-plano.di raw nakayanan ng konsensya. o baka naman umamin dahil may inducement... pero yung ituro ang kapatid ng namatay? kataka-taka.

oo, kung walang pera yung akusado para pambayad sa sariling abugado,may tatayong abogado para sa kanya. ang Public Attorney's Office o PAO. Malamang, naka-usap na ng alleged killer ang PAO lawyer o kaya si Atty. Persida Acosta

cathy said...

ang ipinagtataka ko ay bakit nasa bahay sila. hindi ba magtataka ang mga tao na bakit sila hindi napatay o nasaktan?

bakit kung kailan pa nandoon ang girl friend na pwedeng maging withness. sabagay binaril daw.

masyadong elementary ang pagkakaplano ng pagpatay.

kung sila nga ang pumatay, kailangan nila ang Murder 101 subject. Pagkatapos nang krimen, huwag nang magteTEXT. sus. hinahanap pa ang murder weapon.

akala siguro noong alleged killer ng ama ni charice, pag pinatawad siya ng pamilya, libre na siya. Di ba Rep. of the Phil. versus the accused na?

biyay said...

mayaman lang sila pero baka hindi matalino. hihihi

cathy said...

balita ko mga exclusive schools ang pinapasukan.