Advertisement

Wednesday, November 09, 2011

Chop Suey

Dear insansapinas,


Talagang magbabalik si Sunshine Dizon pero tama siya sa kanyang planong ibalik muna sa porma ang kanyang sarili.

Bakit ano ba ang nagawa niya sa industriya? Taas kilay. 

Fearless Forecast sa laban ni Manny Pacauiao

1. Nakauwi na ang mga nanood ng laban, nasa second round pa lang ang TV coverage sa Pinas sa dami ng commercial.

2. Asahan mo nasa likod na naman ni Pacquiao si Chavit Singson para sa photoop.

3. Patatawarin ni Jinkee si Manny Pacquiao. Sayang yong 1.3 billiong kikitain. 

mwhehehe.


Revilla murder case
Kasama na sa suspect si Genelyn Magsaysay sa pumatay ng anak niya. Susunod nilang suspect ay ang mga batang mga kapatid. Mga tagapagmana rin kasi sila. tsssk tssssk


Kiss and tell

Dalawang artista ang kilala kong ikinukwento ang mga kapintasan ng kanilang mga naging ex. Pareho silang actress at TV host. Isa grabe ang revelations. Tungkol sa STD. 

Pag wala na kasi silang mapag-usapan na mga kasama nilang artista, ang sarili ang ginagawan nila ng kontrobersiya.

Ang mga lalaki naman sa buhay nila ay di sila pinapatulan.

Latest ay si John Lloyd na ibinuking ni Ruffa ang matagal ng blind item na paglalasing nito. 


Hindi siya pinansin ng network at ni John Lloyd mismo. Tumanggap pa ng increase sa talent fee niya ang actor.

Sino pa kayang lalaki ang magkakagusto sa ganitong mga kiss and tell beauties?



Pinaysaamerika


No comments: