Dapat magfocus na lang si Lolit Solis sa pagmamanage ng talent o pandaraya para manalo ang mga talent niya.
Porke talent niya si Bong Revilla, ipagtatanggol niya ito kahit mali.
Ang support sa mga bata, legitimate man o illegitimate ay nasa batas at isa itong criminal offense. Hindi ito utang na loob ng mga illegitimate children at common spouse.
Kaya yong sinabi ni Bong Revilla na bakit siya pumayag maging kabit, aray yon. Ganoon din ba ang nababalitang mga babae niya? Sinasabihan din niya? TSEH.
Not everyone also knows that R.A. 9262 provides for criminal sactions or penalties for failure to provide support or withholding custody, in certain cases. Well, now you know.
Kaya entitled ang mga anak ni Genelyn mula sa mga Revilla. Ang halaga ng suporta ay naayon sa kakayahan at sa panggangailangan ng mga anak. Hindi maari yong one time lang sila bibigyan as in capital sa negosyo. Ito sy hanggang umabot sila sa edad na itinakda ng batas.
Ang pagkaalam ng mga tao, isang milyon ang allowance ng pamilya, yong pala ay 260,000 lang isang buwan. Eh kulang nga sa sampung katao at sa lifestyle sa lugar na tinitirhan nila. Bakit inoverstate nila? Para sa motibo? Ano nga naman ang 260,000? para pumatay.
Pakisampal nga sila ng abacus kung sapat ang 260,000 sa sampung miyembro ng pamilya? Ayon kay Genelyn:
On Nov. 10, “TV Patrol” showed some messages posted by Magsaysay on her Facebook account. It read: “I need to work ASAP so I can have my own. I don’t like to hear them saying I’m a parasite. Before I met him I’m working already, now they’re telling me I am a parasite when the allowance that you are giving is not enough for monthly consumption.
Ayon sa manager ni senator Bong na si Lolit Solis, sa takdang panahon handa nilang ilabas ang lahat ng dokumentasyon hinggil sa regular allowance sa pamilya ni Genelyn Magsaysay mula 2008 at bago pa dito,” Mario Dumaual reported, adding that Magsaysay and her children receive a monthly allowance of P260,000.Tingnan natin kung tama ang sinasabi niya.
Sabihin mo ng ang pagkain nila breakfast, lunch at dinner ay nagkakahalaga na ng 5,000 isang araw. Isang buwan, Php 150,000 na iyan. Ano kaniyo mataas ang 5,000?
MAgkano ba ang isang itlog? Php 5.50 per piece. Siguro hindi naman hindi lang isang piraso ang bawa't isa diyan. Itlog lang magkano na. Magkano ang isang kilong karne. Hindi lang isang kilo ang makakain ng mga iyan. Sabihin mo ng halagang 700 sa isang araw. Siyempre hindi lang isang klaseng ulam yan. Doblehin natin.
So 1,400 na pati itlog ay mahigit isandaan. Bottled water, Gatas, palaman, miryenda,
Bayad sa kuryente. Siguro mga 30,000 to 50,000. Bayad sa katulong. Allowance ng mga bata. Mahina ang 500 diyan dahil ang meryenda palang nagkakahalaga na ng mga dalawandaan. So kung anim ang nag-aaral, 500 x 6= 3,000 x 5 days =15,000 x 4 times a month x 12 months= =60,000. Gasolina.
Kung diyan pa nanggagaling ang tuition fee, walang matitira sa 260,000. Isang bata siguro ay may tuition fee na sabihin mo ng 100,000 a year. Kung pito ang nag-aaral, that is 700,000 a year.
Kuwentahin na natin. 260,000 a month x 12 months= 3,120,000
Tuition fee 700,000
Food 1,800,000
Allowance 720,000
Hindi ko na itutuloy ang pagkuwenta. Kulang na eh.
Eh noong umuwi ako diyan, ang halaga ng kinain ko ay umaabot ng limandaan isang lunch kapag ang ulam ko ay tinapang bangus. Gulay lang na pwede namang itanim, ang mahal pa eh. Nabibitiwan ko pag sinabi sa akin ang presyo. mwhehehe
Pinaysaamerika
3 comments:
Si Don Ramon lang naman ang pwedeng maging liable sa 9262. tapos ang support dapat e yung sapat para sa mga pangangailangan ng mga sinusuportahan, tulad ng tuition, pagkain, damit. basic necessities, hindi luho. tsaka si genelyn e walang karapatang humingi ng support kasi kabit lang sya. yung mga anak, oo.ang tanong, kaya ba ni genelyn na sapahan ng kaso si don ramon?
thanks biyay. pero balita eh 150,000 na lang ang allowance. Pambili ko lang ng toilet paper yon. Toinkz
si bong revilla yata ang namamahala sa support ng mga illegitimate. kaya siya ang nagdedecide kung magkano ang ibibigay.
Post a Comment