Advertisement

Friday, November 11, 2011

Bawal Magshoot dito

Dear insansapinas,
Hindi ko alam kung bakit ipinagbawal ang pagKODAK sa mga landmarks natin.


Noong nasa probins kami, ang unang niretrato ng aking father at brother ay ang Luneta. Syempre, pagdating sa probins, palakpak tainga namin dahil marami sa mga kababaryo namin ay hindi pa nakarating ng MENILA.


Nang mapili akong magrepresent noon sa school namin sa field trip kung saan dadalawin namin ang mga landmarks sa buong Luzon (doon ko nakita ang bahay ni Rizal at kung gaano lang siya kalaki, doon ko rin nakita ang Fort Santiago na unang kita ko lamang sa parang estatwa niya ay munti na akong magtitili at noon ko rin nakita ang mga libigan sa ilalim sa San Agustin Church). Ang problema noon ay wala akong camera. Whaaaa. SINONG GENIUS ANG NAKAISIP NA IPAGBAWAL ANG PAGRETRATO SA LANDMARKS? Stand up please.




Ngayon bakit nila pinagbabawal kung gusto nilang idevelop ang turismo sa Pinas? BAKIT?


Paano kaya kung ipagbawal din ang mga landmarks na ito na IKODAK?








fontana de trevi


st. peter's cathedral



Pimaysaamerika

No comments: